Chapter 12.
Alliyah POV.
After 20 mins. Yeah! 20 mins. Ang tagal, huminto kami sa isang malaking bahay. Mala mansyon.
"Kaninong bahay 'to?"
Pero di niya ko iniimik. Dirediretso siya sa bahay na yun.
Na akala ko kanya! Ts.
Lahat ng katulong at ewan kung katulong ba yung iba, eh pumila! Yung tipong pag pasok niya ng pinto bibigyan siya ng way habang nakayuko yung mga maids.
Ako naman napatanga dito sa tapat. Ang laki! May swimming pool at maliit na garden. May white flowers! Favorite ko *.*
"Diyan ka na lang ba? Pumasok ka dito!"
Pumasok naman ako agad, mukhang kanila nga itong mala mansyong bahay. Siya na may magandang Bahay!
"Anak, bat ka andito? Hindi kaba pumasok?"
Teka! Eto yung matanda kanina sa parlor nila elo ha, pero mas mukha siyang mas matanda.
"Diba po ikaw si Ms.Marga? Yung sa ice cream parlor."
Ngumiti lang siya.
"Siya si Manang Lucing. Kakambal niya si Ms.Marga! Pero mas matanda si manang lucing" paliwanag ni elo.
Nag nod lang ako, pareho silang palangiti ni Ms.Marga!
Pumunta si elo sa sala, nauuhaw ako kaya nagpaalam akong pumunta ng kusina.
May napansin akong malaking wedding picture. Yung dad at mom ni elo. At siguro siya yung bata na around 4. Pero sino tong girl? Kahawig nia. Girl version. Pero wala naman siyang sinabeng may kapatid siya.
Pagpunta ko ng kusina. May tatlong maids at si Manang lucing.
"kukuha lang po ako ng tubig." paalamko kay manang.
Nginitian lang naman nila ko.
Pagbukas ko ng ref, at ng nakakuha na ko ng tubig. Di ko na masara yung ref! Bat ba ganto 'to? Nasira ko ba? Kinakabahan ako.
"Iha ganito yan."
Tapos may pinindot siya sa pinakataas at automatic nagsara yung ref. Ang galing!
"Ngayon ka lang ba nakakita ngganyang ref iha?"
Nagnod lang ako. Amazing!
"Costumize kasi yan. Ang papa ni elo ang gumawa."
"kasi nung bata si elo, ang kulit kulit! Lageng pinaglalaruan ang ref. Dahil malamig daw sa loob tulad sa state. Hindi daw katulad dito sa pilipinas eh napakainit"
Tumawa lang ako, at ngumiti siya.
"Ngayon lang siya nagdala ng kaybgan niya. Puera na lang dun sa mga kateammates niya sa basketball"
Nagtaka naman daw ako dun. Gulo
"Siguro kung buhay pa si Nate, siguradong kasing laki mo na siya"
Biglang lumungkot yung mukha nia. Nakakapagtaka ha.
"Sino po ba si Nate?" tanung ko.
"Kapatid ni elosi nate. Super love niya si nate! Kaya yung Ice cream parlor na pinatayo niya? Para sa kapatid niya iyon."
Ang bait rin naman pala nung lalaking yun. Infairness!
"Pero bakit niyo po nasabi kung buhay pa si nate? Nasa heaven na po ba siya?" umiral na naman ang pagka chismosa ko. Curious lang po (^.^)V
"binawian siya ng buhay sa state, naaksidente siya. At sinisi ni elo ang sarili niya dahil sa nawala si nate ng di niya nababantayan"
Kawawa naman pala si Elo, ramdam ko kung bakit siya ganun. Kahit wala kong kapatid sa tunay. Mahilig naman ako sa bata nu.
Biglang dumating si elo."Nalunod kana ba diyan Iyah? Grabe! Manang, ako na naman ba pinag uusapan niyo?"
Ngumiti ako.
"Anak. Di kasi maalam si anu ulit pangalan mo?"
"Alliyahpo, pero Ac nalang po itwag niyo."
"Ah, AC! di siya maalam mag sara ng ref anak."
Pinagtawanan naman ako ng ugok na to. Langya! Malay ko ba sa ref niyo. Walang ganyan sa bundok noh.
"Tawa pa! Uuwi na nga ko."
"Umuwi ka, di mo naman alam ang way pa uwi eh" *smirk*
"*pout* tatawagan ko si Jam!"
"Ehhhh! Di na nga tatawa eh, tara sa sala. Manang padala nalang po ng pagkain sa sala"
"Sige iho."
"Salamat po."
AWKWARD. Takte! Vice versa? Nangyari na toeh.
"Oy, kumag! Tanung lang sino yung bata sa frame na yun?"
Natahimik naman siya.
"ah, si nate! She's cute. Elo's girl version. "
O.O - Siya. (^ .^) - Ako.
"Peace! Alam ko na, wag kang emo diyan!"
Ngumiti naman siya. Dumating si Manang Lucing na may dalang dalawang chocolate cake at juice. YUM!
After namin kumain. "Bat mu pala ako pinapunta dito?" tanung ko.
"Wala, tinatamad lang ako pumasok." "Kupal ka talaga! Uuwi na ko."
*PAK* "Aray naman Iyah! Ge hatid na kita."
Hinatid na niya ko, Guess what? hanggang labas lang ng bahay niya.