Few days bago ang nakatakdang debut party ni Mia ay naisipan niyang magjogging sa park. Gumising siya ng maaga at nag warm up sa labas ng bahay nila bago simulan ang pagtakbo. Napansin niyang may ibang tao rin na nagwa-warm up sa labas ng bahay nila Rui. Hindi niya ito kilala pero nakatingin din ito sa kanya. Iniwasan na niya ito ng tingin at sinimulan ang marahang pagtakbo. Nagulat siya dahil nakita niyang nakasunod sa kanya sa di kalayuan ang lalaking nakita niya kanina. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkatakot dhil di niya alam kung sino ang taong iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating siya sa park kung saan marami ring ibang tao n nag-eexercise ng alas singko ng umaga.. Habang nagpapahinga saglit ay naisipan niyang palitan ang music sa kanyang ipod. Tutok ang atensyon niya sa pagpili ng tugtog sa kanyang ipod kaya hindi niya napansin ang paglapit ng lalaki kanina.
"Hi Mia, good morning." bati sa kanya ng lalaki.
Sa gulat niya ay muntik n niyang mabitawan ang ipod n hawak niya.
"Good morning, pano mo ako nakilala?" inosenteng tanong ni Mia.
Napansin ni Mia n gwapo at matangkad ang lalaki. Nagmukha tuloy siyang pandak dhil di man lamang siya umabot sa balikat nito. Matipuno din ang pangangatawan niya, may malalim na dimple sa pingi at may magandang mga mata. Bukod sa magalang ang pagbati nito ay maganda din ang ngiting ibinungad nito sa kanya. Dahil dito ay hindi niya nakuhang magsuplada.
"I guess you don't remember me anymore. I'm Rhys Aldous Monteverde. I'm Rui's cousin. We met before when we're still young.. Perhaps 8 years ago. We used to be friends until I had to move to New York." mahabang paliwanag ng lalaki.
"Yeah. i remember. Sorry, I was not able to recognize you. You've changed a lot." sagot ni Mia. Naisip ni Mia n mukhang dudugo ang ilong niya sa pakikipag-English-an dito sa kaharap.
"No, it's totally fine. I understand that 8 years is a long period of time. Natuwa lang talaga ako, finding out that i can still see some familiar faces. I hope you don't mind me joining you today.." sagot ni Rhys.
"Of course not. It's totally fine." sagot ni Mia.
Masayang kausap ang lalaki. Hindi mo mahihimigan ng kahit konting kayabangan ang mga bagay na kinukwento niya. Hindi pla naging ganon kadali ang buhay nila sa America. Naghiwalay ang parents niya at naiwan siya sa poder ng kanyang ina kaya nagsikap siyang magtrabaho upang maitaguyod ang pag-aaral. Dahil sa likas na talino ay nakakuha siya ng scholarship at nakatapos siya ng Architecture sa isang magandang paaralan. Sobrang napahanga si Mia kay Rhys sa mga achievements nito. Inabutan na sila ng pagasikat ng araw bago nakauwi dahil sobra silang nalibang sa kwentuhan nila.
"It's nice seeing you again, Mia. I hope we can hang out some time." masayang paalam ni Rhys.
Hindi na siya nakasagot dahil nagsimula nang lumakad palayo si Rhys.
"I hope we can hang out some time."
Paulit-ulit na naririnig ni Mia ang sinabing yon ni Rhys sa isip niya.
Mia's P.O.V.
Ano ang ibig sabihin ni Rhys sa sinabi niyang yon? Niyayaya kaya niya akong mag-date? Pero bakit di nya hinintay ang sagot ko kung ganon nga? Ang cute nya. Ang bango pa nya kahit pawis n siya. Tapos kapag ngumiti parang humihinto ang paligid ko.. Ano ba yan Mia, nababaliw ka na yata. Hindi ka na nag-iisip ng matino. Paano na si Rui?? Nakita mo lang si Rhys, sudden change of heart ka n?! Asan ang loyalty doon??"
Nakatulugan na ni Mia ang pag-iisip. Napagod siya sa pag jojogging kasi sinikap niyang sumabay kay Rhys. Halatang sanay ang katawan nito sa exercise kasi well-toned ang mga muscles kahit 23years old pa lang ito. Napansin din nitang halos laht ng babae sa park ay napapatingin kay Rhys sa tuwing dadaan sila. Nakaramdam tuloy siya ng bahagyang insecurity dahil nakita niyang tinitingnan din siya ng mga ito na tila ba sinusuri siya. Sa kabila nito, hindi siya iniwan ni Rhys at bahagyang humihinto ito o bumabagal kapag napansin na napapagod n siya. Napaka-gentleman talaga nito. Nabuo sa isip niya na imbitahin si Rhys sa nalalapit n debut niya.
