Chapter 9

33 3 3
                                    

Mia's P.O.V.

Nakahiga na si mia sa kanyang kama. Nakakapagod ang araw na ito. Pakiramdam ko biglang nagbago ang lahat sa paligid ko. Masaya ako sa mga nangyari kanina pero hindi ko maiwasang malito. Inabot ni Mia ang paborito niyang stuffed toy sa tabi ng kanyang kama. Ito ang stuffed toy na mula kay Rui nung araw na nagkakilala silang dalawa. Dahil sa frustration ay di niya napigilang kasapin ito.

Anong problema mo? Di ba ikaw naman ang may gusto na mgapakababae ako? Bakit parang hindi mo nagustuhan? bakit parang nagbago ka sa akin? May mali ba sa akin at ganyan na ang trato mo sa akin? Hindi na kita maintindihan Rui at dahil don, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatulugan na ni Mia ang pag-iisip.

"How are you now, baby?" tanong ni mommy Len.

"I'm ok now mom." sagot ni Mia.

"We have to go to the mall. Bibili tau ng mga kailangan for your debut. Dadaanan na rin natin yung gown mo. Your party will be on the day after tomorrow." pahayag ng mommy ni Mia.

"Ok mom. Kaya ko na naman lumakad eh. Buti na lang at nagamot agad yung sugat ko kaya hindi na-infect. Maliligo lang ako para makapagready na ako." sagot namn ni Mia.

Masyadong na-occupied ang isip ni mia sa dami ng dapat pa nilang asikasuhin para sa party niya. Naiwasan din niyang isipin si Rui. Gusto niyang malimutan muna ang lalaking madalas na gumugulo sa kanyang isip higit sa kanyang puso. Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana.

"Baby, I think we should eat." sabi ng kanyang ina nang makakita ng malapit na restaurant. 

Sasang-ayon na sana si Mia nang may mapansin siya sa loob ng restaurant. Si Rui kasama si Shiela, kumakain sila at nagtatawanan.

"Mom, hindi ko feel ang restaurant na yan." sabi ni Mia sabay yaya sa mommy niya sa ibang restaurant. Nang dumating na ang order nila, hindi naman din niya napilit ang sariling kumain. Pinipilit niyang iwaglit sa kanyang isipan ang nakita niya kanina.

"Baby, what's bothering you?" puna ng kanyang ina.

"Wala po. Iniisip ko lang yung design ng gown ko kung nasunod yung mga details na ibinigay ko." pagpapalusot ni Mia.

"You silly girl. I know what you saw earlier. you can't hide anything from me. I'm your mom and I understand how you feel." sagot ng kanyang ina.

Hindi na napigilan ni Mia ang pagpatak ng luha. Ganon na pala talaga siya ka-transparent sa kanyang nadarama.

"Mom, I'm trying to ignore my feelings for him. pero kahit anong efforts ko, walang nangyayari. I know that he doesn't feel the same way for me. He likes Shiela kasi girlie type unlike me." umiiyak na si Mia.

"Baby, lahat ng tao nakakaranas ng ganyan. It will only make your heart stronger. May tamang time para sa laha ng bagay. Just let your heart enjoy every minute of it. Don't rush on things." mahabang paliwanag ng Mommy ni Mia.

"Thanks Mom, for hearing me out. Don't worry Mom, kaya ko ito." pilit ang ngiti ni Mia sa kanyang ina.

"That's good. Then we better go now. Dadaanan pa natin ang gown mo." sabi ni Mommy Len.

Dumerecho na sila para pick-up-in ang kanyang gown. Nakaramdam siya ng excitement nang i-fit niya ito at nakita niya ang reflection niya sa salamin. dinala siya ng kanyang ina sa spa upang makapag-relax silang dalawa as preparation for her big night.

Pangarap Ka Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon