Chapter 7

39 3 0
                                    

Napasigaw si Mia sa sakit nang maramdaman niyang natapakan ang kanyang paa dahil sa pagsisiksikan. Nagulat na lamang si Mia dahil niyapos siya ng mahigpit ng taong nasa kanyang harapan.

"Careful." sabi ng taong nakayapos kay Mia.

NApanatag ang loob ni Mia nang makilala ang boses na iyon ni Rui.

"I can't move. masakit ang paa ko. Natapakan ako kanina nung nagkasiksikan at nagkatulakan." sambit ni Mia na iniinda pa rin ang paang natapakan.

"Ok, I'll carry you." sabi ni Rui at sabay buhat dkay Mia na ikinabigla nito. Pero dahil alam naman ni Mia na wala siyang ibang choice at nagmamagandang loob lang ang kaibigan, hinayaan n laman niya si Rui na buhatin siya.

"Excuse me. We have a casualty in here." malakas na sabi ni Rui upang hayaan silang mabilis na makalabas ng horror house. Nakita nila si Rhys n nasa labas na at naghihintay sa kanila.

Halata ang pag-aalala sa mata ni Rhys nang makita niyang buhat-buhat si Mia ni Rui. Dumerecho sila sa clinic ng park at ipina-check up ang paa ni Mia. Bakas ang sobrang pag-aalalasa mata ni Rui. Hindi siya umalis sa tabi nito habang ginagamot ng doctor ang kanyang paa na nagkaroon ng bleeding dahil natamaan ng mtalas na bagay nung nagkatulakan sa loob ng horror house. Siya na rin ang nagbuhat dito nang matapos ang gamutan.

"I think we better go home now." desisyon ni Rui.

"I'm sorry guys. I don't mean to spoil your day." nalulungkot na sabi ni Mia.

"You don't have to apologize, sweetie. It's no one's fault." pag-aalo naman ni Rui sa kanya nang makarating sila sa loob ng kotse.

"Don't worry Mia, this will not be the last time. What's important right now is your safety." sabi naman ni Rhys na nagpanatag ng loob niya.

Matagal na natahimik si Mia sa likod ng kotse. sinusubukan niyang balikan ang mga nangyari kanina sa loob nghorror house. Naalala niya ang sarap ng pakiramdam na makulong sa loob ng mga bisig ng ni Rui, ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Idagdag pa ang pagbuhat nito sa kanya mula nung hindi na niya kaya pang lumakad. gusto niyang kiligin sa mga oras na iyon ngunit nararamdaman pa rin niya ang kirot sa kanyang paa.

"Mia, is there something bothering you?" tanong ni Rhys.

"Ha? wala. mejo kumikirot pa kasi ang paa ko." sagot na lamang ni Mia upang pagtakpan ang pagkatulala niya. Nahuli niyang nakatitig sa kanya si Rui sa rear view mirror pero hindi tulad kanina, May pag-aalala na ang mga mata nito. Sa wakas ay nakarating din sila sa tapat ng bahay nila Mia.

"Don't worry. Ihahatid kita mismo sa loob, Mia. Ayokong madala sina Tito at Tita sa amin. Baka hindi ka na mapayagan sa susunod." pagbibigay assurance ni Rui.

"Ok basta yung birthday ko ha, wag ninyong kakalimutan. You are one of my 18th roses so I'll expect both of you to be there." paalala ni Mia.

"We'll be there. Don't move. Ako na bahala sa iyo." pagsisigurado ni Rui at mabilis na bumaba sa kotse at binuhat si Mia.

Tinititigan ni Mia si Rui habang buhat siya.

Mia's P.O.V.

Kay tagal kong pinangarap ang ganito Rui. Magagawa mo rin kaya akong mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo? Talga bang hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin?

"Stop staring at me like that. konti na lang matutunaw na ako sa mga titig mo." bulong ni Rui.

Nagulat si Mia sa sinabi ni Rui.  Hindi niya akalain na aware ito na tinititigan pala niya ito.

"Hoy! Hindi kita tinititigan. siyempre ang lapit-lapit ng mukha mo sa akin kaya parang tinititigan kita. Pero hindi noh! Akala mo lang yon!" mataray na sagot ni Mia.

"Bakit ganyan ka sakin Mia?" may bahid ng pagtatampo ang boses ni Rui.

"What do you mean?" nalilitong tanong ni Mia kay Rui.

"You don't act like that when you're talking with Rhys. Palagi kang may ngiting nakalaan para sa kanya. Sa akin naman palagi kang galit at masungit."nagtatampong saad ni Rui.

"Nagtatampo ka ba?" nagwo-worry si Mia na baka tuluyang magtampo si Rui sa kanya.

"Don't get me wrong. Hindi ako nagseselos. I just want to know what's wrong with me so I can change for the better." palusot ni Rui sa mga nasabi niya kay Mia. hindi rin inaasahan ni Rui na magagawa niyang masabi kay Mia ang nadarama. Ang buong akala niya ay sa isip lang niya iyon nasasabi ngunit naibulalas na pala niya iyon at nalaman na ng dalaga.

"Wala naman akong sinabing nagseselos ka di ba? Alam ko naman na friends lang tayo." inunahan na ni Mia si Rui sa mga sasabihin nito dahil pakiramdam niya ay naiinsulto siya sa tuwing naririnig ito mula sa kaibigan.

Walang naisagot si Rui sa sinabi ni Mia. Dahil dito, inisip ni Mia na totoo nga na hindi siya magagawang mahalin ni Rui kahit kailan. Pakiramdam niya ay dinurog ang puso niya.

Pangarap Ka Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon