Mia's 18th Birthday
Ginanap ang party sa isang private resort sa Batangas. Ang lahat ay nagsasaya, nag-uusap at nag-aabang sa paglabas ng debutant. Dumating na ang lahat ng gmainaasahang bisita, mga kamag-anak, ka-trabaho at kaibigan ng pamilya ni Mia, mula sa iba't-ibang lugar.
Si Rui ang escort ni Mia sa gabing iyon kaya naman hindi mapigilan ng binata ang matense. Panay ang tingin nito sa kanyang sarili sa salamin sa male's comfort room. Anytime ay ipapakilala na ng host ang debutant ng party.
"Cool ka lang Rui.." bulong ni Rui sa sarili habang inaayos ang neck tie niya sa harap ng salamin. agad na siyang nag-abang sa pavillion kung saan manggagaling si Mia.
"As all flowers bloom in their own season, a woman will come to her top beauty... Ladies and Gentlemen, It is an honor to present to you our stunning princess and debutant... Miss Mialene Rioveros Altamirano.." introduction ng host na sinundan ng paglabas ni Mia mula sa pavillion na suot ang kanyang maganda at magarbong gown.
Tila tumigil ang mundo para kay Rui nang makita si Mia suot ang gown nito. Nakasuot lamang ito ng manipis na make-up na lalong nagpalutang sa kagandahan nito. Nakangiti ito ng ubod ng tamis sa kanya. Pakiramdam ni Rui ay isa siyang groom na naghihintay para sa kanyang bride. Habang papalapit sa kanya si Mia ay nakalahad angkanyang kamay.
"Kinakabahan ako Rui." bulong ni Mia na nagpagising kay Rui sa katotohanang hawak na niya ang kamay nito.
"Don't worry princess, you are absolutely the most beautiful lady I've ever seen, lalo na siguro kung hindi mawawala yang matatamis mong ngaiti ngayong gabi." bulong na sagot ni Rui kay Mia.
Pakiramdam ni Mia ay buhayna buhay ang kanyang dugo nang gabing iyon nang hawakan ni Rui ang kanyang kamay.. Ramdam niya ang paglundag ng puso niya nang marinig ang papuri mula dito.
"Don't leave me, Rui. Nangangatog ang tuhod ko." bulong pa rin ni Mia na nagpangiti kay Rui.
"At long last." bulong ni Rui sa sarili.
"Anong 'at long last'?" tanong ni mia na may pagtataka.
"At long last, nagkaroon din ako ng pagkakataon na kailanganin mo ako. I won't leave you princess.." sagot ni Rui na nakangiti ng masaya. Ngunit ang ngiting iyon ay dagling napawi ng makita niya ang makahulugang tingin ni Rhys sa di kalayuan. "I won't leave you, at least kahit hanggang ngayong gabi lang masabi kong akin ka." bulong ni Rui sa sarili.
Nagsimula na ang program ng gabing yun. Naganap na ang father and daughter dance, ang 18symbolic gifts, 18 candles, 18 wishes, at ang susunod ay ang pinakahihintay ni Rui at Rhys na 18 roses.. si Rhys ang 17th rose nya habang si Rui ang 18th.
"You look beautiful tonight, Mia. In fact you are prettier that those roses you're holding right now." bulong ni Rhys kay Mia habang nagsasayaw silang dalawa.
"Thank you Rhys, you are so sweet. Lagi mo na lang akong pinupuri sa tuwing magkasama tayo. Minsan gusto ko nang maniwalas a mga sinasabi mo sakin." pagbibiro ni Mia.
"You have all the reason to believe me. I will never ever tell you a lie." sagot ni Rhys.
"Sige na nga, naniniwala na ako." nakangiting sagot ni Mia.
"And I hope you believe me too when I tell you I'm starting to fall in love with you." masuyong pagtatapat ni Rhys na ikinagulat ni Mia.
"Seriously??" di makapaniwalang tanong ni Mia kay Rhys na hindi na nito nasagot dahil in-announce na ng host ang susunod na magsasayaw kay Mia.
Nagkamay muna sina Rhys at Rui. Naging matagal at mahigpit ang pagkakamay ng dalawa. Nagpalitan ng makahulugang mga titig ang dalawa bago sila nagbitiw ng palad at ibinigay na ni Rhys ang kamay ni Mia kay Rui.
"Happy Birthday, Mia." pagbati ni Rui kay Mia.
"Thank you Rui." sagot ni Mia kay Rui.
"Mukhang nag-eenjoy ka talaga kapag kasama mo si Kuya Rhys." puna ni Rui na may bahid ng pagseselos habang inililipat ni Rui ang pagkaahawak ni Mia sa kanyang kamay patungo sa kanyang balikat. Inilagay naman niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ni Mia.
Pakiramdam ni Mia ay tatalon na palabas ang kanyang puso nag gawin ito ni Rui. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha at naaamoy na niya angmabangonitong hininga.
"Rui, anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Mia.
"Hindi ko alam Mia. i honestly don't know what I am supposed to do now. I just suddenly felt the need to hold you close and never let you go.." paglalahad ni Rui sa nararamdaman.
"Rui, ano ang ibig mong sabihin? bakit sinasabi mo ito sa akin?" pagtatanong ni Mia.
Kahapon lamang ay masyado siyang depressed sa nakita niya nung isang araw sa restaurant. Nagpasya siyang i-give up na ang matagal na niyang kahibangan sa binata dahil paulit-ulit lamang siyang nasasaktan. Hindi niya alam ngayon kung dapat pa ba niyang paniwalaan ang naririnig mula sa binata at dapat pa ba siyang umasa sa kakaibang damdamin niya?
"I don't know Mia. I'm afraid you'll hate me kapag sinabi ko sa iyo ang totoo. Let's just leave it this way." sagot ni Rui sa tanong ni Mia.
Pakiramdam ni Rui ay sasabog ang kanyang puso sa halo-halong emosyong kanyang nadarama ngayon. gusto niyang ipagsigawan ang damdamin niya kay Mia pero alam niyang masasaktan ang kanyang pinsan. Wala rin siyang kasiguraduhang maibibigay kay Mia dahil alam niyang umalis.
Dumating na ang visa ni Rui papuntang America. Magtatrabaho siya doon bilang graphic artist. Matagal na niyang pangarap ito. Hindi niya inaasahan na ngayon magkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang iyon nang maaprubahan ang online application niya nung nakaraang tatlong buwan. Hindi niya napigilan ang sarili na maibulalas ang nararamdaman. Ngunit hindi niya maipaliwanag kay Mia ang kahulugan ng kanyang mga nasabi dahil ayaw niyang maguluhan ito na maaari ding sumira sa maganda nilang pagkakaibigan. Sa wakas ay natapos din ang sayaw nilang dalawa. at nakatakda nang mag bigay ng speech ang debutant.
"I just wanted to thank all of you for coming tonight to share this wonderful and remarkable moment of my life. I know it's not easy to drive a long way to come here but you still made it for my big night, so thank you so much. For my parents who have been very supportive and undertanding, I want you to know that I love you and my sister very much. I also want to let my special someone, though he might not know who he is, to know that I will always try to understand whatever he is going through right now. Though he can't explain many things to me, I will still remain the same. As Mom told me the other day, right time will come for right things to happen. and I believe her." makahulugang pagtatapos ni Mia sakanyang speech.
Sinalubong si Mia ng kanyang mga magulang pagbaba niya sa stage at niyakap at hinalikan siya ng mga ito. Nagpatuloy ang party nang gabing yun, ngunit hindi na nakita ni Mia sina Rui at Rhys