Hindi na sana dadalo si Mia sa Halloween Ball ng kompanya nila ngunit hindi siya nakatanggi sa kanyang boss. Baka kasi isipin nito na masyado siyang nagpapahard to get. Sinabi niya sa kanyang Tita Thalia ang tungkol dito at tinulungan siya nitong humanap ng susuoting damit. Isang magandang ball gown ang napili nila at si Mia Mismo ang gumawa ng kanyang mask para sa masquerade na iyon.
"Tita, I am not used to wearing this kind of dress. The last time I wore this kind of dress was way back my 18th birthday. It reminds me of someone not worth remembering." malungkot na sagot ni Mia.
"Mia, don't be sad. Instead of thinking of what's behind. Why don't you start creating new and happy thoughts with this dress instead? So you won't have to frown next time you'll wear this." suggestion ng kanyang tita.
"You are right, Tita Thalia. i just hope tonight will be a wonderful memory for me." sagot ni Mia.
Hinatid si Mia ng kanyang Tito at Tita sa venue ng masquerade. Kinakabahan siyang pumasok sa ball room. Marami nang tao. Lahat ng pumapasok sa pinto ay natatapatan ng spot light at kinukuhanan ng souvenir photo ng kanilang company photographer. Pagkatapos noon ay dinala na siya ng waiter sa isang bakanteng table. Tahimik lamang siyang nagmasid sa paligid.
"Would you mind if I join you?" tanong ng isang lalaking nakablack tuxedo at my maskara.
"Not at all. Sit down." sagot ni Mia.
"You seem lonely and alone." komento ng kaharap.
Naisip ni Mia na ganon na ba talaga siya ka-transparent na kahit hindi niya lubos na kilala ay nababasa ang kanyang nadarama?
"Can I have this dance?" magalang na tanong ng lalaki.
"Sure." maiksing sagot ni Mia.
"How can you say that I'm lonely?" tanong ni Mia.
"I can see it in your eyes, Mia." sagot ng lalaki habang dahan dahang inililipat ang kamay ni Mia sa balikat niya at hinahapit ang kanyang bewang gamit ang dalawa nitong mga bisig.
Nagulo ang isip ni Mia. Naalala niya ang gabi ng kanyang debut. Ang gabi nung nagsayaw sila ni Rui.
"This can't be." bulong ni Mia.
"Why can't it be?" tanong ng lalaki.
"What are you doing?" tanong ni Mia.
"It was your 18th birthday when I first held you like this in my arms. You were happy back then. But you seem unhappy now." saad ng lalaki.
"I said, what are you doing?" may bahid ng galit na sabi ni Mia.
"Please don't hate me, Mia." sabi ng lalaki at lalo siyang hinapit nito at biglang hinalikan.
Nagulat si Mia sa ginawa ng lalaki kaya itinulak niya ito at malakas na sinampal.
"I hated you before when you left. and now I hate you even more!" galit na galit na sabi ni Mia at umiiyak na umalis ng ball room. Nagpunta siya sa ladies' room at doon umiyak. Mabuti na lamang at iilan lamang ang gumagamit noon. Inayos na niya ang kanyang sarili. Lumabas na siya ng cr at pabalik na siya ng ball room nang may humarang at humatak sa kanya..
"We'll talk!" sabi ng lalaki.
"Why are you here? This is a private party. Don't tell me you're working for BBDO?!" glit n tanong ni Mia.
"I'm here because of you. God knows how much I missed you, Mia." saad ni Rui.
"You've done enough damage in my life, Rui. Please, stop giving me more reasons to hate you. Now let me go!" galit na saad ni Mia.
Walang nagawa si Rui kundi ang bitawan si Mia. Galit itong umalis at bumalik sa ball room.
Maya-maya ay may lumapit muli kay Mia at nakipagkilala. Nakagaanan niya ito ng loob at hindi na muna siya humiwalay dito dhil baka lapitan na naman siya ni Rui.
*********************************
Sobrang nasaktan si Rui sa ginawang pagtataboy sa kanya ni Mia. Mula pa man noon ay sanay na siyang sinusungitan nito. Pero iba ang pakiramdam niya sa nangyari kanina. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Mia. Punong puno ng hinanakit ang bawat salitang lumalabas sa mga labi nito Inakala niya noon na madali siyang mapapatawad ng babae sa oras na magkita silang muli. Ngunit nagkamali siya. Umalis si Rui sa party at uminom ng mag-isa sa kanyang bahay. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid.
"Para saan pa ang lahat ng mga pagsisikap ko at pagtitiis ngayon kung ang tanging babae na pinangarap kong makasama dito ay puno ng galit sa akin? Mia, ano ang dapat kong gawin? Sabihin mo sa akin, please?!.. Ano ang dapat kong gawin upang mapatawad mo ako??..." malakas na sigaw ni Rui sa loob ng kanyang bahay. Nakatulugan na niya ang sobrang kalasingan.