Chapter 15

22 3 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Rui ang nakita niyang kamukha ni Mia sa Massachusetts. Naisipan niyang kumustahin muli ang account ni Mia sa isang social network. Doon niya nalaman na umalis na ito ng Pilipinas. Pero hindi malinaw dito kung saan ito nagpunta sa America.ilang araw na ngunit hindi pa rin ito nag-a-update sa account nito.

Naisip ni Rui na sa loob ng limang taon ay tiniis niyang hindi magparamdam o makipag-communicate kay Mia. Handa ba siya sa mga mangyayari kung sila ay magkakaharap?

Alam na niya sa sarili ang sagot sa kanyang tanong. Tinawagan niya ang kanyang kaibigang private investigator.

**********************************

Pumunta si Mia ng maaga sa kanyang appointment. Naging maayos ang interview at nakuha niya ang hinahangad na trabaho.

"Congratulations Ms. Altamirano. You may start tomorrow." sabi ni Stephanie.

"Thank you, mam." sagot ni Mia.

Si Stephanie ay anak ng may ari ng kompanyang kanyang pagtatrabahuhan. Binigyan siya ng mga projects nito at in-orient sa mga deadline niya.

Excited na sinimula ni Mia ang pagtatrabaho. Dahil sa gusto niya ang kanyang ginagawa ay hindi siya nauubusan ng mga fresh ideas. Napakaraming ideas na pumapasok sa kanyang isipan kaya maayos at madali niya itong natapos.

Sa unang sibmission niya ng project ay t-in-reat niya ang kanyang sarili sa isang famous Filipino restaurant.  Nagpunta siya sa ladies room upang mag-ayos ng sarili at nakita niya ang kanyang boss. Binati niya ito at magiliw naman siya nitong sinagot. Kasama daw nito ang boyfriend nito.

Nauna na itong lumabas ng ladies' room. Hindi niya inaasahan ang nakita niya paglabas ng cr.

Si Rui ang kasama ni Stephanie. Hindi na siya kumain at umuwi na lamang siya at nagkulong siya sa kwarto.

Mia's P.O.V.

Kaya naman pala hindi niya magagawang magparamdam. Nakakita na siya ng babaeng mamahalin dito. Ako na lamang pala itong parang tanga na umaasa sa kanya.  Tinititigan niya ang stuffed toy na bigay ni Rui noon. Kinausap niya ito.

"Bakit, Rui? Iniisip mo ba na hindi ko maiintindihan? Hindi naman ako bobo eh! Tanga lang siguro aq! Kasi umasa ako sau. Sana sinabi mo na lng na ayaw mo sa akin. Na hindi mo ako gusto. Pinaasa mo lng ako na may patutunguhan itong katangahan ko sayo. Ang haba ng limang taon, Rui. Limang taon na pinangarap kong makasama pa kita. Ngayon, kahit gaano pa kita kamahal, pupunuin ko ng galit ang puso ko laban sayo. Kakalimutan kita. I ain't giving you a chance to hurt me again!" umiiyak at puno ng hinanakit na sabi ni Mia.

********************************

Lumipas ang ilang buwan ng mabilis. Inabala niya ang sarili sa paggawa ng mga projects niya at pag-aaral upang hindi niya maalala ang sakit na kanyang nararamdaman. Ilan sa mga gawa niya ay nakilala at ipinalabas sa mga print ads.

"Ms. Altamirano. Your works have been commended by the EVP of this company. He wants to talk to you in his office now. Please proceed to the Private elevator to the left."

Tumawag muna sa intercom ang secretary ng EVP bago siya pinapasok.  Kumatok muna siya bago pumasok sa opisina ng Executive Vice President ng company nila. Bumati siya.

"Good morning sir." bati ni Mia. Nakatalikod ang boss niya mula sa mesa nito.

"Congratulations Ms. Altamirano. Your works have been wonderful and the company considers you as an asset. Would you consider accepting a full time job offer?" saad ng EVP na hindi man lamang humaharap sa kanya.

"Thank you for your appreciation, sir. But I am currently enrolled in a university and taking up my master's degree. Therefore, I cannot accept a full time job offer for the mean time. I'm verry sorry sir."

"Well, it's good that you are pursuing your studies, though you've turned down my offer, I'm still hoping that you'll at least attend the company's up coming holloween ball." invitation ng EVP.

"That sounds ok with me sir. I'll be there." sagot ni Mia.

"Thank you. Please secure your invitation from my secretary." final na saad ng EVP at umalis na si Mia.

Pangarap Ka Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon