Chapter 2

5.2K 87 0
                                    


Napag-isipan ni Stacey na kumain muna sa canteen. Umorder siya ng spaghetti at juice.


Habang naglalakad siya patungo sa mesa at bitbit ang tray, di sinasadyang nabangga siya ng isang lalaki at natapon ang dala niyang pagkain sa damit niya.


"Ooops! I don't mean to trip out. I'm so sorry" sabi ni Stacey kahit wala naman siyang kasalanan. "No, it's ok. It's my fault naman. Nagmamadali kasi ako" apologetic na sabi ng lalaki. "Cody! What's happening here?" tanong ng isang babaeng kamukha ng lalaki. "I accidentally bumped into her" sagot nito at inabutan siya ng panyo. "Thanks"  sagot niya.


"Ikaw ang bumabgga o siya?" mataray na sabi ng babae sabay tingin kay Stacey. "Ako ang nakabangga" sagot ng lalaki.


"Sorry talaga, may kasalanan din ako" pagpapakumbaba ni Stacey. "No, wala ka namang kasalanan. Ganito na lang, para makabawi ako ibibili na lang kita ng food" sabi ng lalaki. "Thanks but don't bother anymore" tanggi niya.

"So, ok na naman pala siya Cody. Kung ayaw niyang tanggapin ang offer mo, eh di halika na. Alis na tayo" sabi ng babae.

"No, Miss I insist" sabi ni Cody and smiled at her. "Ok, if you really insist. I have to go to the powder room first, need to change my clothes" sabi ni Stacey. "Ok" sagot ng lalaki.

Nagtungo na siya sa powder room. Buti na lang may dala siyang extra blouse sa bag niya.

Pagabalik niya, may order ng pagkain ang lalaki at wala na rin yung kasama nitong babae.


"Ako nga pala si Cody at yung lasama ko kanina, twin sister ko. Siya si Jaycee" pagpapakilala nito nang makaupo siya. "I'm Stacey. Thanks for the food" sagot niya. "Welcome. Transferee ka ba?" tanong ni Cody. "Yup" sagot niya.

"Anong year ka na?" tanong nito. "1st year pa lang, I just graduated from senior high. Ikaw?" balik-tanong niya rito. "2nd year na pero yung kakambal ko, first year uli kasi nagshift siya ng course" sagot  nito.


Madami pa silang napagkwentuhan habang kumakain. Nalaman niyang may possibility na maging classmate niya si Jaycee dahil tulad niya, Fine arts din ang kurso ni Jaycee. Samantalang si Cody, Architecture ang course. Di nagtagal at nagpaalam na sila sa isa't-isa.



Nang makauwi siya ng bahay, agad siyang.nagpahinga at nakatulog. Ginising na lang siya ng yaya nila para maghapunan.


"So, kumusta ang pag-enrol mo?" tanong ng Daddy Carl niya. "Ok naman po" magalang niyang sagot. "Ang schedule mo, ok lang ba?" tanong ng Mommy Sandra niya. "Everything's fine Mom" sagot niya at ngumiti.


Papatulog na siya nang tumunog ang cellphone niya. May message siyang natanggap from Cody.


Napangiti siya. Nagreply din siya agad.

"Ok, good night too. Sweet dreams" reply niya at natulog na siya.

Second Chance (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon