> Chapter 18 <
Nang matiyak ni Sylvestre na tulog na ang dalaga Ilang saglit pa niya ito'ng pinagmasdan.
At lumisan na siya sa lugar na iyon.
Habang lumilipad ang eroplano na kung saan si Sylvestre nakasakay.
Nalungkot siya nang muling maisip ang usapan nila ng abuelo ni Ashley kagabi.
"Pwede ka nang umuwi sa cavite."
"Nakausap ko na si kevin papunta na siya rito bukas.
"Ganon po ba?" malungkot natugon ni Sylvestre.
"H-Hindi ho ba pwèdeng mag-stay ako rito sa ospital kahit hanggang alisin lang ang benda ng mga mata ni... As...." Naputol ang sasabihin ni Sylvestre.
"No hijo! Hindi pwede iyon ang gusto ni kevin ayaw ka niyang makita!"
Nahirapan siyang isipin tapos na ang lahat parang kaylan lang ang saya-saya nila ni Ashley.
"Naiintindihan ko po. Ngunit pwede po bang ako nalang muna ang magpanatay sa apo nyo? Please?
"Kung iyon ang iyong nais sige hijo."
nang nasa kwarto na si Sylvestre na kung saan naroon si Ashley ay wala siyang ginawa kundi titigan lang ito ng titigan. Habang ang mga luha'y dumadaloy sa mata niya
"Ashley Mahal na mahal na kita hindi ko alam na ganito ka magiging kahalaga sa akin, gusto kitang ilayo. Nguni't ayaw ko naman na maging dahilan ng iyo'ng kalungkutan lalayo ako nguni't hindi ko kakalimutan na minsan umibig ako sa isang katulad mo. Lalayo ako at pipiliin masaktan kaysa makita kang nagdurusa." at hindi na napigilan ni Sylvestre ang sarili kaya mula sa pagkakaupo sa kama ng dalaga ay tumayo siya at lumabas at pumunta sa rooftop ng hospital na iyon.
Dun humagolgol siya ng parang batang inagawan ng laruan. Habang hawak-hawak ang dibdib niya sa sobrang sakit nang nararamdaman niya.
"Bakit kung kaylan ako umibig tsaka dun pa ako bawal mag mahal! Bakit!!!....Bakit!!! "
"Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit! Nito. Hindi ko kayang tignan siya at isipin na mapupunta lang ito sa iba! Shit!!"
Shit!!! Shit!!! Bakit ako pa!! Bakit!! Sakin pa!!!"
sigaw na paulit-ulit ni Sylvestre. Mugto ang mga mata ng bumalik siya sa private room ni Ashley.
Pinagmasdan ulit ito ni Sylvestre nagulat siya ng gumalaw ito at mag salita.
"Kevin?"
"Bakit? Garalgar na wika ni Sylvester
"Asan ka? At anung oras na?"
"Andito ko sa silya at madaling araw na " -Sylvestre.
"Ha? Teka diyan ka natulog? E di nangawit ka! Pumarito ka sa tabi ko ang luwag naman dito eh!"
sinunod ito ni Sylvestre. Nang kapain ni Ashley ang mga mukha niya at mapadako ang kamay nito sa kan'nyang mga mata.
Nakapa nito ang luha na natira sa sulok ng mga mata ni Sylvestre.
"kevin! Tell me!" -Ash.
"Tell you what?" maang-maangan ni Sylvestre.
"Umiiyak ka ba?"
"Ano? Bakit naman ako iiyak?"
"E Bakit may mga luha pa sa mga mata mo?
"Ah? Napuwing kasi ako." pagsisinungaling ni Sylvestre.
Hindi naniniwala si Ashley sa reason nito alam niya Umiiyak ito pero bakit yan ang mga tanong sa isip ni Ashley.
________________________________
Sa pagbabalik tanaw na iyon ni Sylvestre ay nanumbalik muli ang kanyang mga luha.
________________________________
A/N: naiiyak ako sa sarili kung story :p
BINABASA MO ANG
The Bachelor Hacker Series (BLACKHAT-SLYVESTRE STORY)
Historia Corta(My very special love) Ang mga pangyayari po sa story na ito ay pawang kathang isip lamang salamat po.