"Mia, may bisita ka." sabi ni mommy Len.
"Sino daw po, mommy?" tanong ni Mia.
"Lumabas ka kasi dyan sa kwarto mo para malaman mo kung sino." masayang sagot ni Mommy Len.
Lumabas nga si Mia sa kwarto nya at natuwa siya nang makita kung sino ang bisita niya.
"Rhys! Ang tagal na nating di nagkita. Kumusta ka na?" excited na bati ni Mia sa bisita niya.
"Heto masyadong hectic ang schedule. Matagal na nga kitang balak na dalawin kaso ngayon lang ako nakatakas sa mga appointments ko. Pasensya ka na ha? Namiss mo ba ako?" masayang tugonni Rhys.
"Oo naman. Namiss talaga kita matagal din naman tayong di nagkita." sagot ni Mia.
"Ok. Since marami kang utang sakin kailangan, pagbigyan mo ako na makapasyal man lang. Matagal ko na kayang hindi nagagawa yun mula nang umalis ka." sabi ni Rhys.
"Ok sige. Saan mo ba gustong mamasyal?" tanong ni Mia.
"Alam ko na kung saan." nakangiting sagot ni Rhys. "Maghanda ka na. Gusto ko maganda ka sa date nating ito." dagdag pa niya.
"Lagi naman akong maganda ah?" natatawang hirit pa ni Mia.
"I just want this day to be very special. Minsan lang ako makagala tapos ikaw pa ang kasama ko." sabi ni Rhys.
"Ok. Wait mo na lang ako. I'll be very quick." masayang sabi ni Mia.
"Tito, tita, someone wants to talk to you in private. He will be here as soon as we leave." sabi ni Rhys.
"I'm ready!"sabi ni Mia.
"Hmm. Hindi ka naman masyadong excited?" biro ni Mommy Len na nagpatawa sa lahat.
"I think we should go." sabi ni Rhys. Umalis na ng ang dalawa.
***********************************
Doorbell ringing.
"Ito na siguro ang sinasabi ni Rhys na bisita." binuksan ni Mommy Len ang pinto at napangiti siya sa nakita.
"Rui. Tuloy ka." sabi ni Tito Romeo.
"Salamat po. Naparito po ako dahil kay Mia. Gusto ko po sana humingi ng tawad sa mga nangyari noon. Hindi ko po sinasadyang masaktan ang anak ninyo sa pag-alis ko noon. Nangangako po ako na hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun." paliwanag ni Rui.
"Sobrang nasaktan ang anak ko nang mawala ka. Matagal ka niyang hinangaan at pinangarap. Pero gumuho yun nang umalis ka. Mabuti na lang at matatag ang anak ko. Sinikap niyang limutin ka." sabi ni Mommy Len.
"Alam ko po. At pinagsisisihan ko po iyon. Kaya po ako umalis noon ay para hindi ako maging hadlang sa kinabukasan nya at upang mabiguan ko rin po siya ng magandang buhay sa piling ko. Tito, Tita, mahal na mahal ko po ang nak ninyo. Kaya po ako bumalik ay upang hingin ang pahintulot ninyo. Sana po ay pumayag kayong pakasalan ko ang inyong anak.
"Alam namin na magiging masaya si Mia kung papayag kami sa gusto mo. Pero, maniwala ka, hindi ko na gugustuhin pang makitang nalulungkot at umiiyak ang aking anak. Sa oras na maulit iyon ay hinding hindi ka na makalalapit pa sa aking anak kahit kailanman." malinaw na saad ng ama ni mia.
"Ipinapangako ko pong tutupad ako. Higit po akong masasaktan kapag nangyari yon. Iingatan ko po si Mia ng buong buhay ko." sabi ni Rui.
"Kung ganon ay sumasang-ayon na kami." sabi ng mag-asawa.
"Marami pong salamat." sabi ni Rui.
**********************************
Dumating na sila Mia at Rhys sa Star City. Napangiti si Mia nang makita ang park. Naalala niyang dito sila unang namasyal nila Rhys. Dito rin niya unang naramdaman ang pag-aalala at pagmamahal ni Rui. Nalungkot siya nang maalala ang lalaki.