Dumirecho sila sa Star City pagkatapos magpicnic sa Luneta. Panaya ang asikaso ni Rhys kay Mia. First time itong naranasan ng dalaga sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang special treament na natatanggap niya mula sa lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya ito inasahan. Ang kalooban niya ay umasang kay Rui niya makukuha ang ganitong atensyon. Pero sa kanyang pagkadismaya, ni hindi na siya nito kinausap mula ng dumating sila sa Luneta. Naninibago siya sa pagbabago ng pakikitungo ni Rui sa kanya.
"So, where do you want to go?" tanong ni Rhys kay Mia.
"I don't know. It's up to you." sagot ni Mia.
"Ok. Then Let's ride that thing." sabay turo sa ride na nasa labas.
"I'm afraid of Heights Rhys." Bulong ni Mia na narinig naman ni Rui.
"And since when ka pa nagkaroon ng weakness, Mia?" tanong ni Rui.
Nagulat si Mia sa tanong ni Rui. Akala niya ay hindi na siya kakausapin ni Rhys sa buong araw na iyon.
"Since five years old. Naaksidente kasi akong nahulog sa bangin noon nung nagbakasyon kami ng family ko sa relatives namin sa Bulacan. Since then, nahihilo ako sa tuwing nasa mataas na lugar ako." mahabang paliwanag ni Mai.
"Don't worry, Mia. I will be here beside you. just close your eyes and I will hold you tight." malambing na sabi ni Rhys.
Lihim na nagngingitngit ang kalooban ni Rui sa nalaman niya. Matagal na niyang kaibigana ang dalaga pero hindi man lamang niya nalaman na may weakness pala sa heights ang kaibigan. Mas nauna pa ang pinsan niya na malman ang tungkol dito. Gusto niyang mainis sa sarili dahil pakiramdam iya ay wala siyang kwentang kaibigan.
"Ok." may himig pa rin ng takot na sagot ni Mia.
Sumakay sila sa Jungle Splash at naupong magkakasunod sila sa raft: nasa unahan si Rui at sa gitna si Mia. Hawak ni Rhys ang kamay ni Mia habang nasa likod niya ang binata, sa ganong posisyon ay tila nakayapos ang binata sa dalaga. Napalingon si Rui at nakita niya ang dalawa. kaya't hindi na siya lumingon pa upang hindi na madagdagan pa ang inis na nadarama.
"It's gonna be okay, Mia. You have to over come your fear. I'll hold you so don't be afraid." pagbibigay security ni Rhys kay Mia.
Rui's P.O.V.
Nagngingitngit tlaga ang kalooban ni Rui sa nakikita. Kung hindi ko lang pinsan si kuya Rhys malamang nasapak ko na ito. Eh hindi naman "hold" yang ginagawa niya eh. Yakap na yan. Ano na lang iisipin ng mga tao kay Mia? na easy to get siya o malanding babae na dumidisplay lang jan?
Natapos ang ride na iyon na naging maayos naman ang lahat.. maliban lamang sa kalooban ni Rui na hindi pa rin nababawasan ang inis.
"Doon naman tayo." yaya ni Rui sa Horror house.
"Ok, Let's try that." pagsang-ayon ni Rhys na hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Mia.
"Insan wala na tayo sa taas. Pwede mo na sigurong bitawan yang kamay ni Mia. Hindi na yan takot sa ganyan. MAtapang yan eh." puna ni Rui na dinaan na lamang sa biro.
"Oh, I'm sorry." napapahiyang sabi ni Rhys sa pinsan.
Pumila na sila sa Horror House at si Rhys naman ang nasa unahan. Sa pilahan pa lamang ay kpansin-pansin na agad na maraming humahanga sa dalawang kasamang niyang lalaki. Hindi na lamang niya iyon pinapansin upang hindi siya makaramdam ng insecurity. Nagsimula na silang pumasok sa loob kaya naging tensyonado ang lahat. Hindi inaasahang nagkatulakan sa loob at nagkasiksikan nang magsimula na ang pananakot ng mga staff ng horror house. NAramdaman niyang may tumulak sa kanyang likuran. Mabuti na lamang at may umalalay sa kanya mula sa kanyang harapan, pamilyar ang bulto ng katawan nito maging ang amoy ng kanyang pabango.