Chapter 3

43 4 0
                                    

"anong ginagawa mo dito Rui?" matabang na tanong ni Mia. hindi niya magawang magsuplada dahil alam niyang nakamasid pa rin ang kanyang ina at makahulugan ang titig nito sa kanya.

"Kumusta ka na, Mia? Dinalaw kta kasi nag-aalala ako na ilang araw k nang hindi nagpapakita. Akala ko tuloy may sakit ka o baka napaano ka na."pagpapaliwanag ni Rui.

"Ah ganon ba? Ok lang naman ako. Wala lang talaga ako sa mood para lumabas." sagot ni Mia.

Natutuwa si Mia na malaman n nag-aalala rin pala sa kanya si Rui. Pero ang damdaming ito ay mabilis n naglaho nang maalala niya ang date ni Rui at ng kaibigang si Shiela. Gusto niyang malaman kung ano ang mga nangyari nung araw na yun pero natatakot siya sa mga maaari niyang malaman.

"Ilang araw ktang hinintay lumabas. Gusto ko kasing ikaw ang unang makaalam nung mga nangyari sa date namin ni Shiela. Makwento din pala yun si Shiela. Pero magkaiba kami ng interes at paniniwala sa maraming bagay. Hindi siya naglalaro ng basketball o ng kahit anong ball games. Ayaw kasi niyang napapawisan o naaarawan.. Hilig niya ay mag-online sa internet.. Gusto niya sa lalaki ay yung palagi siyang sasamahan, hindi kasi siya sanay mag-isa. Naisip ko ok na din yun at least babaeng-babae ang dating. Yung tipong kakailanganin niya ako palagi sa tabi niya. ANo sa palagay mo?" tanong ni Rui.

Pinipilit ni Mia na magbigay ng patas n komento tungkol sa tanong ni Rui. Ayaw niyang mapansin ng kaibigan ang kawalan niya ng interes sa kanilang pinag-uusapan. Ito na rin marahil ang paraan para masimulan niyang kalimutan ang damdamin niya para sa lalaki.

"Kung ako ang tatanungin. Mas gugustuhin ko yung partner na pareho kami ng interes at paniniwala sa buhay para magkasundo kami sa maraming bagay. Mas gusto ko rin yung tao na malakas ang loob para hindi niya kailangang dumepende sa akin sa lahat ng oras. Dapat marunong siyang tumayo sa sarili niyang mga paa." mahabang sagot ni Mia.

"Ah.. Sabagay. Ikaw Mia, ano ba talaga ang hanap mo sa isang lalaki?" seryosong tanong ni Rui.

Nagulat si Mia sa tanong na iyon kayat napaisip siya ng malalim.

"Ang gusto sa lalaki ay yung tatanggapin at mamahalin ako bilang ako.. Yung tipong hindi ko n kailangan pang magpanggap na ibang tao para lamang maipaglaban ko ang puwang ko sa puso niya. Yung tipong makikita niya ang tunay kong damdamin at maging yung mga bagay n hindi ko kayang ihayag ma itinatago ko lng sa likod ng aking mga mata.. Sa ganon hinding-hindi nya ako masasaktan. Kasi iingatan nya ang damdamin ko." makahulugang sagot ni Mia.

"Nakita mo na ba siya?" tanong muli ni Rui.

"Hindi pa. May nakita na sana ako pero iba naman ang nakikita niya. Wala yatang tao na sasakto sa hinahanap ko eh." pabirong sabi ni Mia.

"Sayang. Ang tanga naman ng lalaking yun. Di bale, wag ka mawalan ng pag-asa.. Darating din sya sayo." sagot ni Rui.

Lihim na natawa si Mia sa reaction ni Rui at sa pagkainosente nito sa taong pinatutungkulan.

"Pinalalakas mo lang yata ang loob ko eh.. Pero wag ka mag-alala hindi pa nmn ako nawawalan ng pag-asa." masya nang sagot ni Mia. Naisip niyang ok na siya na ganito sila at nakakapag-usap ng matino ng kaibigan.

"Alam mo Mia, kung makikinig ka lang sana sa akin, madaling dadating yang dream guy mo.. Isa pa hindi masama magpakita ng konting weaknesses kasi babae ka naman.Mahalaga sa aming mga lalaki ang aming mga ego. Gusto naming nararamdaman na kailangan kami ng babae sa buhay nila. Feeling ko kasi mawawalan ako ng halaga sa buhay niya kapag hindi niya ako kinakailangan." paliwanag ni Rui.

Mia's P.O.V.

Ganon ba yun? Ego mo lang ang mahalaga? Hindi ba mahalaga sayo kung mahal ka talaga ng babae? Paano kung kailangan ka lang niya? Iba ang salitang kailangan sa mahal. Mahal kita Rui kaya kailangan kita sa tabi ko.. Pero kailanman hindi mo yun makikita dahil manhid ka.

"May problema ba Mia? Bkit parang namumula ka?" tanong ni Rui nang mapansin ang pananahimik ni Mia.

"Wala. Humikab lang ako." palusot ni Mia dahil hindi niya napigilan at naitago ang pangingilid ng kanyang luha.

"Sige tutuloy na ako Mia. Inaantok ka na yata eh. Sana makalabas ka na bukas para naman makabawi na ako sayo." masayang paalam ni Rui. "Tita, Tito, tutuloy na po ako." paalam ni Rui sa mga magulang ni Mia.

"Sige, ingat sa pag-uwi." sagot ng mga magulang ni Mia.

Naiwan si Mia na nag-iisip tungkol sa mga napag-usapan nila ni Rui.

I think I should consider yung mga bagay na sinabi niya. May point naman siya eh. Pero may point pa ba na magbago ako kung may nakita na siyang iba? Well... Tutal wala nang mawawala sa akin ... Sige susubukan ko....

"Mom.. Will it be alright kung magpapa-make over ako?" tanong ni Mia sa kanyang ina.

"Well why not baby. Your 18th birthday will be next week.. Why don't you do it next week para naman may element of surprise yung debut party mo." suggestion ng kanyang ina.

"Well, well, well... Mukhang may inspirasyon na ang prinsesa namin ah? At last, my baby is now turning into a lady.." masayang pahayag ng kanyang ama.

Napakasupportive na mga parents ang ama at ina ni Mia. Basta alam nilang makapagpapasaya at hindi ikasasama ng knilang mga anak ay susuportahan ng mga ito. Ngayon na magiging ganap na siyang dalaga, sila ang higit n mas naeexcite para sa kanya.

Pangarap Ka Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon