Nang makauwi ang parents ni Zach, nag-usap sila sa mga detalye sa kasal nila. Napagdesisyunan nilang sa June na lang sila magpapakasal kasi kukulangin sila sa oras. Isang beach wedding ang napili nila ni Zach at sa Boracay iyon gaganapin. Ayaw sana ni Zach na pumarte sila sa gagastusin ng kasal ay napilit niya ito. Sabi niya, silang dalawa ang magpapakasal kaya dapat lang na paghatian nila ang gagstusin. Actually, di na masyadong malaki ang magagastos nila dahil libre na ang accomodations nila pati na rin sa mga guests dahil ninong nila ang may-ari ng resort kung saan ang venue ng kasal nila. Ang honeymoon din nila ay sinagot na din ng isa pang ninong nila kaya nabawasan na ang dapat nilang bayaran.
Kasabay na preparation ng wedding nila ay ang paghahanda din nina Stacey sa sarili nilang interior designing firm nila ni Jaycee. In fact, next week na nga ito magbubukas. Pareho silang naging busy ni Zach kaya malimit na silang nagkikita ng nobyo.
So, she decided to surprise him one morning. Dadalhan niya ito ng breakfast. Nag-effort pa talaga siya ng maagang gumising para maipaghanda ito. Ang di niya alam, siya pala abg masosorpresa sa maaring datnan na eksena sa condo ni Zach.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Last night, dumaan muna si Zach sa bar para uminom. He's stressed out from work and needs to relax. Kaya uminom siya. Konti lang sana ang iinumin niya ngunit di niya namalayang naparami na pala. He was tipsy then nang may lumapit sa kanyang babae. Halata ding lasing na ito dahil naging flirt na ito sa kanya. He is just like any other man who has physical needs kaya di nagtagal ay bumigay siya sa tukso. Dinala niya ang babae sa condo niya and ended up on bed.
"Hey, Zach darling...wake up" malanding sabi ng babae habang hinahaplos ang dibdib ni Zach. Naalimpungatan naman si Zach at nagmulat ng mga mata. "Huh? Anong oras na ba? Scarlet name mo di'ba?" paniniyak pa ni Zach. "It's 6 in the morning" sagot nito.
<<<<<spg scene ng konti, hehe>>>>>>
Hinalik-halikan ng babae ang dibdib ni Zach at di pa iyon nakuntento. Bumaba pa ang halik nito sa may tiyan niya hanggang sa umabot sa may puson. "Stop it Scarlet" saway niya sa babae. Tumigil naman ito at tiningala siya. "I can't darling and besides, I know you like it" malanding sabi nito. Hinalikan siya ng babae sa labi niya at halatang bihasa na ito sa larangang iyon dahil napabuhay na naman nito ang alaga niya. Di na napigilan pa ni Zach ang l*** na nararamdaman at inangkin uli ang babae.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nasa elevator na si Stacey. Papunta sa floor kung saan naroroon ang unit ni Zach. Nang marating iyon, masigla pa niyang binaybay ang pasilyo patungo sa unit ng nobyo. Wala siyang kaalam-alam na pinagtataksilan na siya nito. Nang marating iyon, dire-diretso na siya sa pagpasok dahil may spare key naman siya doon. Dumiretso siya sa kusina at inihanda ang dalang pagkain. Pagkatapos agad na siyang pumunta sa kwarto ni Zach. Hindi naman naka-lock iyon kaya agad niya iyong nabuksan. Laking gulat niya sa naabutang eksena at dahil doon nabitawan pa niya ang tray na dala. Gulat din ang dalawang taksil na nilalang na animo'y na estatwa din at di alam kung ano ang dapat gagawin. Hindi siya tanga para di malaman kung ano ang nangyayari. Agad nag-unahan ang mga luha niya na maglandas sa pisnge niya.
Unang nakabawi si Zach. "Stacey, let me explain" natatarantang sabi nito na nagmamadaling magsuot ng damit. "There's no need for an explanation Zach. What I saw imwas enough. I'm breaking up with you! We're over!" galit niyang sabi habang umiiyak. "No! Stacey, please! Don't leave me" pagmamakaawa ni Zach. "Sana naisip mo yan bago mo ginawa ito. Bago mo ako sinaktan!" sabi niya na umiiyak pa rin at lumapit sa babaeng nakaupo sa kama at nakatapis sa kumot. Sinampal niya iyon. Gulat na gulat ang babae ngunit agad ding nakabawi at akmang sasampalin din siya. Ngunit napigilan ito ni Zach. Nanlilisik ang mata habang tinitignan si Zach at ito naman ang sinampal niya. Agad siyang lumabas sa kwartong iyon. Hinabol pa siya ni Zach ngunit tumakbo siya at nakalabas na din sa unit nito. "Stacey!" narinig pa niyang sigaw ni Zach.