Paggising niya ay nakaramdam siya ng bahagyang pananakit ng mga hita at binti niya. Pero pinilit niya pa ring lumabas.
Nakita niya si Rui. Nilapitan siya nito at nakipagkwentuhan. Hindi niy masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi nito dhil tila lumilipad pa sa alapaap ang kanyang pakiramdam.
"Mia? Mia?! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong ni Rui n kinukuha ang attensyon nya.
"Ha ah eh! Mejo masakit kasi katawan ko eh." sagot ni Mia.
"Ano na naman ba ang ginawa mo kaya sumakit yan?" tanong ni Rui.
"Wala naman. Nagcjogging lang kaninang umaga kaso nakatulog ako pagkatapos kaya sumakit katawan ko." sagot ni Mia.
"Grabe, jogging lang, nagkagamyan ka na?" takang tanong ni Rui.
"Eh napagod nga kasi ako. Sya nga pala. Nanjan n pala yung pinsan mo. Kelan pa siya dumating?" pag-iiba ni Mia sa usapan.
"Ah nung isang gabi pa mula ng dumating yun wala nang ginawa kundi alamin kung sino pa yung mga kababata namin na nandito pa rin. Sabi ko ikaw. Tapos sabi nya gusto ka niya makita. Nagkita na pala kayo, kelan pa?" tanong ni Rhys.
Hindi alam ni Mia kung aaminin niyamg nakita niya si Rhys kaninang umaga.. Baka kasi isipin nito na nagkandarapa siya sa pagbuntot sa pinsan niya kaya sumakit ang katawan niya.
"Ah eh... Kanina lang... Nakita ko siya... Pero saglit lang." palusot ni Mia.
"Ah.. Ok.. Sabi kasi niya nagkwentuhan kayo. Nakakamiss din yun si kuya. Anyway naisip ko, ipapasyal ko siya dito sa atin bukas. Gusto mo ba sumama?" paanyaya ni Rui.
"Ok lang. Sige, what time?" tanong ni Mia.
"8am bukas ng umaga. Pupunta kami sa Luneta at sa Star City bukas. Sumama ka ha? Para my clown kami." pagbibiro ni Rui.
"Sasama talaga ako kahit hindi mo ako pilitin!" sagot ni Mia.
Excited nasi Mia sa pag-alia nila bukas. Pumunta siya sa tapat ng kanyang cabinet at binuksan yon. Naghanap siya ng maisusuot para sa lakad nila bukas pero nagtataka siya dahil wala siyang mapiling damit.
"Mom, help!" sigaw ni Mia.
"Yes baby?" sagot ng kanyang ina nang matagpuan siya sa kwarto niya.
"May problem po ako. Aalis kasi ako with some friend tomorrow. Ok lang po ba?"
"Ok lang naman. Where do you plan to go?" tanong ng mommy nya.
"We're going to Luneta and Star City." sagot ni Mia.
"And what's the problem with that?" tanong muli ni mommy Len.
"That's exactly what the problem is mom. Wala akong maisusuot. Puro mga boyish kasi yung nasa wardrobe ko." problemadong sagot ni Mia.
"That's not a problem baby. Punta tayo sa mall. Magshopping tayo. Ikaw naman kasi matagal ka na naming kinukumbinsi ng daddy mo na magpalit ng choice of clothes.. Ikaw lang ang ayaw." sagot ni mommy Len.
Magkasamang nagshopping ang mag-ina. Nagbonding sila habang pumipili ng mga bagong damit na babagay para sa iba't-ibang okasyon. Tuwang-tuwa si Mia dahil napakasupportive ng ina niya. Gabi na halos ng sila ay makauwi dahil dinala pa siya ng ina sa salon upang magpagupit ng buhok.
Tinititigan ni Mia ang reflection niya sa salamin. Tumatakbo sa isip niya kung ano ang magiging reaction ni Rui sa kanya bukas. Pipilitin niyang matulog ng maaga kahit alam niyang di siya makakatulog dahil sa excitement n nadarama.