Naglalakad na siya patungo sa classroom nila nang makasalubong niya sina Jaycee at Cody. May kasama pang isang lalaki ang mga ito. Tinawag siya ni Cody.
"Stacey! Kumusta?" sabi ni Cody. "Never been better. So, where are you guys going?" tanong niya. "Dito lang. Pahangin muna, di pa kasi nagsisimula ang klase" sagot ni Haycee. "By the way Stacey, ito nga pala si Brett, friend ko. Pare, siya naman si Stacey" pagpapakilala sa kanila ni Cody sa kasama nito. They shook their hands and smiled at eachother.
"So, ikaw pala yung laging ikinukwento ni Cody" sabi ni Brett at binitawan ang kamay niya. Nagblush naman siya sa sinabi nito.
"Ikaw Codya ha? Baka kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa kaibigan mo" baling niya kay Cody at bahagyang tumawa. Bago pa makasagot si Cody ay nasapawan na siya ng tili ng kakambal. "Aay! Stacey, hayan na ang crush ko!" kinikilig na sabi ni Jaycee. Nacurious agad siya. "Ha? Saan dyan?" tanong niya na lumilinga-linga pa sa paligid. Nasa hallway kasi sila noon.
"Ayun oh! Yung naka polo shirt na kulay black. Yung papunta dito" sagot nito at ininguso pa ang direksyon kung saan naroroon ang crush nito.
Agad namang sinundan ng tingin ni Stacey ang itinuro ni Jaycee. Laking gulat niya ng mapagsino ang tinutukoy nito. Walang iba kundi si Zach! Oo, si Zach na crush din niya!
"Hoy Jaycee! Hinaan mo nga yang boses mo. Nakakahiya" saway ni Cody sa kakambal. Jaycee frowned. "Hey, what's your problem ba? Akala ko ba wala tayong pakialaman sa lovelife?" angal ni Jaycee. "Oo, wala ngang pakialaman sa kung sino man ang magugustuhan natin pero sobrang nakakahiya na yang ginagawa mo" sagot ni Cody.
Tahimik lang sina Brett at Stacey habang papalapit na ng papalapit sa kinaroroonan nila si Zach. Hanggang sa nakarating na nga sa kinaroroonan nila si Zach. Kaya kumalma na si Jaycee.
"Hi Stacey!" nakangiting bati ni Zach sa kanya na ikunabigla naman ni Jaycee. Akala kasi ni Jaycee na siya ang lalapitan ni Zach.
"Magkakakilala pala kayo nina Brett?" tanong ni Zach kay Stacey. Sasagot na sana siya nang biglang sumapaw si Jaycee. "Ahm...excuse me, I have to go now" medyo nayayamot na sabi ni Jaycee at nagwalk-out.
"Anong nangyari dun?" takang tanong ni Zach. "Ewan ko" sagot ni Brett.
"Cody, kilala mo si Zach?" kunot-noong tanong niya. "Oo, schoolmates kami nung highschool. Kami nila Jaycee at Brett," sagot nito.
"So, pano Stacey, mauna na kami" paalam ni Cody sa kanya. "Sige" sabi niya. Umalis na nga ang dalawang lalaki at naiwan sila ni Zach.
"Uhm...libre ka ba mamayang gabi?" tanong ni Zach. "Yeah, why?" balik-tanong niya rito. "I wanna invite you out to a dinner" sagot ni Zach.
"That sounds fine. Where will you take me?" tugon niya. "Basta, it's a surprise. So, I'll pick you up at 7:30 pm" sabi nito. "Ok. I have to go now. My class will start any minute from now" paalam niya rito. "Ok. Bye! See you tonight" paalam din ni Zach sa kanya. Then he smiled. Which showed his white and even teeth. "Oh! That killer smile's melting me" pilya niyang isip.
She waved goodbye and walked away. Her heart's beating fast. "Oh my! I got a date with Zach!" sigaw ng isip niya.