Mia's P.O.V.
Si Rui nga kaya ang nakita ko? Impossible. I must be day dreaming. BAliw ka na talaga Mia. Ang laki ng America para makita mo si Rui dito. Tigil-tigilan mo na nga kasi yang ilusyon mo.
May ka-meeting si Rui na isang importanteng client niya para sa kanilang kompanya. Naghihintay siya sa isang restaurant nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kliyente.
"Mr. Monteverde. I'm sorry but I can't meet you right now. I had an emergency. My wife is about to give birth to my first born. I hope you understand." pahayag ng nasa kabilang linya.
"I totally understand, Mr. Walter. Let's just reschedule the meeting some other time. Congratulations in advance." Ibinaba na ni Rui ang telepono at pumasok na sa kanyang kotse.
Ilang oras pa naman siyang bumyahe mula New York papuntang Massachusetts para makausap si Mr. Walter. Naisip niyang hindi talaga maiiwasan na ma-excite si Mr. Walter dahil unang anak niya ito.
Naalala niya ang kanyang sarili. Sa edad na 28 ay hindi pa siya nag-aasawa. Wala pa siyang matatawag na sariling pamilya. Naalala niya si Mia nang biglang may nakita siya sa kabilang kalsada na kahawig ni Mia na nakaupo sa isang silya at may kausap na babae. Kinusot niya ang kanyang mata upang siguraduhing hindi siya namamalik-mata. Pero tumayo at tumalikod na ang babaeng nakita niya. Dali-dali siyang bumaba sa kanyang kotse at sinubukang habulin ang babae pero hindi na niya ito naabutan.
Pagdating nila sa bahay ay naghanda na sila ng dinner at sama-samang naghapunan.
"Tita, I'm planning to look for a job tomorrow." nakangiting sabi ni Mia.
"I thought you're here to study, hija?" nagtatakang tanong ng kanyang Tito Peter.
"Yes, Tito. But I'll have a lot of spare time because I'm taking up a Masters' Degree, so I decided to get a part time job." paliwanag ni Mia.
"Well, that's good. Time runs so fast here in America. People don't waste time in here. It's a good thing that you have the same disposition like the people here. You won't find a hard time adjusting in here if you'll keep yourself busy." komento ng kanyang Tita.
"Do you have any ideas where to go?" tanong ng kanyang Tito Peter.
"I have no idea." sagot ni Mia.
"I can help you with that.." sagot ng kanyang Tito."I'll call my friend and tell him you're coming there to look for a job. Unfortunately, their company is located in New York. Is it ok with you?"
"That's ok with me Tito since I'm only looking for a part time job. I won't need to go there too often." sagot ni Mia.
"Ok then. I'll just talk to him now." sabi ng kanyang tio at umalis saglit. "You're all set. The company's name is BBDO Worldwide Incorporated. My friend is one of the officers in the Human Resource Department. He's expecting you at 10 in the morning tomorrow. Make sure not to be late." sabi ng kanyang Tito Peter pagbalik nito mula sa pakikipag-usap sa telepono.
"Thanks, Tito. So I'll sleep early to prepare for tomorrow." pagkatapos ay tumayo na si Mia para magpahinga.
Excited na si Mia para sa kanyang unang job hunting bukas. Mukhang magandang company ang inirekomenda ng kanyang Tito Peter. Inihanda muna niya ang kanyang mga kakailanganin para sa kanyang paghahanap ng trabaho bukas. Inihanda na rin niya ang kanyang mga susuotin. Mabuti na lamang at ibinili siya ng mga bagong damit ng kanyang Tita Thalia kaya hindi naging mahirap para kay Mia ang maghanda ng susuotin para bukas.
Nagpractice din siya ng pagsagot sa harap ng salamin. NAg-iisip siya ng mga posibleng tanong na ibibigay sa kanya. Kailangan niyang maipakita ang kanyang confidence at intellect para makuha niya ang trabahong hinahangad.