Chapter A.
Alliyah's POV.
Kung makikita niyo lang yung itsura ni Zayne nung nabanggit na sila Shane at Kenneth ang nanalo.
Mukha pang namatayan ang itsura. Iiyak na eh (^___^)
Confident lang ako, dahil advanced kong nalaman kay Gale na kami ang panalo. Mga usisero yung mga bestfriend ko eh.
Nagcelebrate kami pag tapos ng contest. Guess what? Binigyan na naman ako ni Zayne ng damit. As always! Couple again.
Minsan iniisip ko na may gusto sakin 'to eh. Napaka demanding sa lahat ng bagay.
"Tapos kana magshare sakanila?"-Zayne
"EPAL!"
"HAHAHA. Iyah! Ber months na, pag wala ulit sila mommy at daddy sainyo ko ha?"
"As if mapipigilan kita. Wala din naman akong kasama!"
"YESSS! Pumayag ka ha, nakarecord yan."
Nakangiti habang tinataas yung cellphone niyang tatskrin. Nirecord nga ni g*go.
"Oy. Lovers Indenial! Tara na't mag break time."- Jam.
"Gusto mu magmake up?"-ako
"Eto naman, parang nagbibiro lang. Wag mo ng pagalitan si Bheyyy."-Carol
Make up, it means magka black eye! Maga nguso at pula ang mukha.
"Take your time at hahanapin ko muna yung Joke. Baka sakaling makita ko."-Ako
"HAHAHAHA."- Rexcel at Gale.
Papunta na kami sa Cafeteria, ng may nagbato sakin mula sa likod ko. Paglingon ko. Isang notebook na makapal.
Sino nagbato neto? Lintik!
"Ooopps! Sorry. I mean it!"
Pasalamat to, kahit ganyan siya. Tinuturing ko parin syang bestfriend. Ganun ako kabait!
"HOY! BABAENG MAPUTLANG. MAY GUSTO SA PINSAN KO. WAG MO NGA IDIKIT ANG ANUMANG BAGAY NA NAKAUGNAY SAYO SA BALAT NG BABAENG 'TO!"-Zayne habang nakaturo sakin.
Tama kayo! May gusto si Shane kay Kenneth. Balita balita nadin sa Campus.
Anu na naman ang pakana netong monggoloid na to?
"Wag na wag mong idadamay si Kenneth dito, And who the hell are you para sabihan mo akong babaaeng maputla!"
"Kala mo ang ganda niya. Kung sigawan si Elo Baby ko."-Girl 1
"May gusto pala siya kay Fafa Kenneth. Di siya papatulan nun!"-Girl2
"Duhhh! That girl? Make patol patol my kenneth? No way!"-Girl3
"Kapal ng mukha neto para saktan ang Ac ko."-Boy1
"Kahit babae yan. Papatulan ko yan. Sinasaktan si Ac eh"-Boy2
Sakit sa tenga mga fre! May mga bubuyog na naman.
"Ako lang naman si Elo Zayne Lione. Ang manliligaw ni Alliyah Crisanta Dee. Kaya kung balak mung ulitin yung ginawa mo. Mag ready na yang pag mumukha mo. Dahil kahit tinuruan ako ng nanay kong galangin kayong mga kabbaihan. Eh baka bumaliktad pag ikaw na ang makikinabang!"-Zayne
Speech tol? Pinagsasabing manliligaw neto. Sabi ko na may pagnanasa 'to sakin eh. Tsss!
"Ow. Suitor ha! Akalain mong may nagkamali pa sayo Crisanta."-Shane
This time ako naman ang magsasalita.
"Shane Bratts. 1 more words. And you will die."-Ako.
At pinulot ko yung notebook na binato niya sakin, Inaamin ko masakit yun. Pero mahaba ang pasensya ko. Kaya nakapagtimpi pa. Inabot ko sakanya yung notebook.
"Oh! Math pala to. Eto! Baka kaylangan mu pang magreview at baka hindi mo pa alam ang formula ng pagiging inggetera. For the second time! BITCH!"
"HMP!"- Shane at umalis kasama ang mga tuko niyang alipores.
Hindi ko man nakita kong anung reaksyon ng mukha niya. Alam kong umiiyak siya. Ays!
Yan lage ang sinasabi ko sakanya kahit nung bata kami. Pag sinabi ko. Gagawin ko.
"Walang Pinagbago Ac. Pero pwede tahimik ka na lang ulit?"- Carol habang nanginginig mag salita. Tss.
"Oo nga girl. Calm down, okay?"-Gale
"Lets go babe. Ac! Calm down ha."-Rexcel
"Bhess, manahimik ka na lang! Ays."- JAM
Mga baliw na tong mga 'to! Anu bang kinakatakot nila? Nagsalita lang naman ako ah.