Chapter 4

4.6K 73 0
                                    

"Zach?! Ikaw yung batang kalaro ko dati noong hindi pa kami nagpuntang States?!" di makapaniwalang sabi ni Stacey.

"Yeah! Ako nga ito. Akala ko, di mo na ako maaalala" nakangiting sagot nito. "Talagang itinago mo yang bracelet ko ha?" nangi-ngiting sabi niya. "Oo naman. I always keep my promise" sagot nito.

"Hey! Zach!" tawag ng lalaking kalaro nito. "Oo, nandyan na" sagot ni Zach. "Sige Stacey, magpa-practice pa kami" paalam nito. "Teka, can I have your number?" tanong niya.

"Sure" sagot nito at idinikta ang number. "Thanks, maybe I'll text you later" sabi niya. Umalis na rin ito. Hindi niya ini-expect na sa ganoong sitwasyon sila magkikita uli ng kanyang kababata.

Kinagabihan, nasa terrace siya at nagpapahangin.

Kakatapos lang niyang magdinner nang makita niyang dumaan si Zach sakay ng black Ducati nito. Sinundan niya ito ng tanaw hanggang sa mawala ito at pumasok na ito sa garahe ng bahay nito. Tanaw kasi mula sa terrace ng room niya ang house nila Zach. Naisipan niyang itext ito. "Hi Zach! It's me, Stacey" ang laman ng text niya.

"Ang gwapo talaga ni Zach!" kinikilig niyang sabi habang nakapangalumbaba.

Nakatukod ang siko iya sa rails ng terrace. "May girlfriend na kaya siya?" isip niya. Naputol sng pagmuni-muni niya nang tumunog ang phone niya. Laking tuwa niya nang mabasa kung sino ang nagtext sa kanya.

"Hi there! I wasn't expecting na ite-text mo ako but I'm glad you did" ang laman ng text ni Zach. Then they exchanged text messages.

A smile is plastered on her face while exchanging texts with Zach. Hanggang sa inabot na siya ng antok kaya nagpaalam na siya rito.

Kinabukasan...

Sobrang ganda ng mood niya dahil nakatanggap na naman siya ng text mula kay Zach. "Good morning lovely lady!" text ni Zach. Agad siyang nagreply rito.

"Good morning too! See you at school" Stacey's response. Pagkatapos, agad na siyang naligo. Nang matapos maligo, she can't decide what to wear.

Nahalungkat na yata niya lahat ng damit niya sa walk-in closet niya pero di pa rin siya makapili. Then, she ended up wearing Max Azria's black fitted bodice shirt and jeans shorts. Paired with Vans sneakers. She curled up her hair and let it loose. She put on a light smoky make-up. After it, she went downstairs.

"Wow! You're more gorgeous today" papuri ng Daddy Carl niya nang makababa siya. They're having their breakfast now.

"Thanks Dad" sabi niya at sinimulang kainin ang bacon at pancake. "Baka dahil sa crush mo kaya ka nag-ayos ng ganyan" panghuhuli ng Mommy Sandra niya. "Sort of" sagot niya. Open kasi siya sa Mommy niya especially when it comes to girly things.

"Sino?" curious na tanong ng Mommy niya. "Si Zach, yung kalaro ko dati before we went to States" sagot niya. "Tanda ko pa ang batang yun. Gwapo nga yun. Nung bata pa nga ang cute na niya kaya tiyak na gwapo na talaga yun ngayon" sabi ng Mommy niya. "Yeah right! Teka, nasaan nga pala si Lola?" takang tanong niya. Lagi kasing sumasabay sa kanila ang abuela sa pagkain.

"Maagang umalis. May appointment daw siya by 8:30 with the investors" sagot ng daddy niya. She shrugged her shoulders. Sa edad na 65 ay aktibo pa rin ang abuela niya sa pamamahala ng business nila.

"Mom, Dad, I have to go now" paalam niya sabay tayo at dinampot ang mga gamit. "Ok. Take care" bilin ng Mommy niya.

"Thanks Mom. I love you both!" sabi niya bago tuluyang lumabas ng bahay. Inihatid siya ng driver nila. Madali naman siyang nakarating sa school dahil di pa masyadong traffic.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon