Chapter 1

7.1K 101 0
                                    


12 years passed...


"Stacey, hurry up! We're gonna be late for our flight" sigaw ng Daddy niya mula sa sala. "Yep, I'm coming!" she shouted back while closing her suitcase.


After it, she hurried downstairs where her parents is waiting for her. "I can't wait to go back home Dad!" she excitedly said while they're walking out from their house in Los Angeles, California. "It's blatant" natatawang sabi ng Daddy Carl niya. "Hmp!" inirapan ni Stacey ang ama.



"Tama na nga yan. Nandyan na ang kuya Sean mo" sabi ng Mommy niya. Agad silang sumakay sa kotse ng kapatid. Sean pulled in and drove to LAX. Pagkarating sa airport, nagcheck-in agad sila, excluding her kuya. Maiiwan kasi dito ang kuya niya to manage their business here.


After an hour, their plane took off. Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na rin sila sa Pilipinas. Sinalubong sila sa airport ng Lola niyang si Amanda.


"Lola!" tili ni Stacey nang makita ang abuela at agad itong sinugod ng napakahigpit na yakap. "I missed you so much!" sabi niya. "Ako rin apo" tugon ng Lola niya at pinakawalan nila ang isa't-isa.

"You're so gorgeous Stacey" papuri ng Lola niya at hinagod siya ng tingin. "Thank you Lola" nakangiti niyang sabi. "Oh siya, hali na kayo at naghihintay na si Domeng" sabi ng Lola niya na ang tinutukoy ay ang driver nila. Sumakay na sila sa Merceds Benz na van nila.


Pagkarating nila sa mansion ng mga Velarde ay agad silang sinalubong ng mga kamag-anak nila. Nagkaroon ng masayang salu-salo sa marangyang mansion.


"By the way cuz, nakapag-enrol ka na ba?" tanong ng pinsan niyang si Jewel. "Hindi pa nga eh" sagot niya. "Sabay na lang tayo" suggestion nito. "Sure!" pagsang-ayon niya. "So, sunduin na lang kita rito bukas. Mga 8:30 dapat ready ka na" bilin ni Jewel. "Ok" tugon ni Stacey.


----Kinabukasan----

(by the way po...2nd sem na ang time setting dito)


"Anong course ba ang kinuha mo?" usisa sa kanya ni Jewel. "Fine Arts major in Interior Design" sagot niya. Tumango ito. "Eh, ikaw cuz?" tanong niya sa pinsan. "I shift to BSBIO" sagot nito. 3rd year college na dapat si Jewel sa kursong Business Ad pero nagshift ito kaya balik 1st year uli pero konting subjects na lang ang ite-take nito dahil credited na ang ilang subjects nito. Siya naman, freshmen din siya kahit 18 na siya.

Kakagraduate lang kasi niya sa senior high. Madali naman nilang natapos ang enrollment nila.


"Naku cuz, may lakad pala kami ng boyfriend ko sa mall. Ahm...ok lang ba na magcommute ka na lang pauwi?" tanong nito. Wala  pa  kasi  siyang  sariling  kotse. "Sure, I'll be fine" sagot niya. "Ok, thanks. Pasensya talaga huh?" sabi pa nito. "No, it's fine" nakangiti niyang tugon. "Sige, alis na ako. Ingat ka ha?" bilin nito. "Yeah, you too" sagot niya. Tas umalis na si Jewel.


Nang makaalis ang pinsan, nag-ikot ikot muna siya sa campus hanggang sa napagod siya sa kakalakad.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon