Chapter P.
Elo's POV.
Grabe talaga yung babaeng yun. Di ko akalaing magagawa niyang sapakin si Valerie.
Daig pa ang lalake. Di ako maka get over sa ginawa niya. Imbis matakot ako or whatever. Parang natuwa pa ko.
Makikitest na nga lang siya samin. Nanlalandi pa! That bitch. Ugh! Slut -___-
Andito kami ngayon ni Iyah sa Ice cream Parlor. Kumakain kami ng biglang dumating yung barkada.
"Langya kayo, iniwan niyo kami. Kung gusto niyo mag solo. Pwede namang magsabi."- tuloy tuloy na sabi ni Rexcel.
"Babe talaga, di mo ba nakita kanina yung Action movie?" - Gale with matching himas sa dibdib ni Rexcel.
"Ayy! Sorry babe, akala ko kasi teleserye--" - hindi natuloy yung sinabi ni Rexcel kasi sumabat si Shane.
"Yung tipong Love Triangle ang dating."- Shane. at nag appear pa talaga sila ni Rexcel.
"You make Layo layo to my babe, before tayo ang mag Love Triangle dito."- Gale habang tinutulak si Shane pero mahina lang.
Biruan lang yun, dahil napaka selosa daw ni Gale. HAHAHA.
At ayun lahat kami nagsikain nalang. Siyempre sagot ko. Akin kaya to!
After namin kumain pumunta kami sa bahay nila Shane. Malapit lang pala sa bahay nila Iyah.
Mag momovie marathon daw kami. Ang gusto ng mga babae bukod kay Iyah. Eh yung A walk to Remmember ba yun? Gusto din ng mga lalake. Sus! gusto lang makascore eh.
"So A walk to remmember nalang, okay?"- tanong ni Shane samin.
"Kayo nalang. Ang boring!"- biglang nagsalita si Iyah.
"Pero bakit naman Ac? Ayaw mo ba niyan?"- Rexcel
Kaya nga. Ayaw din ba niya yun? Boring talaga ha. Mga bestfriend niya gusto nun pero siya ayaw.
"Oo nga pala, ayaw niya ng mga ganyan."-Carol
"Yes, di siya mahilig diyan." - Gale
"Lets watch this." - Shane tapos tinaas yung Cd na PETER PAN.
Pero yung tao ang gumanap, hindi cartoons. Pero Seriously? Bakit yan?
"Game!"- Iyah, at biglang pumwesto sa Sofa. Aba! Ginanahan.
Lumapit sakin si Carol. At bumulong. Yung tipong parang di ako binubulungan talaga. yung nakaharap siya sa iba pero ako ang kausap niya.
"Favorite niya yan. Ayaw niya ng A walk to remmember kasi its a love story na sobrang pinapaniwalaan ng iba. Pero ang Peter Pan. Ay isang Fantasy! Di nga naniniwala sa forever diba?" at umalis na siya.
May sasabihin pa sana ako kaso umalis agad. Kaya pala ayaw niya yun. Hmp!