Hanggang makauwi ay hindi na nagslita si Rhys. Mataman lang itong nakatitig sa pinsang si Rui.
"Kuya, kanina ka pa tahimik jan. May problema ba?" nagtatakang tanong ni Rui sa pinsan nang mapansin ang pananahimik nito at ang makahulugang titig nito sa kanya.
"Pinsan, I want to know something and I want you to tell me the truth." paunang sabi ni Rhys ky Rui.
"Ano yun kuya?" mejo kinakabahang tanong ni Rui.
"Do you feel something special for Mia?" derechong tanong ni Rhys kay Rui.
Hindi ito ine-expect ni Rui. Hindi pa niyanapapag-isipan o naa-analyze ang nararamdaman niya para kay Mia pero malinaw na may kakaiba siyang naramdaman kanina nang makita niya ang clsoeness ni Mia kay Rhys. Closeness na ni minsan ay hidni niya naranasan mula kay Mia.
"Is it too hard to answer pinsan?" tanong ni Rhys.
"Ha? Wala. Naalala ko lang kasi na naiwan ko yung bracelet ko sa kotse kanina kaya hindi kita agad nasagot. Inalala ko pa kasi kung saan ko nailapag." palusot ni Rui.
"I wanted to make things clear Insan, I don't want to have any conflict between us." sagot ni Rui.
"Ano ibig mong sabihin kuya?" tanong muli Rui.
"I like her. I am not sure if I love her yet. But I'm quite sure that she's special for me. I hope that will not create a proble between us." derechong pagtatapat ni Rhys.
"Of course not." sagot ni Rui na hindi tinitingnan si Rhys.
"I'm glad to hear that from you." pagtatapos ni Rhys sa usapan.
Rui's P.O.V.
Iba din pala magkagusto itong si kuya. Hindi pa nga siya siguradong mahal niya si Mia pero binabakuran na agad niya. iniisip ba niyang lalyuan ko si Mia dahil sa sinabi niya? kakayanin ko bang iwasan si Mia?
"Kuya, wait." pagpigil ni Rui kay Rhys.
"Are you telling me to stay away from Mia?" derechong tanong ni Rui.
"Do I have to?" tanong ni Rhys.
"If that is the case, I can't promise you anything." sagot ni Rui.
"What do you mean?" tanong muli ni Rhys.
"We've been friends for the longest time already. You were far back then. You returned telling me that you liked Mia. You want me to stay away from her yet you are still uncertain of your feelings for her. Don't you think that's selfishness?" pagpapaliwanag ni Rui sa pinsan niya.
"Ok. Just make sure to know where to draw the line." paalala ni Rhys sa pinsan.
hindi na pinahaba pa ni Rui ang usapan. Hindi na siya sumagot para ipabatid sa kuya niya na mabigat ang kanyang loob sa gusto nitong mangyari. Nagdesisyon muna siyang lumabas upang magpahangin. Lumalamig na ang simoy ng hangin at nalalapit na ang agsapit ng Pasko. MAraming alaalang bumabalik sa kanyang isipan lalo na yung panaho na una niyang nakausap at nakilala si Mia.
Bago lamang siya sa subdivision nila nang maanyayahan siyang sumali sa isang basketball tournament. Hilig talaga niya ang basketball kaya naengganyo naman siyang sumali. Iang laban na rin ang naipanalo nila nang mapansin niyang mayroon siyang regular na manonood. Ito na yata ang pinakamaingay sa lahat ng mga nagchi-cheer para sa kanilang team. NAtuwa siya sa kakulitan ng fan niyang ito kaya kinilala niya ito. Kasalukuyan kasing fiesta nang mga panahon na iyon kaya may peryahan sa plaza. nakita niyang nasa isang booth si Mia noon at sinusubukang i-shoot ang barya upang makuha ang isang stuffed toy na teddy bear. Sa kanyang pagmamasid ay napansin niyang nakailang attempt na ito pero hindi nito magawang makuha ang prize na gusto nito. Lumapit siya at sinubukan niyang maghagis ng barya. Saktong nahulog ito doon sa slot na nakalaan para sa stuffed toy na iyon. Malungkot na nakatingin si Mia sa stuffed toy habang iniaabot ito ng attendant kay Rui.
"Hello." bati ni Rui kay Mia.
"Hi." maiksing bati ni Mia na nakatingin pa rin sa stuffed toy na hawak ni Rui.
"I know you badly want this. So kinuha ko siya para sayo." pagtutuloy ni Rui sa sinasabi niya sabay abot ng stuffed toy kay Mia.
"Totoo? Walang halong biro?" inosenteng tanog ni Mia.
"Yeah, sure. Sana tanggapin mo." nakangiting sagot ni Rui.
Nakangiting tinanggap ni Mia ang stuffed toy mula kay Rui. "Thank you, my name is Mia and you are?"
"You are welcome. Kulang pa nga iyan kumpara sa effort mo na magcheer para sa team namin. I'm Rui Monteverde. Where do you live?" sagot ni Rui.
"Taga Garnet street ako." maiksing sagot ni Mia.
"Taga-Garnet street ka? Taga-Garnet Street din ako eh. Anong kulay ng paint ng house ninyo?" tanong ulit ni Rui.
"Yung combination ng pink, white and brown. Kayo?" tanong din ni Mia.
"Amin yung bahay na three-storey, kulay white and mint-green." nae-excite na sagot ni Rui.
"It\s getting late na Rui. I have to go home na po." sabi ni Mia.
"Ikaw naman.. hindi naman ako masyadong matanda nagpo-po ka pa. I hope you don't mind if I'll accompany you. Pareho lang naman tayo ng uuwian eh. Para rin safe ka sa pag-uwi mukha pa namang wala kang kasama.." offer ni Rui kay Mia.
"Cool. ok nga yun eh.. para akong may personal body guard." natatawang biro ni Mia.
Masaya silang umuwi noon. Ang dami nilang napag-kwentuhan. Napakama-kwento ni Mia kaya nag-enjoy siyang kasama ito. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. pagkakaibigan na nanganganib yatang matapos na ngayon. Nangilid ang luha niya sa kanyang mga mata. Ipinagtaka niya ang damdaming ito. Hindi niya maipagkakailang mahalaga sa kanya si Mia.