"Ano bang nangyayari sa kanya?" takang tanong ni Stacey. Napansin niyang namumula ang mga pisnge nito kaya sinalat niya ang noo nito. "God! ang init niya!" inaapoy ng lagnat si Zach. "Hmm... Stacey" tawag uli ni Zach sa pangalan niya. Nataranta naman si Stacey kaya tinawag niya ang guards nila. "Manong, pakibuhat naman po si Zach" sabi niya habang binubuksan ang pinto ng kotse ni Zach. Agad naman tumalima ang dalawang guards. Pinagtulungan ng mga ito na buhatin si Zach at pumasok na sila sa loob ng bahay. "Dalhin niyo po siya sa guest room" sabi niya na nag-aalala na talaga. Nasalubong pa nila ang lola niya nang paakyat sila. "Anong nangyari kay Zach?" tanong ng lola niya. "Inaapoy po ng lagnat eh. Diyan pala siya sa labas natulog kagabi" sagot niya at huminto sa paglalakad. "Hay nakung batang to. Hala sige, pagpahingahin mo na siya" sabi ng lola niya. "Sige po lola" sabi niya at sumunod na kina Zach. Binuksan niya ang guest room at ipinasok na ng guards si Zach. Inihiga nila ito sa kama. "Salamat po manong" sabi niya. Tumango lang ang mga ito at lumabas na.
Tapos hinubad niya ang suot nitong t-shirt, sapatos at medyas. Jeans na lang ang natitira nitong saplot. Nung una, nagdadalawang isip pa siya kung tatanggalin din ba niya ang jeans nito. Sa huli, ay napagdesisyunan niyang hubarin ang jeans nito. She felt relieved nang makitang may boxers na suot si Zach. Kumuha siya ng face towel at binasa iyon. Tapos pinunasan niya ang mukha ni Zach hanggang sa leeg. Pati din ang mga braso nito. Tapos sa dibdib nito pababa sa tummy nito na may abs. Sa ginagawa ay di niya maiwasang mapatitig sa topless na katawan ni Zach at napalunok siya. She feels something but can't tell what it is. Dati na naman niyang nakikita na topless si Zach lalo na pag pumupunta sila sa beach. But now, it's different. She feels hot and tensed. Kaya itinigil na niya ang ginagagwa at kinumutan na si Zach. Dali-dali siyang lumabas sa silid.
Kinausap niya ang mommy Sandra niya. Nasa sala ito at kakagising lang. Umupo siya sa katapat na couch. "Mommy, nasa guest room po si Zach" simula niya. Nangunot ang noo ng mommy niya at ibinaba nito ang hawak na tasa. "Dito siya natulog kagabi?" tanong ng mommy niya. "No. Kanina pa lang siya doon. Actually, di nga niya alam na nandun siya" sagot niya na mas lalong ikinangunot ng noo nito. "What do you mean?" takang tanong ng mommy niya. "He's sick. He has fever and delirious" sagot niya. Agad namang bumaha ang pag-aalala sa mukha ng mommy niya. "God! What happened? Natawagan mo na ba ang parents niya?" tanong ng mommy niya. "Tatawagan ko pa lang po. Tsaka si Dr. Villareal tatawagan ko din para papuntahin dito at ng matignan na niya ang condition ni Zach" sabi niya na ang tinutukoy ay ang family doctor nila. "Yes hija. You should do that" sabi ng mommy niya. Sa kabila ng nagawa ni Zach sa anak niya ay nag-aalala pa rin siya rito. Para na din kasing anak na niya si Zach. Tumango siya.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at tinawagan si Dr. Villareal. "Good morning doc!" bati niya. "Good morning din Stacey. Napatawag ka? Is there anything wrong?" tanong ni Dr. Villareal mula sa kabilang linya. "Yeah. I know it's a bit early but can you come over here? Zach has high fever" sabi niya. "Ok. I'll be there in 5 minutes" sang-ayon nito. Sa subdivision lang din nila nakatira si Dr. Villareal. "Ok. Thanks doc" she said and tap the end icon.
Tapos, ang mommy naman ni Zach ang tinawagan niya. "Good morning tita Angie" bati niya sa mommy ni Zach. "Good morning too. I was about to call you. Just wanna ask if you know where's Zach? Di pa kasi siya umuuwi" tanong ni Angie. "Yes tita. Yun nga din po ang itinawag ko. Zach's here. Kaso po, nilalagnat siya eh" sabi niya. "What? How is he now?" nag-aalalang tanong ni Angie. "Mataas po ang lagnat niya. Don't worry tita, pinapunta ko na si Dr. Villareal dito to check on him" she assured. "Ok. Pupunta na ako diyan" sabi nito. "No. I mean ako ng bahala kay Zach tita, I'll take care of him" sabi niya. "Ok Stacey. Thanks" sabi nito na di na iginiit ang sinabi kanian dahil panatag ang loob nito kapag si Stacey ang kasama ng anak. "I'll call you na lang tita for his updates" sabi niya. "Sige, I'll just wait" tugon nito. "Bye po tita" paalam niya. "Bye. I'll wait for your call" pagkasabi niyon ay agad na niyang tinapos ang pag-uusap nila.
She gave a deep sigh. She's really worried for him. "You still love him, do you?" sabi ng mommy niya. "Yes mom, di naman yun nawala eh and it will be hard to forget him. He is my first love. My one great love" sagot niya. "So, makikipag-ayos ka na sa kanya?" tanong pa ng mommy niya. "Maybe. It's just that I don't wanna push things right now" sagot niya. Di na umimik ang mommy niya. Ilang sandali pa'y dumating na si Dr. Villareal. She ushered him to the guest room.
Agad na sinuri ng doktor si Zach na natutulog pa rin hanggang ngayon. "Pinunasan ko po siya kanina kasi ang init niya" sabi niya. "Tama yung ginawa mo Stacey" sabi ni Dr. Villareal at tinapos na ang pagcheck up kay Zach. "Current temperature niya, 38 degree. His fever is caused by fatigued so he needs bed rest. Tsaka painumin mo na lang siya ng anti-pyretic, as needed lang. Tapos pakainin mo siya" bilin ng doktor. "Ok po" tugon niya. "Don't forget to check his temperature every 30 mins. Kapag tumaas uli ang lagnat niya kahit nakainom na siya ng gamit, e-sponge bath mo siya hanggang sa bumaba ang temperature niya" dagdag pa ng doktor. "Ok po" tugon niya. "Sige, alis na ako" paalam ng doktor. "Sige doc. Thank you at pasensya sa abala" sabi niya. "Ok lang yun" sabi nito at lumabas na ng kwarto.
