Buong araw pinahirapan at tinarayan ni Stacey si Zach. Di lang ito naging driver niya, inutusan pa niya ito ng kung ano-anong maisipan niya. Ginagawa naman ni Zach ng walang reklamo. "You really enjoyed punishing him" sabi ni Jaycee sa kanya. "Well, kinda. He deserves it" sabi niya. Nakabalik na sila sa firm. "Kawawa naman si Zach" komento ni Jaycee sabay tingin kay Zach na kasalukuyang nagbubuhat ng malaking vase. Ipinalipat iyon ni Stacey malapit sa couch. "Ba't mo kinakampihan yan?" inis na sabi ni Stacey. "I'm just stating a fact. Kanina mo pa yan inuutusan at pinagtatrabaho ngunit di man lang nakapahinga yung tao" sabi ni Jaycee. "Hayaan mo siya" giit niya. "Ok" wala ng nagawa pa si Jaycee.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Zach sa kanya na nakatingin sa rearview mirror. Nasa kotse na sila ni Zach at as usual, nasa likuran siya nakaupo. Gabi na noon. "Drive me home" sagot niya at ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang umaandar na ang kotse. Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Panaka-naka ay sinusulyapan siya ni Zach sa rearview. Kahit nakapikit siya ay ramdam niya iyon.
"We're here" narinig niyang sabi ni Zach kaya inimulat na niya ang kanyang mga mata. Nasa labas na nga sila ng kanilang bahay. "Salamat Zach" sabi niya at akamang bubuksan ang pinto ngunit nagsalita si Zach. "Welcome. Wala bang good bye kiss diyan?" biro pa nito. "Hmp! Kiss ka diyan! Bababa na ako. Good night" mataray niyang sabi at dali-daling binuksan ang pinto at lumabas. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng kabahayan.
"Good evening mkm, dad and lola" bati niya sa mga ito at isa-isang hinalikan sa pisnge. Nasa dining area sila. "Halika na hija, kain na" paanyaya ng lola niya. Umupo naman siya sa tabi ng mommy niya. "How's the firm?" tanong ng daddy niya. "It's all set for tomorrow" sagot niya at naglagay ng pagkain sa plato niya. "That's great!" komento ng daddy niya. Ngumiti lang siya rito at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kumain, ay agad siyang pumanhik sa kwarto niya. She took her shower and after it, nagsuot na ng damit pantulog. Isang cotton short at spaghetti ang isinuot niya. Tapos, naglaptop na siya. Nakagawian na kasi niyang magcheck ng mails sa ganoong oras. After it, nag log in din siya sa social networking sites. Bigla na lang nag ring ang phone niya. Dinampot niya iyon at tinignan kung sino ang caller. It's Zach who is calling her. Ibinaba niya uli ang phone at hinayaan lang iyon sa pag-ring.
Without Stacey's knowledge, Zach didn't left. Nasa labas lang ito ng bahay nila. Nakaupo si Zach sa hood ng kotse niya at nakatanaw sa kwarto niya. "God, I really want her back" isip ni Zach at idinial uli ang number ni Stacey. Ring lang ito ng ring. Di sinasagot ni Stacey ang mga tawag niya. He gave a deep sigh. "Di ko na talaga alam kung ano ang dapat kung gagawin" sabi ni Zach. Pumasok na siya sa kotse niya. Sa passenger' seat siya naupo at hinayaan niyang nakababa ang bintana. Nakatanaw siya sa labas. Malayo ang tanaw niya habang naglalakbay ang kanyang diwa. Iniisip na naman niya ang mga pinagsamahan nila ni Stacey. Tapos bigla na lamang lumandas sa pisnge niya ang kanyang mga luha. "I love you Stacey" he said with desperation. Di nagtagal ay nakatulog siya sa kakaisip kay Stacey at dala na rin ng pagod.
Maagang gumising si Stacey kinabukasan. Nakagawian na niya kasing magbiking tuwing umaga. To make her body stay fit and healthy. Naghilamos at nag gargle siya. Tapos naghanda na siya para magbiking. Lumabas na siya ng kwarto at bumaba na. Nadatnan niyang gising na ang lola niya. "Good morning lola" bati niya at bumeso sa abuela. "Good morning din" ganting bati ng lola sa kanya. "Lola, magba-bike lang po ako" paalam niya. "Sige, ingat ka" bilin ng lola niya at lumabas na siya. Pumunta na siya sa garahe at kinuha ang mountain bike niya. Tapos bumukas na ang gate para makalabas siya. Papaangkas na siya sa bike nang may mapansin siya. "Huh? Kotse ni Zach yun ah" nagtatakang sabi niya. "Ang aga-aga, nadito na" naiinis niyang sabi at tuluyan ng umangkas sa bike. Lalagpasan lang sana niya ito ngunit nasilip niya sa bintana na natutulog pa ito at di pa nakapagpalit ng damit. Nakabukaslasi ang mga bintana ng kotse nito. "Oh God? Don't tell me dito na tulog yang lalaking yan" sabi nita at inihinto ang bike. Bumaba siya at lumapit sa kotse. Dumukwang siya sa bintana at niyugyog ang balikat nito. "Hoy Zach" . "Hoy Zach! Gising na" malakas niyang sabi. Umungol lang ito. "Stacey....stacey. I'm sorry" he said in a delirious voice.