"Stacey, what's wrong?" her Mom worriedly asked. Kakarating lang niya mula sa condo ni Zach. Hilam pa ang mga mata niya sa luha. "I'll just tell you later Mom. Right now, I just wanna be alone" malungkot niyang sabi. Dali-dali siyang pumanhik papunta sa kwarto niya. Ni hindi na niya hinintay na makasagot ang Mommy niya. Hinayaan na lang din siya ng Mommy niya. Ilang oras din siyang nagkulong sa kwarto niya.
"Stacey, can I come in?" si Jaycee pala iyon. "Yep, tuloy ka. Hindi naman naka lock ang pinto" sagot niya habang sumisinghut-singhot pa. Agad naman bumukas ang pinto niya at pumasok si Jaycee. Naupo ito sa kama niya. Stacey, on the other hand is crouching on bed. "Di mo kasi sinasagot ang mga tawag ko so, I called at your land line. Si Tita ang nakasagot at sinabi niya sa'kin na puntahan ka rito" paliwanag ni Jaycee. "Ikaw muna ang bahala sa preparations dun sa firm. I want to unwind for a day or two" sabi niya at pinahid ang mga luha. "Tell me, anong problema mo? Nag-away ba kayo ni Zach?" usisa ni Jaycee. "I broke up with him" she answered in a low tone voice. It didn't almost came out from her mouth. "What?! But why?" Jaycee's really surprised. "I caught him. He cheated on me and I don't know if how long it has been going on" tears started to fall again on her cheeks. "Di na ba maaayos 'yan? Has he already explained to you?" Jaycee's kinda worried. Umiling siya. "There's no need for an explanation Jaycee. What I saw is enough basis to break up with him" she's really in great pain right now. "So, what's your plan now?" tanong ni Jaycee. "Basta bukas, aalis ako. Magpapalipas lang ng sama ng loob. May alam ka bang rest house na pwedeng rentahan?" tanong niya at pinahid uli ang mga luha. "Meron. Di'ba may rest house naman kayo sa Tagaytay?" balik-tanong nito sa kanya. "Ayaw ko dun. Baka puntahan pa ako ni Zach" sagot niya. "Sabagay, pwede nga iyong mangyari" sang-ayon ni Jaycee. "Basta, huwag mong sasabihin kay Zach kung nasaan ako" bilin pa niya. "Oo naman. Pasasamahan na lang kita kay Cody sa pagpunta doon para di ka mahirapan" sabi ni Jaycee. "No. I'll be fine. Tsaka makakaabala pa ako sa kanya" tanggi niya. "Hindi ah! Saturday bukas kaya walang lakad 'yun" Jaycee insisted. "How can you be sure?" paniniyak niya. "Eh di, tatawagan ko siya ngayon" sabi naman ni Jaycee at kinuha ang cellphone. Idinial nito ang number ng kakambal.
"Hello Cody! May itatanong lang ako. Free ka ba bukas?" bungad ni Jaycee. Tapis nakinig ito sa sagot mula sa kabilang linya. "Eh kasi, magpapasama sana si Stacey bukas dun sa rest house ng friend mo" sabi ni Jaycee. Tapos nakinig uli ito. Tsaka napangiti pa. Parang nasiyahan sa sagot ng nasa kabilang linya. "Thanks! Sunduin mo na lang siya bukas ng maaga at huwag mong sasabihin ang tungkol dito kahit kanino. Lalo na kay Zach" bilin pa ni Jaycee. Then she hang up.
"It's fix then. Si Cody na ang bahalang magpaalam sa friend niya na pupunta kayo doon" nakangiting wika ni Jaycee. "Thanks Jaycee" sabi niya at niyakap ang kaibigan. "What are friends for? O siya, tama na at baka magkaiyakan na tayo dito. Aalis na ako. I know you need rest" sabi ni Jaycee at kumawala sa yakap niya. "Sige, ite-text na lang kita" sabi niya. "Ok. Ingat na lang sa biyahe bukas" bilin nito at lumabas na sa kwarto niya.
Kinagabihan, habang nagdi-dinner sila ay nagpaalam si Stacey sa parents niya na aalis siya. Nasabi na rin niya ang paghihiwalay nila ni Zach. "Sigurado ka na ba sa pasya mo anak?" tanong ng Mommy niya. "Yes Mom. I just need to get away. It really hurts" sagot niya. "Won't you give him a chance to explain?" tanong ng Daddy niya. "No!" mahina ngunit mariing sabi niya. "I can't believe na nagawa niya iyon sa'yo. Akala ko pa naman iba siya" sabi ng Daddy niya. "Please, let's not talk about it anymore. I don't wanna spoil my appetite" sabi niya. Tumahimik na rin ang parents niya dahil naiintindihan siya ng mga ito.
Bago siya natulog, paulit-ulit siyang tinawagan ni Zach pero di niya ito sinasagot. Nang magring uli ang cellphone niya, ika-cancel na sana niya iyon ngunit nabasa niyang si Cody ang nakaregister sa caller i.d. Sinagot niya agad iyon.
"Hello Stacey" bungad ni Cody mula sa kabilang linya."Hello Cody!" tugon niya. "Anong oras nga pala kita susunduin bukas?" tanong nuto. "Hmmm...5 a.m na lang siguro" sagot niya. "Ok. I'll be there at exactly 5" sabi ni Cody. "Ok. Bye. Good night!" paalam niya. "Good night too" tugon ni Cody. Then she tap the end icon.
