Chapter 7

3.5K 70 0
                                        

"So, may chance ba na magkaroon ako ng space dyan sa puso mo?" masuyong tanong ni Zach nang di pa rin siya makaimik. She cleared her throat. "It depends on how you'll prove that you are really sincere. Even though I grew up in States, di pa rin nawawala sa'kin ang ugaling Pilipina" sagot niya. Kahit gustong-gusto na niya itong sagutin ora mismo, eh di niya gagawin yun. Gusto niyang matiyak na sincere talaga ito. "Yun lang pala eh!" Zach's being confident. "Well, tignan na lang natin" sabi niya and laughed softly.

Nagkwentuhan pa sila ng matagal at pagkatapos, nagyaya na siyang umuwi.

"Teka, may nakalimutan akong ibigay sa'yo" sabi ni Zach. Nasa tapat na sila ng bahay nina Stacey. May kinuha ito sa compartment ng kotse nito. Isang kulay asul na box. Nahuhulaan na niya kung ano ang laman niyon. Nang buksan iyon ni Zach, nalaman niyang tama ang hula niya. Isa iyong silver bracelet. Isinuot iyon ni Zach sa wrist niya.

"Thanks Zach! You're so sweet" pasasalamat niya tsaka ngumiti. "Welcome! Gusto ko nga sanang kapareha nung bracelet na ibinigay mo sa'kin kaso wala akong makitang kapareha ng design nun" sabi ni Zach. "Ok lang yun tsaka wala ka talagang makikitang kapareha nun kasi pinadesign talaga yun ni Mommy para sa'kin. Maganda din naman ito" sabi niya. "Sige, ba bye na. It's kinda late now" sabi ni Zach. "Yeah. Bye! Have a good sleep Zach" paalam niya at hinalikan sa pisnge ang binata. Nabigla ito sa ginawa niya kaya di ito nakaimik. Para itong na estatwa. Kaya hayun, tatawa-tawa siyang lumabas mula sa kotse nito. Agad na siyang pumasok sa loob.

Nang makapasok sa bahay, nadatnan niyang nagtsa-tsaa pa ang parents niya. "Good evening Mom, Dad" bati niya at hinalikan ang pisnge ng mga magulang. "How was your date?" usisa agad ng Mommy niya. Umupo muna siya bago sumagot. "It was perfect! Uhmm....nanliligaw na sa'kin si Zach" masayang sabi niya. "We already knew about that. He asked for our permission while you were dressing up" sabi ng Daddy Carl niya. Lalo tuloy siyang humanga kay Zach sa ginawa nito."I like the guy, very gentleman and respectful" dagdag pa ng Daddy niya. "Tama ang Dad mo hija" pagsang-ayon ng Mommy niya. "Nakikita ko nga din ang mga katangian niyang iyon" sabi niya at ngumiti. "Take a sleep now dear. You still got classes tomorrow" sabi ng Dad niya. "Ok. Good night" paalam niya sa mga ito at tumayo mula sa couch. "Sige, good night din" sabi ng Mommy niya. Umakyat na siya sa kwarto.

Matuling lumipas ang mga araw. Naging close na niya ang grupo nina Jaycee, Cody at Brett. Pati na rin si Zach ay napalapit na rin sa grupo dahil sumasabay ito sa kanila tuwing lunch o di kaya'y sa vacant time. Hindi na rin nalingid sa grupo na nanliligaw si Zach sa kanya. Wala nama siyang narinig na sumbat at ni hindi siya kinausap ni Jaycee tungkol kay Zach. Inisip na lamang niyang sports ito. Tsaka nung minsan, sinubukan niyang ibring up ang topic na yun with Jaycee ay sinabi nito na di siya dapat mag worry. Crush lang naman daw nito ang lalaki at mas importante rito ang friendship nila.

"Haay naku! Tigilan niyo na nga yan. Ang corny" sita ni Jaycee sa kanila ni Zach. Nasa canteen sila noon at kasalukuyang nagmemerienda. Sinusubuan kasi siya ni Zach. Nagkibit-balikat lang ang lalaki. "Ang sabihin mo, inggit ka lang kasi wala kang lovelife!" pambubuska naman ni Cody. "Heh! Di porke't may lovelife ka eh, ipapamukha ko talaga sa'kin na loveless ako" Jaycee frowned. "Sagutin mo na kasi ako para may boyfriend ka na" hirit ni Brett. "In your dreams!" Jaycee rolled her eyes. Para kasing aso't pusa sina Jaycee at Brett. Di talaga nagkakasundo. Nagkatawan sila sa inakto ng kaibigan.

"Iinom mo na lang ng juice yan Jaycee para mawala ang init ng ulo mo" biro ni Stacey. "Duh! Whatever! Maka alis nga" sabi nito at nagwalk out. "Ikaw kasi Brett, ginalit mo si Jaycee" wika ni Zach. "Eh, totoo naman yung sinabi ko" sagot pa ni Brett. "Naku, batukan kita dyan eh" sabi ni Stacey at umaktong babatukan ang kaibigan. "Bakit? Totoo naman talaga yun. Matagal na akong nanliligaw sa kanya pero di pa rin niya ako sinasagot" sabi ni Brett. "Pano ka naman sasagutin nun, kung lagi mo siyang iniinis" sabi ni Cody. "Yeah, you're doing the wrong move" sabi naman ni Zach. "Eh, pano ba dapat?" kumakamot sa ulong sabi ni Brett. "It's for you to find out" sabi naman ni Stacey. Napabuga ng hangin si Brett. "Ang hirap" sabi nito.

"Guys, mauna na kami. May date pa kami nitong prinsesa ko" paalam ni Zach sabay kindat sa kanya. "Sige, ingat na lang kayo" sabi ni Cody. "Have fun guys!" pahabol pa ni Brett nang naglalakad na sila palayo.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon