Chapter 3

4.9K 96 0
                                    

Matuling lumipas ang mga araw at first day of school na nila Stacey.

"Good morning!" masigla niyang bati nang dumulog siya sa hapag kainan. "Good morning din princess" bati ng mommy niya.

"Hmmm....mukhang maganda yata ang gising mo ah" puna ng daddy Carl niya. "Of course! It's my first day of school today" sagot niya habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.


"Sasabay ka ba sa daddy mo?" tanong ng mommy Sandra niya. "Di na po" sagot niya at saka sumubo. "Stacey, may ginawa pala akong merienda para sa'yo" sabi ng lola niya. "Thanks lola" nakangiti niyang sabi.


Nang matapos ang agahan nila, agad siyang pumanhik sa kwarto niya at nagshower. After it, she chooses what clothes to wear. Isang mini bubble skirt na black at tight-fitted bodice na t-shirt ang napili niya. She paired it with her Jimmy Choo pumps. Agad na siyang bumaba pagkatapos mag-ayos.

"Bye mom! Bye lola!" paalam niya at akmang lalabas na ng bahay nang tinawag siya ng kanyang abuela. "Teka apo, yung merienda mo. Pinag bake kita ng brownies" sabi ng lola niya sabay abot ng paper bag. "Thanks" at kinuha iyon.

"Si lola talaga, bini baby ako masyado" isip niya habang papalabas. Tinawag na niya ang driver nila at nagpahatid sa school.

Nasa school na siya at agad siyang pumasok sa room nila. Tama nga ang hinala niya na magkaklase sila ni Jaycee. Nakita niya kasi itong papasok sa room at mukhang papalapit sa kanya.

Nangunot ang noo niya. "Hi! Sorry about sa first meeting natin, medyo natarayan kita. Ako nga pala si Jaycee" sabi nito at umupo sa tabi niya.


She smiled. "It's ok. Nangyari na yun eh" sabi naman niya.

"So, can we be friends?" tanong nito at ngumiti. "Sure. Ako nga pala si Stacey" sabi niya. "I know. I've heard a lot about you from my brother" sabi ni Jaycee. May sasabihin pa sana siya pero dumating na ang professor nila.

Her first day of school went smooth and fast. No hassle and trouble had happened until she got hit on the head by a ball. Nasa gym kasi siya noon. Naglalakad siya patungo sa bleachers nang mangyari iyon.

"Ouch!" nasasaktan niyang sabi habang sapo niya ang nasaktang bahagi.

"Miss, I'm so sorry" sabi ng lalaki at pinulot ang bola. "You really should be sorry" mataray niyang sabi. "Yeah, again, I am really sorry" mukhang sincere naman yung lalaki. "Medyo napalakas lang kasi yung pagpasa ng friend ko kaya di ko nasalo" paliwanag nito. "Ok, apology accepted. Wala na naman akong magagawa eh" sabi niya.

"Ako nga pala si Zach... Zachary Enzo Buenavista" pagpapakilala nito sabay lahad ng palad. Inabot niya iyon. Medyo natigilan siya. His name sounds familiar to her.

"Hey!" untag nito sa kanya. "Oh! I'm Stacey Velarde" sagot niya. "Stacey?" paniniyak nito tsaka mataman siyang tinitigan. "Yes, why?" sagot niya sabay bawi ng kamay niya.

"Sa CV village ka ba nakatira? Ikaw ba yung anak ng may-ari ng village?" sunod-sunod na tanong nito. "Yeah, how did you know?" she's really wondering. Sa halip na sumagot, pumunta ito sa bleachers at may kinuha mula sa bag. "Still remember this?" tanong nito nang makabalik. He's showing to her a bracelet.

Tinitigan niya iyong mabuti saka unti-unting nanumbalik sa kanya ang childhood memories niya.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon