Chapter 11

3.1K 61 0
                                    


She was speechless while reading the words on the screen. It says that : "Now that I have found the perfect girl, I wanna grow old with her" yun ang nakalagay sa screen at di nagtagal ay ini-off na ang screen. Lumiwanag na uli at lumabas si Zach mula sa likod ng screen. Tinawag siya nito. Agad naman siyang tumalima. Her knees were trembling while walking. Ang mga bisita nama'y tahimik lang at hinihintay ang susunod na magaganap.

"I, Zachary Enzo Buenavista, swear to love Stacey Velarde forever" Zach passionately said. Nakaluhod ang isang binti nito habang hawak naman nito ang isang kamay niya. Stacey's really tensed. "Will you marry me?" Zach asked. She gasped for breath but still, she managed to answer his question. "Of course! Yes, I will marry you Zach" she answered. She feels so much happiness like it has overflowed. Isinuot na ni Zach abg engagement ring nila at tumayo na din ito. It was a 14 karat diamond ring. The crowd cheered and asked the couple for a kiss. And they did. It was a sweet gentle kiss.

"You really surprised me! Mukhang di lang sina Jaycee ang kinontsaba mo kundi pati sila Mom and Dad" sabi niya nang makabalik na sila sa table. He chuckled and said "Yes, para sa'yo gagawin ko lahat. Sina Tito at Tita naman ay agad na pumayag. Kinausap ko sila last week habang nasa school ka pa." Then they hugged tightly. "You're so sweet" sabi ni Stacey. Napahiwalay sila bigla nang tawagin sila ng emcee for picture taking with their parents but unfortunately, Zach's parents were not around. Nasa Europe tour kasi ang mga ito at biglaan lang din ang pagpo-propose ni Zach. After it, sina Jaycee, Brett, Cody at ang Kuya Stanley niya ang tinawag para kuhanan ng picture.

They had so much fun in the party. Di nagtagal, naunang umuwi ang parents niya. "Just enjoy your party" bilin pa ng Mommy Sandra niya bago tuluyang umalis ang mga ito. Hatinggabi na nang matapos ang party.

"Kuya, kay Zach na lang ako sasabay" sabi ni Stacey. "Ok pumpkin. Pare, ikaw ng bahala sa kapatid ko ha?" bilin ng Kuya Stanley niya kay Zach at tinapik pa sa balikat ang nobyo niya. Tumango lang si Zach at pumasok na sa kotse si Stanley. Nang makaalis ito, pumasok na rin sila sa kotse ni Zach. "Zachary Enzo, you are so full of surprises!" malambing niyang sabi. Till now, she still feels overwhelmed. Nilaro-laro ng daliri niya ang tenga nito. "Stop it sweetie. Nakikiliti ako, baka mabangga tayo" sabi ni Zach habang nagmamaneho. Natawa na lang siya at tinigilan ito. Medyo mahaba-haba pa ang biyahe nila kaya pinili na lang niyang maidlip muna. Hinayaan na lang din siya ni Zach dahil alam nito na pagod siya.

Naalimpungatan si Stacey nang may humaplos sa mukha niya. "We're here sweetie" masuyong sabi ni Zach. Ngumiti siya. "Grabe, napasarap pala tulog ko" sabi niya at umayos ng upo. Nasa tapat na sila ng bahay nila. "Kailan mo gustong makasal tayo?" malambing na tanong ni Zach habang hinahalik-halikan ang kamay niya. Kunwari'y nag-isip muna siya bago sumagot. "Hmmm...next year" sabi niya at pinigil ang sariling matawa dahil sa reaksiyon ng nobyo. "What?! No way!" protesta ni Zach. Tuluyan na siyang natawa. "Just kidding" sabi niya habang tumatawa. "Ano ba? Hindi nagbibiro" nayayamot na sabi ni Zach. "I know. Di ka na mabiro. Sa May kaya?" suhestiyon niya. "Ok. We'll just talk the other details some other time sweetie" sabi ni Zach. "Yep! Good night sweetie" sabi ni Stacey. "Good night din sweetie. I love you" sabi naman ni Zach. "I love you too sweetie" tugon niya. Binigyan na naman siya ni Zach ng isang makapugtong hininga na halik.

They were both catching their breaths when their lips parted. "Gotta go now sweetie" sabi ni Stacey. "Yeah, you really have to. Baka di na kita pakawalan pag nagtagal ka pa rito" birong-totoo ni Zach. "Naku! Ikaw talaga" natatawa niyang sabi. Ipinagbukas siya ng pinto ni Zach. Agad naman siyang umibis. They hugged before she went in. She changes her clothes first before sleeping. A smile is plastered on her face when she has fallen asleep.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon