Chapter 14

3.3K 56 0
                                    


Kinabukasan, alas kwatro pa lang ay gising na siya. Naligo siya agad at pagkatapos pumili siya ng damit na susuotin. Jeans shorts at Tee shirt na plain white ang napili niya. Konti lang ang dadalhin niyang damit. Nag-aalmusal siya nang dumating si Cody. "Good morning! Kain ka muna" paanyaya niya. "Thanks pero nakakain na rin ako" tanggi nito at umupo sa tapat ng inuupuan niya. "Sandali lang 'to. Malapit na akong matapos" sabi niya at sumubo ng pagkain. "It's fine. Take your time" tugon nito at ngumiti. "Good morning hijo!" bati ng Mommy niya kay Cody. "Good morning din Tita" tumayo ito at hinagkan sa pisnge ang Mommy niya. "Salamat at maihahatid mo doon sa Batangas si Stacey. Mapapanatag na ang loob ko" sabi ng Mommy Sandra niya. "Huwag po kayong mag-alala. I'll take good care of her" Cody assured. "Excuse me, I'll just get my things" paalam niya nang matapos siyang kumain at agad pumunta sa kwarto niya. Naiwang nagkukwentuhan ang Mommy niya at si Cody. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya. Nasa sala na sina Cody at kakwentuhan pa rin nito ang Mommy niya. "So, let's go now" pahayag niya. "Sige Tita, aalis na po kami" paalam ni Cody. "Bye Mom! Just send my kiss and hug to Daddy" bilin niya. Niyakap niya at hinalikan sa pisnge ang Mommy niya. "Sige hija, ingat kayo sa biyahe" bilin din nito. Lumabas na sila.

Habang nasa biyahe, tahimik lang sina Stacey at Cody. Di naman sila masyadong na traffic dahil maaga pa at sa express way sila dumaan. "We're here" Cody informed after that long travel. They are now entering in the resthouse. Namangha siya sa nakikita. Napakaganda ng lugar. Malawak at madaming halaman at sari-saring bulaklak ang nakikita niya. Inihinto na ni Cody ang kotse at bumaba na sila. Tinulungan naman siya nito sa bagage niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Sa gitna ng garden, may statue ng angel na may hawak na banga at mula doon, may umaagos na tubig. Agad silang sinalubong ng tagapangalaga ng resthouse. "Magandang araw Sir Cody at Ma'am...?" bati sa kanila ng matandang babae. "Good morning din" they greeted in unison. "Siya nga po pala si Stacey, Manang Lusing" pakilala ni Cody. "Ikinagagalak ko po kayong makilala" sabi niya. "Ganun din kami Ma'am" sabi ng kasama nitong matandang lalaki. "Naku, Stacey na lang po ang itawag niyo sa'kin" sabi niya. "Ikaw ang bahala hija" tugon ni Manang Lusing. "Hali na kayo sa loob at ng makapagpahinga kayo" sabi ni Manang Lusing. "Opo Manang" tugon niya. "Siyanga pala ang asawa kong si Berto" pakilala ni Manang sa kasama niya. Pumasok na sila sa loob. "Manang, pwede po bang doon na lang ako sa kwartong dating tinutuluyan ko" sabi ni Cody. Madalas kasi siya dito noong college pa. Lalo na pag gusto niyang mapag-isa. "Kung yan ang gusto mo" tugon nito. Iginiya na sila nito sa kanilang magiging kwarto. Magkatapat lang ang silid nila. "Kung may kailangan ka hija, tawagin mo lang kami" bilin nito. Tumango naman siya at pumasok na sa kwarto. Inayos niya ang mga gamit at pagkatapos ay humiga. Di nagtagal ay may nakarinig siya ng katok sa pintuan niya. "Tok...tok...tok..." katok sa pintuan niya. "Sandali lang" sabi niya at bumango upang buksan ang pinto. Si Cody ang nabungaran niya. "Meryenda muna tayo" sabi nito. "Ok" tipid niyang tugon at lumabas na ng silid.

"I'll be staying here until tomorrow morning" Cody informed her. Ngumiti lang siya ngunit kita pa rin sa mga mata niya ang kalungkutan. "What happened? I mean, why all of a sudden you decided to unwind?" tanong ni Cody at sumubo ng buko pie. Di pa kasi niya nasasabi ang nangyari sa kanila ni Zach. She gave a deep breath before answering. "It's about Zach" sagot niya at inilahad ang mga nangyari sa kanila. Nakita niyang nagtagis ang bagang ni Cody at galit sa mga mata nito. "I can't believe that he did that to you. Kung nandito lang yun baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya" he said in a stiff voice. "Ako nga rin. I never thought that he's capable of doing it. I thought he's different from other guys" there's pain in every words she says. She heard a harsh breath from Cody. 

Pagkatapos magmeryenda, namasyal sila ni Cody sa tabing-dagat. Tahimik lang silang naglalakad. Or better say, wala siya sa sarili habang naglalakad. Namalayan na lamang niyang tumutulo na ang mga luha niya. They stopped walking. Cody gave her a comforting hug. "Just cry it ouy Stacey. It will make you feel better" Cody said while stroking her back. She burried her face on his chest and cried hard.

Lingid sa kaalaman nila, nakasunod pala si Zach sa kanila. Nasa labas na ito ng resthouse.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon