Dalawang araw na namalagi si Stacey sa resthouse. "Hija, sana naman nabigyan ng linaw ang isip mo habang ika'y namalagi rito" sabi ni Mang Berto. Ngumiti lang siya rito. Ngiti na may bakas ng pait at kalungkutan. "Mag-ingat ka sa biyahe" bilin ni Manang Lusing. Ngayon na kasi siya uuwi. Nagpasundo lang siya sa driver nila. "Sige po, aalis na ako. Salamat po" paalam niya at lumulan na sa kotse.
Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe ay nakarating na rin sila sa bahay. Agad siyang pumanhik sa kwarto niya. Nagpalit muna siya ng damit saka naupo sa kama niya. Tinext niya si Jaycee at ipinaalam rito na nakabalik na siya.
Kinagabigan, habang naghahapunan, nagulat na lang sila nang marinig ang pagwawala ni Zach. "Stacey! I know you're there. Let's talk!" sigaw ni Zach mula sa labas. "Dad, I don't wanna face him" she nervously said. "Ok, ako na lang ang lalabas sa kanya" malumay na sabi ng Daddy Carl niya. Tumayo na ito at naglakad palabas.
"Tito, I want to talk to Stacey" huminahon na ang boses ni Zach ngunit nasa tinig pa rin nito ang desperasyon. Nasa labas siya ng gate at pinipigilan ng dalawang guards dahil nagpupumulit siyang pumasok. "No. Let's talk. Man to man" Carl said in an authorative voice. Binitawan na ng guards si Zach. Tumango naman si Zach. "Just give me an honest answer" seryosong sabi ni Mr. Velarde. "Mahal mo ba talaga ang anak ko?" seryosong tanong nito sa kanya. "Opo Tito, I love her" sagot niya. "Then why did you hurt her?" mariing sabi nito na halatang nagpipigil lang sa galit. "I was weak and stupid. Maniwala kayo, isang beses ko lang nagawa yun kay Stacey" di na niya napigilan at napaiyak na siya. "Please Tito, let me talk to Stacey" pagmamakaawa niya habang umiiyak. "I hate to see my daughter sad. Her eyes never glowed anymore. I just want her to be happy. If you really love her, then prove it to her. Don't give up" naawa na rin siya kay Zach. Nakikita naman niya kasing nagsisisi na ito. Zach's face glowed when he heard what Mr. Velarde said. "Opo, gagawin ko lahat mapatawad lang niya ako. I swear I'll never hurt her again" sabi niya at pinahid ang mga luha. "Sa ngayon, umuwi ka na. Gabi na at nakakadistorbo ka na" utos nito kay Zach. Tumango lang si Zach at sumakay na sa kotse.
Araw-araw, pinupuntahan siya ni Zach sa bahay. Dinadalahan siya lagi ng flowers, chocolates at iba pa. "Para sa'yo. Sana mapatawad mo na ako" sabi ni Zach sabay abot sa kanya ng bouquet. Kinuha naman niya iyon. "Makakaalis ka na. May lakad ako ngayon. Actually, papaalis na nga ako eh" naiiritang sabi ni Stacey. Busy talaga siya ngayon dahil bukas na ang blessings sa firm nila ni Jaycee. "Sa firm ka ba pupunta? Ihahatid na kita doon tsaka sasamahan na kita sa bawat lakad mo" sabi ni Zach. "No. I have my own car. Madami akong lalakarin ngayon baka makaabala pa ako sa'yo" tanggi niya. "I can be your driver today and I'm serious about it" Zach insisted. "Ang kulit naman! Ayoko nga sabi. Baka makaistorbo lang ako sa mga date mo" sabi niya na ipinagdiinan pa ang mga huling katagang binitawan. Lumakad na siya palabas pero nakasunod pa rin si Zach sa kanya. "Alam mo namang wala akong ibang idini-date. Ikaw lang ang gusto ko at ikaw lang ang mahal ko" sabi ni Zach at pinigilan siya ng akama niyang bubuksan ang pinto ng kotse niya. "I don't care!" sabi niya at humurap kay Zach. Which is wrong move. Itinukod ni Zach ang dalawang kamay sa kotse niya. Kaya nakulong siya at di makagalaw. Inilapit pa ni Zach ang mukha nito kaya konti na lang ang distansya ng mga mukha nila. Nakatingala kasi siya rito at nakadungaw naman ito sa kanya.
They stared at eachother for a while. Di siya nakatiis at iniiwas niya ang paningin. Hinawakan naman ni Zach ang baba niya at ibinalik uli paharap ang mukha niya. Dahan-dahan namang lumalapit ang mukha ni Zach sa kanya. Napalunok siya. Di siya makagalaw, di siya makaisip ng dapat na gagawin. Naramdaman na lang niyang sakop na nito ang bibig niya. Nagpumiglas siya at pilit na itinulak si Zach. Ngunit malakas ito. Niyakap pa siya ni Zach ng mahigpit. Iniharang naman niya ang mga braso sa dibdib nito at pilit pa ring tinutulak si Zach. He was kissing her harshly at first then went gentle later. Unti-unti ay parang nanghihina siya at tumigil sa pagtulak kay Zach. Tinugon na din niya ang mga halik ni Zach.
Naramdaman niyang lumuluwag na ang pagkayakap sa kanya ni Zach kaya ginamit niya ang natitirang lakas para itulak ito. Di naman siya nabigo at nakawala siya kay Zach. They were both catching their breath when their lips parted. Tapos, walang sabing sinampal niya si Zach. "How dare you kiss me!" galit niyang sabi. "I'm sorry. I just missed you so much" apologetic na sabi ni Zach.
She calmed herself. May naisip siyang gagawin kay Zach. "Akala ko ba ihahatid mo ako? Ba't nakatayo ka lang diyan?" sita niya rito. "Oo naman. Let's go" sabi nito at akmang hahawakan ang braso niya ngunit agad niya iyong naiiwas. "Just don't touch me again" mariin niyang sabi. Nauna na siyang naglakad patungo sa kotse nito. "Ano ba? Buksan ma naman itong pintuan!" utos niya. "Diyan ka sa likod uupo?" maang na tanong nito sa kanya. "Saan pa ba? Asa ka pang uupo ako diyan sa tabi mo!" sabi niya at inirapan ito. "Ok" sabi ni Zach at ipinagbukas siya ng pinto. Tapos, sumakay na din ito.
Bumiyahe na sila patungo sa firm. Nang makarating na sila doon, akala niya aalis na si Zach. Mukhang tinotoo talaga nito ang sinabi kanina. Pero deadma lang siya rito at dire-diretsong pumasok. Naksunod pa rin si Zach sa kanya. "Hi Zach! Glad to see you here" bati ni Jaycee nang makapasok sila at binigyan siya ng makahulugang tingin. "Hi Jaycee! Driver ako ni Stacey ngayon eh" sagot naman ni Zach. She rolled her eyes. Lumapit naman si Jaycee sa kanya at bumeso. "Have you two got back already?" bulong nito sa kanya. "No, never" sagot niya na pabulong din. "Ok. If you say so" sabi nito. "Ikaw na munang bahala rito. I need to go to the catering service" bilin niya kay Stacey. "Sure" sagot nito. "I'll be back later. Hoy! Mr. Driver, halika na!" baling niya kay Zach. "Yes Ma'am" nakuha pang magbiro ni Zach kaya tinaasan niya ito ng kilay. Tapos tumalikod na. "Jaycee, mauna na kami. Ang sungit ng boss ko" sabi ni Zach. "Sinong masungit???" hinarap niya uli ito. "Wala, sabi ko ang ganda mo" sabi ni Zach sabay kindat sa kanta. Inismiran niya ito at nagmartsa palabas. Natawa na lang si Jaycee sa nasaksihan.