Chapter 17

18 3 0
                                    

Kinaumagahan ay pumasok ng maaga si Mia para sa kanyang Masters Degree. Kailangan niyang gawing busy ang sarili niya upang maiwasang maalala si Rui. Inilagay na rin niya sa isang kahon ang stuffed toy na bigay ni Rui at itinago ito.

"The EVP wanted to give you a special luncheon treat for doing your job well. The company car will bring you there." saad ng secretary.

"Thank you, Ms. Johnsons." naghanda na si Mia para sa luncheon treat na iyon. Gusto niyang magbigay ng maganda at professional na impression sa kanyang boss.

Nauna si Mia sa restaurant na nasa reservation card. Hinihintay niya ang kanyang boss.

"Nakakapagtaka naman itong EVP na ito. Nakipag-usap sa akin noon tapos hindi naman ako hinarap. Ngayon naman may luncheon treat... Sana binigyan na lang niya ako ng monetary incentive. Isa pa, simple lang naman ang mga projects na ginagawa ko. Baka mamaya mapag-initan pa ako ng ibang mga kasama ko." naisip ni Mia sa sarili. Nagulat na lamang siya nang nagsalita ang isang lalaki mula sa kanyang likuran kaya bigla siyang napatayo.

"Good afternoon, Ms. Altamirano. Please take your seat." sabi ng EVP.

Laking gulat na lamang ni Mia nang pagmasdan ang taong nasa kanyang harapan.

"I'm sorry to keep you waiting." seryosong saad ng EVP.

"RUI." tanging lumabas sa mga labi ni Mia.

"Titigan mo na lamang ba ako? I think we should choose what to eat first before we start talking about office matters." seryoso pa rin sabi ni Rui.

Pumili na sila ng kakainin at tahimik na kumain. Itinuon ni Mia ang atensyon sa pagkain dahil hindi niya magawang itaas ang kanyang paningin dahil panay ang titig ni Rui sa kanya habang sila ay kumakain.

Mia's P.O.V.

Anong intensyon mo, Rui?? Ok na ako. Talaga bang hindi ka titigil hanggat hindo mo nadudurog ang puso ko?!

"Your work is very outstanding. We have received positive feed back constantly. You give pride to the company, therefore we would like to offer you not only a full time job but also a promotion." seryosong saad ni Rui.

"I'm sorry but my decision is still the same. In fact I have just decided to resign from my job." direktang sagot ni Mia

"Why should that be? Has the company done you something wrong?" tanong ni Rui.

"I just don't think it will be beneficial both for me and the company if I will stay and yet work with a heavy heart." sagot ni Mia.

"Mia, I'm sorry for what I did to you before." saad ni Rui habang sinusubukang abutin ang kamay ni Mia pero inilayo ng dalaga ang kamay niya.

"Sir, my reason for being here is purely professional." taas noong saad ni Mia.

"If that is the case, then why are you filing your resignation? Can't you deal with this professionally?" sarkastikong tanong ni Rui.

"Ok, then. I'll give you what you want. Just stay out of my life." sabi ni Mia habang nakaiwas ng tingin sa kanya..

"Do you really want me out of your life, Mia?" malungkot na tanong ni Rui pero hindi pa rin siya tinitingnan ni Mia.

"Forever." malungkot din na sagot ni Mia.

"Well, I'm sorry because that won't be possible. I hate to disappoint you but everything in the company goes under my supervision so you will be part of it." sagot ni Rui.

Natapos na ang lunch nila at lumabas na sila. Paglabas nila ay naghintay ng taxi si Mia.

"What are you waiting for? I'll drive you home." saad ni Rui.

"I can manage, Mr. Monteverde." mayabang na sagot ni Mia.

"I insist, Ms. Altamirano." pilit ni Rui.

Dahil hindi umaalis si Rui sa harapan ni Mia ay napilitan ang dalagang sumakay sa kotse ng binata.

Hindi na sana siya magpapahatid sa bahay ng tito niya pero mapilit ang binata na ihatid siya kaya't wala n siyang nagawa kundi pumayag.

"You are needed in the office tomorrow morning." saad ni Rui bago bumaba si Mia sa kotse.

"I have a class tomorrow morning." nakataas ang kilay na sagot ni Mia.

"Then, be there in the afternoon." final na sagot ni Rui.

Bumaba na si Mia sa kotse at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng bahay.

Pangarap Ka Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon