Hindi n tinapos ni Rui ang party ni Mia. Natatakot siya na komprontahin siya ni Mia tungkol sa mga bagay na nasabi niya kanina. Lingid sa kaalaman niya ay sinundan siya ni Rhys pauwi.
"Pinsan, we have to talk." pambungad ni Rhys.
"I know. I'm sorry sa nagawa ko kanina. I didn't mean everything." paliwanag ni Rui.
"The damage has been done. Once again I want you to tell me. Do you love Mia? Don't you dare lie to me." may galit na tanong ni Rhys.
"I'm really sorry.. I love Mia for the longest time. But I'm afraid to lose her so I can't let her know." pagtatapat ni Rui.
"How dare you lie to me! I asked you before but you lied to me! You stay away from Mia or else!" pigil ang galit na sagot ni Rhys.
"You don't have to tell me that any more. I already bid my farewell." sagot ni Rui.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Rhys.
"I'm leaving. I got my working visa three days ago. I'm leaving tomorrow morning." malungkot na sagot ni Rui.
Yun lang at tumalikod na si Rhys.
Nag-empake na ng gamit si Rui pagkatapos nilang mag-usap. Hirap na siyang makatulog kaya pinili n lamang niyang hintayin ang oras ng pag-alis niya.
Dala ang kanyang maleta ay marahang lumabas si Rui ng kwarto. Nagulat siyang gising din pala ang pinsang si Rhys at hinihintay siya..
"I'll drive you to the airport." mahinang sabi ni Rhys.
Tahimik nilang tinahak ang daan patungong NAIA. Walang sino man ang nagtangka na basagin ang katahimikan sa pagitan nila. Sinapit nila ang airport na pareho silang walang imik. Nasa departure area na sila nang magsalita siRhys.
"Life is not easy in America, pinsan. You stay strong and I still wish you all the luck." paalam ni Rhys.
"Thanks pinsan. You take care of Mia. If she falls in love with you, I'll be glad for I know that she's in good hands. I wish you happiness. See you again soon." paalam ni Rui.
"Aren't you going to tell Mia about this?" pahabol ni Rhys.
"This is the best for all of us. I hope someday she can understand that I'm doing this for her." malungkot na sagot ni Rui bago tuluyang tumalikod at umalis.
Tahimik na tinahak ni Rhys ang daan pabalik. Tinatanong niya ang sarili kung masaya ba siya sa nangyaring nagparaya ang kanyang pinsan para sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kay Mia kapag nagtanong ito at paano niya maipapaliwanag ang mga nangyari na hindi lalabas na masama ang kanyang pinsan. Gusto niya si Mia pero ayaw naman niyang sirain ang pagkakaibigan ng dalawa.
Tanghali na nang makarating siya sa bahay. Naligo siya at Nagpahinga. Gusto niyang magpahinga dahil napagod siya sa byahe at hindi din siya nakatulog ng maayos dahil sa conflict na nanguari sa pagitan nila ng pinsan pagkatapos ng party ni Mia.
Ilang araw din niyang iniwasan n magkita sila ni Mia. Pero sadyang dumarating ang mga sandaling hindi maiiwasan.
"Rhys!" sigaw ni Mia na tumawag pansin kay Rhys.
"Hey, Mia. How are you?" Pangungumusta ni Rhys.
"I'm fine. Thank you. Ilang araw ko na kayong hindi nakakausap ni Rui. Ano ba pinagkakaabalahan ninyo?" inosenteng tanong ni Mia.
"Wala naman masyado. Mejo naging busy lang ako. Si Rui naman may trabaho na." sagot ni Rhys.
"Talaga. Nakakatuwa naman. Kaya naman pala hindi ko na siya nakikita. Bisi-busy-han na ang drama nya. Ano ba work nya?" tanong ni Mia.