8:00 am
"Nasaan n kaya ang babaeng yun? hindi naman nale-late sa usapan yun, insan eh. Laging on-time yun." nagtatakang sabi ni Rui sa pinsang si Rhys.
"Pinsan, just calm down. Women tends to be late sometimes. It's their nature. They spend a lot of time thinking of what to wear and preparing themselves." sagot ni Rhys sa pinsan.
"Insan, hindi ganon si Mia. Iba yun. MAniwala ka sa akin. Nakakaalis nga ng bahay yun ng hindi man lang tumitingin sa salamin eh." may halong biro na kwento ni Rui sa pinsan.
"You know her very well." nakangiting komento ni Rhys sa sinabi ng pinsan.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay matagal nang nandoon sa tagpuan nila si Mia. MAtagal na itong nagmamasid sa kanilang dalawa. Medyo kinakabahan pa kasi ito sa itsura niya at sa magiging reaction ng dalawa. Nung mapansin na niya ang expression ng pag-aalala sa mukha ng dalawang lalaki ay naglakas loob na siyang lumapit sa dalawa.
"I'm sorry guys for keeping you too long. Si mama kasi ang kulit." palusot ni Mia.
Walang sumagot sa sinabi ni Mia. Pareho lang nakatitig sa kanya ang dalawa.
"Hoy, bakit parang natuka kayo ng ahas? Okay lang ba kayo?" nagtatakang tanong ni Mia sa dalawa.
"You look beautifully gorgeous, Mia." reaction ni Rhys pagkakita kay Mia.
"Ano nangyari sayo?" gulat naman na tanong ni Rui.
"Thank you Rhys. Ano ibig mong sabihin Rui?" tanong ni Mia.
"Wala." maikling sagot ni Rui.
""I think we better go now." yaya ni Rhys sa dlawang kasama.
Nakatingin lang sa labas ng kotse si Mia habang tahimik na nagmamaneho si Rui. Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nadarama dahil sa papuring narinig niya kay Rhys. Pero nagtataka din siya sa reaction ni Rui. Hindi niya alam kung nagustuhan nito ang pagbabago niya. Mula kasi kaninang pagdating niya ay hindi na ito nagsalita. Napapansin din niya na panay ang titig nito sa kanya sa rear view mirror. PAkiramdam niya ay tumatalon ang puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Pakiramdam tuloy ni Mia ay ito na ang pinakamatagal na byaheng naranasan niya. Mabuti na lamang at nakipagkwentuhan si Rhys sa kanya.
"You know what, Mia. You look great today. You look a lot prettier without your eyeglasses and with your new hair cut." papuring muli ni Rhys.
"Ikaw naman Rhys, panay ang papuri mo. NAiilang na tuloy ako. First time ko kasing magsuot ng contact lenses at magpaayos ng ganito." paliwanag ni Mia.
"I wonder what causes you that big change in you." nang-iintrigang sabi ni Rhys.
"Hmm.. Wala naman. It just so happen that my debut will be next week so I decide to finally accept the reality that I have to grow up and start being a woman. By the way, I woulk like to personally invite the two of you to attend my party next week." sabi ni Mia sabay abot ng invitations sa dalawa. Ayaw niyang magkaroon ng hint ang dalawa sa totoong reason ng pagbabago niya.
"Great. we'll be there for sure. Aren't we?" tanong ni Rhys kay Rui.
Matagal na tinititigan ni Rui si Mia sa rear view mirror. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa salamin. Napakaganda pala ni Mia. Mula ng tanggalin nito ang salamin sa mata at magpagupit ng tabas na para sa mga babae, nabigyang pansin ang ganda ng hugis ng kanyang mukha at lalong pinatingkad nito ang expressive niyang mga mata. Tila ba ngumingiti din ito sa bawat pagngiti na gmga labi ng dalaga. Hindi siya nakakasawang titigan. Nakakalungkot lang na iba na ang magiging dahilan ng mga ngiti ng dalaga ngayon.. Naputol ang kanyang pag-iisip nang tanungin siya ni Rhys.
"Ha? Sige. Punta tayo." wla sa sariling sagot ni Rui.
Hindi malaman ni Rui kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa nakikitang paglalapit ng loob ni Mia sa kanyang pinsan. Palagi na lamang itong may nakalaang ngiti para dito samantalang kailan lang naman sila muling nagkasama. Nakakadagdag pa sa bigat ng loob niya na maalalang iilang beses pa lamang niyang nararanasan na mangitian ng dalaga. Nagseselos ba siya?? Imposible. sagot ni Rui sa isip lamang niya.
"Hey insan. Why are you so suddenly quiet? You are acting wierd." puna ni Rhys sa pinsang si Rui.
"Ha? ako? Hindi ah. Nagugutom lang ako." pagdadahilan ni Rui.
"Okay. Then let's eat when we get to Luneta. Mia might be hungry as well." sagot ni Rhys.
Pakiramdam ni Mia ay nasa alapaap siya sa mga naririnig ni mula kay Rhys. Idagdag pa ang masigasig na pag-aasikaso nito habang kumakain sila. Si Rui naman ay tahimik lang habang silang dalawa ni Rhys ay nagkukwentuhan. Nagbibigay lamang ito ng maiikling komento sa kuwing natatanong at muling tahimik na kakain.