Si Mia ay lumaki sa environment na puno ng competitions. Ang bawat araw ay pakikipaglaban upang maging mas higit sa iba. Palagi siyang naiko-compare sa kapatid niya. alam naman niyang higit sa kanya ang kanyang kapatid pero para sa kanila ay hindi mahalaga ang panlabas na anyo. Ang mahalaga any mahal nilang magkapatid ng isa't isa. Kaya proud siya bilang kapatid nito.
Para kay Mia dapat siyang lumaki bilang isang babaeng matatag at matapang upang maipagtanggol niya ang sarili sa lahat ng mga umaalipusta sa kanya. Nagbago ang paniniwala niyng ito nang isang araw:
"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" Tanong ni Riu.
"Obvious ba? Malamang nagbabasketball ako!" mataray na sagot ni Mia.
"Ikaw talaga. Kahit kailan, hindi kita makausap ng maayos. Lagi mo n lang akong sinusungitan at tinatarayan. Ano ba problema mo sa akin? Minsan tuloy naiisip ko baka crush mo ko kaya ka ganyan sa akin." may halong pang-aasar na banat ni Rui.
"Hoy ang kapal din naman ng mukha mo noh? Hindi kita type. Kung sakaling gustuhin kitang maging crush. Iyon ay dahil gusto kong i-crush yang mukha mo! Hambog!" asar na sagot ni Mia.
"Tignan mo, kung hindi mo ako crush bakit ganyan ka na lang palagi sa akin?" tanong ni Rui.
"Sino ba naman ang hindi magagalit sa iyo? Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ako na lang ang nakikita mo at inaasar mo.. Wala na yatang araw na lumipas na hindi mo ako pinagtripan. Tapos gusto mowag kita tarayan?!" mahabang paliwanag ni Mia.
"Ganon ba, Pasensya ka na. Alam mo naman na ikaw lang ang ka-close kodito at isa pa, ang sarap mo kasing inisin. Lalo ka kasing nagiging cute kapag nagagalit ka." Seryosong paghingi ng tawad ni Rui.
"Hay naku. Okay na sana yung sorry mo kaso may pahabol ka pa. Hindi ko tuloy alam kung dapat kitang paniwalaan sa sorry mo." may asar pa rin na sagot ni Mia.
"Totoo yung paghingi ko ng sorry. Di na tlaga kita aasarin. Promise. Pero Mia, bakit kaya hindi mo subukang magpakababae minsan?" tanong ni Rui.
"Akala ko ba hindi mo na ako aasarin? May pa-promise-Promise ka pa. Eh babanat ka naman ulit. Ikaw, bakit hindi mo subukan magpakababae minsan?" Asar na sagot ni Mia?
"Hindi pang-aasar yun. Minsan kasi tinititigan kita. NAkikita kong maganda ka. Pero may mga bagay lang talagang mali sayo. Mahirap ipaliwanag kasi baka magalit ka sakin kapag tinuloy ko pa ang mga sinasabi ko." napansin ni Rui n hindi na magnda ang mood ng kaibigan kaya tinigilan n niya ang kanyang sinasabi.
"Wag mo na akong gamitan ng ganyang style dahil hindi tatalab sa akin yung mga style mo." sabi ni Mia habang papalayo. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan dahil nakakaramdam na siya ng kakaiba mula sa mga bahagyang papuring naririnig niya mula kay Rui.
"Hoy, Mia, wag ka muna umalis hindi pa ako tapos." pahabol na sigaw ni Rui.
Matagal na niyang hinahangaan at minamahal ang lalaki. Nine years old pa lamang siya mula nang una niyang makita ang lalaki.
Upang mapansin nito ay pinilit niyang matuto maglaro ng basketball kahit hirap siya dahil hindi naman siya masyadong matangkad. Ito rin ang nakikita niyang paran upang mapalapitsa binata. Sa mga panahon na iyon, masasabi niyang nagtagumpay siyasa layunin niyang iyon.