Chapter 10

3.3K 58 0
                                        

Araw na ng graduation nina Stacey.1 pm ang simula ng graduation ceremony. Siyempre, kompleto ang pamilya niya nang umattend ang mga ito sa graduation. Umuwi pa ang kuya niya galing States. Her parents were very proud of her. Di lang kasi siya basta grumaduate, siya ang suma cum laude ng batch nila at si Jaycee naman ang magna cum laude. Siyempre, di mawawala ang picture taking.

Pagkatapos ng graduation, inihatid siya ni Zach sa kanila kaya nag convoy na lang ang kotse ni Zach at ng parents niya. "Nasaan ang gift ko sweetie?" paglalambing niya sa nobyo habang nagda-drive ito. Inihilig pa niya ang ulo sa balikat nito. "Mamaya na sa party sweetie" sagot ni Zach na nanatiling nakatuon sa kalsada ang paningin. "It's a surprise" dagdag pa nito. "Sweetie, you're getting me tense" nakangiti niyang sabi.

Pagdating sa bahay nila ay may munting handaan. Sila lang na mag-anak at si Zach ang magkasalo sa handaang iyon. Masaya sila habang kumakain. Pagkatapos, di rin nagtagal si Zach at umalis na. Nagpahinga muna siya para sa party mamaya. Isinet niya ang alarm clock niya para magising siya mamaya.

At exactly 6:30 pm, tumunog ang alarm niya. Gumising siya at pinatay agad ang alarm. She took shower first. Then after it, she blow dried her hair. Isang pink na high-low dress ang isinuot niya. It has a sweetheart neckline and studded with beads. Kitang-kita ang long shapely legs niya sa suot na dress. She paired it with pink Gucci killer hills. She side swept her hair and put on a light make up. Just enough to highlight her best features on her face. She also put on her luxurious garterized head band. Which she bought from a prestigious designer in New York. It is studded with diamonds. Lastly, she brought her pink Gucci pouch bag. Bumaba na siya.

Nadatnan niyang naghihintay na ang parents at kuya niya sa sala. "Hija, you look more gorgeous tonight" papuri ng Mommy Sandra niya. "Really Mom?" paniniyak pa niya. "Yes, your Mom isn't lying" her Daddy Carl assured her. "Pumpkin, you're all set. So, let's go now" sabi ng kuya Stanley niya. Mula pa pagkabata ay pumpkin na ang tawag nito sa kanya. Pumunta na nga sila sa Manila Hotel, kung saan gaganapin ang party nila ni Jaycee.

Pagdating nila sa venue, marami ng bisita. Ini-acknowledge ng emcee ang pagdating nila. Natuon naman lahat ng atensyon ng mga bisita ng papasok na sila at nagsipalakpakan ang mga ito. Agad na lumapit si Zach sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. Iginiya sila nito sa nakareserve na table para sa kanila.

"Hi girl! You look stunning tonight" pahayag ni Jaycee sabay beso sa kanya nang lumapit ito sa table nila. Magkatabi lang din yung mga table nila. Kasunod nito sina Cody at Brett. Bumeso rin sa kanya ang dalawang kaibigang lalaki. "Where's Tito Mark?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang Daddy nina Jaycee. "Bumalik na sa Spain. Alam mo naman yung work niya" sagot ni Jaycee. "Sayang naman" sabi niya. Jaycee shrugged her shoulders. Isa kasing ambassador ang Daddy nina Jaycee. "So pare, is everything set?" tanong ni Zach kay Cody. Thumbs up lang ang isinagot ni Cody.

Nagsimula na ang party. Siyempre, kainan na. Buffet ang style ng paghahanda sa party kaya nagpresinta si Zach na ito na lang ang kumuha ng pagkain niya. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa simpleng gesture na iyon ng boyfriend. "So, where's your surprise for me sweetie?" tanong niya nang makabalik ito. "Later sweetie" sagot nito. Di na siya nagpumilit pa at kumain na lang siya.

Kakatapos pa lang niyang kumain ng magpaalam si Zach sa kanya. May kukunin lang daw ito. "Baka yun na yung surprise niya" she thought with excitement. Ilang sandali pa'y biglang nagdim ang ilaw at nag-on ang malaking screen sa harapan. Gulat na gulat siya nang mabasa ang mga katagang nasa screen. It says that: "This is how our sweet story began." Pagkatapos nun ay lumabas ang larawan ng bracelet niya. Yung bracelet na ibinigay niya kay Zach noon. May nakasulat sa bottom part g screen. It says "Stacey and I were childhood friends. She gave this to me before she left for U.S...12 long years passed and we meet again accidentally." Sumunod na lumabas ang larawan nila noong nagkita uli sila accidentally sa gym. Nag-uusap sila ni Zach, yun ang nasa larawan. Nanumbalik ang memory niya nung araw na iyon at napangiti siya. Di niya akalain na may nakakuha ng picture sa kanila nung time na yun.

Ang mga sumunod na larawan ay mga happy moments nila. Tulad ng pagpunta nila sa Boracay, nung pumunta sila sa Japan kung saan nagpapicture sila under the cherry blossom tree. Madami pang pictures na lumabas. Lumikot ang paningin niya. Hinahanap niya ang nobyo. Napatingin siya sa parents niya. Nginitian lang siya ng Mommy niya at ang Daddy naman niya ay prenteng nakaupo at umiinom ng wine. Mukhang may alam ang mga ito sa nangyayari.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon