Nakarating na sa kaalaman ni Stephanie ang kaugnayan ni Mia kay Rui. Nakaramdam siya ng galit at inis kay Mia at balak niyang awayin ito. Tinawagan niya ito upang magreport sa opisina nya.
"Ms. Altamirano. I need you in my office tomorrow." yun lang ang sinabi nito at binabaan na niya ng telepono ang kausap.
"Bakit kaya parang galit yun? Hindi kaya nalaman na niya kung sino talaga ako? Anong gagawin mo, Mia?" tanong ni Mia sa sarili. Maaga pa lamang ay naghanda na si Mia sa pagpunta sa opisina ni Stephanie.
"Good morning Stephanie." bungad na bati niya.
"Have a seat." tugon nito.
"I have something to ask you and I want you to be honest with your answer." panimula ni Stephanie.
"Are you having an affair with my boyfriend?!" nakataas ang kilay na tanong ni Stephanie.
"No." sagot ni Mia.
"Liar. I saw the two of you last night. I saw you happy together. He never smiled at me like that. Let me just remind you, ms. Altamirano. Mr. Monteverde is your boss and he is my boyfriend. Having an affair with your boss is very unbecoming. You might get fired for this. So if I were you, I'll quit flirting with your boss." mahabang pagbabanta ni Stephanie.
"I know where I should stand, Stephanie. Do you know that this is a form of harassment? You don't have to threaten me just to tell me to stay away from Mr. Monteverde. If he really is your boyfriend, tell him to stay out of my life. This company is not firing me. I am quitting my job right this very moment." matapang na sagot ni Mia.
Umalis si Mia sa company na iyon at nagpatulong muli sa kanyang Tito at Tita para maglipat ng mga gamit niya. Nagpaalam na rin muna siya sa mga ito na babalik ng Pilipinas. Mabilis na nakauwi ng Pilipinas si Mia sa tulong ng kanyang Tito.
Nagtataka si Rui na out of reach na si Mia at hindi na rin ito nakatira sa condo unit nito. Sinubukan niyang puntahan si Mia sa bahay nila sa Massachusetts at doon niya nalaman ang ginawa ni Stephanie sa babaeng minamahal. Galit na galit na bumalik si Rui sa New York upang komprontahin si Stephanie.
"How could you do that to Mia?!" galit na galit na bungad ni Rui kay Stephanie.
"What are you talking about?" maang-maangan na sagot ni Stephanie.
"You know exactly what I am talking about! You can't make a fool out of me! Mia is the only girl I've ever loved. He is the girl I left in the Philippines so I can have a better future for her. I already lost her once. I will never let that happen again. I will make sure that your father will know about what you did to my girl. I am resigning in this company." matigas na sabi ni Rui.
"No, Rui. Don't leave me, please! I cannot lose you in my life." pagmamakaawa ni Stephanie.
"You can never lose me, Stephanie because I was never yours from the very beginning. I belong to Mia and only to her." sagot ni Rui. Umalis na ito at tumuloy sa opisina ng ama ni Stephanie. Ipinaalam niya dito ang ginawa ng anak nito sa isang mahalagang empleyado at ang desisyon niyang magresign na sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Naunawaan nito ang desisyon niya ngunit nakiusap ito na pag-isipan muna ang mga desisyon niya. Ipinatawag nito ang anak na si Stephanie at napagalitan niya ito ng husto.
"I already told you to quit your fantasies about Mr. Monteverde. Look at what you did. We already lost two of our best employees. Mr. Monteverde is technically running this company because I cannot do it alone. He resigned because he wanted to go after her girl. Ms. Altamirano has been bringing us the best clients in the market and you harassed her into quitting her job. You have to learn your lesson very well young lady. Go to the Philippines and bring back the two of them in the company or I will give your position to someone more capable than you!" final na desisyon ng ama ni Stephanie. Wala siyang nagawa kundi umiyak sa harap ng kanyang ama.
Sinundan nga ni Rui si Mia sa Pilipinas. Hindi na siya makapapayag pa na mawala ang babaeng kanyang minamahal. Nabalitaan niya mula kay Rhys na nagtatrabaho ito sa isang company sa Ortigas. Hindi na muna siya nagpakita kay Mia pagdating niya sa Pilipinas. Gusto niyang patunayan dito ang kanyang pagmamahal. Nagpatulong siya sa kanyang pinsan na si Rhys upang ihanda ang sorpresa niya para sa babaeng pinakamamahal.
**********************************
Mia's P.O.V.
Kumusta na kaya si Rui? Sana maintindihan nya ang dahilan ng pag-alis ko ng hindi man laman nagpapaalam sa kanya. Napaka-successful niya sa US. Magiging napakalupit ko kung ilalagay ko siya sa isang sitwasyon na kailangan niyang pumili sa pagitan ko at ng pangarap niya. Kinailangan kong lumayo para hindi na siya mahirapan pa." sabi ni Mia sa sarili.
Ngayon niya higit na naunawaan ang ginawang sakripisyo ni Rui noon nang umalis ito nang hindi nagpapaalam sa kanya. Hindi pala madaling magtiis ng pangungulila lalo na kung alam mo na may naiwan kang tao na labis mong nasaktan. Pero kailangan niyang panindigan ang desisyon niya dahil mahal na mahal niya si Rui.
"Patawarin mo sana ako, Rui. Pangarap din kita noon pa man. Kahit hindi ko nasabi iyon sa iyo. Ngayon siguro talagang hanggang pangarap ko na lamang ang lahat." umiiyak na sabi ni Mia sa sarili sa harap ng salamin.