Prologue

91 8 4
                                    

"Isa,  Dalawa, Tatlo,  Apat,  Lima,  Anim, Pito"

Anas ng isang dalaga habang pinupunit ang talutot ng isang bulaklak. Imbis na "loves me or love me not" bilang ang sinasabe nito.

Pagdating sa ikapito, ang luhang kanina pang nagbabadya, ay tuluyan nang tumulo.

Pito. Pitong taong pagkakaibigan. Pitong taong pag aalagaan. Pitong taong ala-ala. Pitong taong tinginan na animo'y may kahulugan.

"Pito. Pitong taon ang sinayang mo, tinapon mo, para sa bagong tao sa buhay mo, at sa bagong mundo mo" bulong ng dalaga habang dahan dahan ngunit sunod sunod din ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.

Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin o sabihin ng mga taong nasa paligid nya ngayon. Gusto nya lamang huminga dahil nahihirapan sya.

Hindi nya pa rin tanggap na ang tanging lalaking tinitignan nya sa loob ng pitong taon ay iniwan sya na para bagang ibinasura ang pinagsamahan nila.

Sa ngayon ay nasa isang maliit na Cafe' sya. At nakatulala, hindi pinapansin ang paligid nya

"Miss, I'm sorry to interrupt your senti moment. Pero kase wala nang seat na available, would you mind if I seat here? " tanong ng isang matipunong lalaki sa dalagang nakaupo sa lamesa habang umiiyak. Matangkad ito, dark ang kulay ng buhok, di maitatanggi ang naghuhumiyaw na kagwapuhan nito.

Ngunit, dahil sa sobrang kalungkutan at bigat nang nararamdaman ng dalaga, hindi nya ito napansin.

Umiling ang dalaga ng marahan na para bagang tamad na tamad na syang kumilos

"Ah miss, saglit lang naman ako di ako magtatagal, take out naman order ko,  hihintayin ko lang sana dito. " muling pakiusap ng lalaki sa tulala pa ring dalaga.

Napakurap ang dalaga at kununutan nito ng noo ang lalaking nasa harap nya.

"Sabe na kaseng hindi eh. Ano bang di mo maintindihan sa hindi. Kailangan ba english?  I said no! Palibhasa kase kayong mga lalaki, sarili nyo lang iniisip nyo. Nakita mo nang nagdadrama yung tao, iniistorbo mo"
Singhal ng dalaga na napatayo pa.

"ah eh--" hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin dahil sa tuloy tuloy na pagsasalita ng babae

"Yan! Ganyan na ganyan kayong mga lalaki! Di nyo iniisip kung nakakasakit ba kayo!  Di nyo iniisip kung ok lang ba yung ginagawa nyo!  Kung tama ba yang ginagawa nyo!" mangiyak ngiyak na sabe ng babae saka ito dali dlaing umalis sa kinatatayuan at lumabas ng cafe'

Paglabas nito ng Cafe' naglakad ito ng padabog tuloy tuloy lamang at di alam kung san patungo

Napahinto sya sa isang crossing. Nakita nya ang isang malaking billboard. Muli na naman niyang naramdaman ang animo'y bato na nagpapabigat sa kanyang dibdib

"Sikat ka na nga. Dati lang tayo pa magkasama magjamming. Pangarap lang natin na kahit minsan mapalakpakan habang kumakanta tayo." mahinang sabe nito na parang kinakusap ang billboard sa harap nya.

"Ang galing mo. Natupad na yung pangarap natin, ay pangarap mo pala. Kase wala na ko sa tabi mo." tiim bagang na sabe nito.

Bigla naman sya napakapa sa bag na hawak nya

"hmmmff sayang naman tohng ipon ko. Sinusumpa ko, hihigitan ko yang naabot mo! Sama mo pa yang linta na katabi mo" mariing sabe nito sa billboard na naglalaman ng dalawang sikat na artista na mag kaharap na animo'y maghahalikan.

Siya si Aishy Therens Farrah, isang babaeng buong buo ang puso para sa musika. Ngunit bukod sa musika, may laman din ang puso niya

Ang pinakamatalik niyang kaibigang lalaki na si Wren Kalmin Juego. Minsan silang nangarap na makapag perform sa harap ng camera at mapalakpakan ng maraming tao.

Ngunit ngayon, wala na si "Wren",kung tawagin ni Aishy ang kaibigan, na kasama nyang nangarap.

Dahil mag isa na nitong tinupad ang pangarap niya bilang si "Kal"

Pinasok ni Kal ang mundo ng showbiz, at sa pagpasok niya sa panibagong hakbang na ito, iniwan niya si Aishy, tinapon niya ang pitong taong pagkakaibigan.

"Tutugtog at kakanta rin ako, at mas sisikat pa ko " sumpa ni Aishy sa harap ng billboard ng dati niyang matalik na  kaibigan.

Paano niya itutuloy ang buhay nang wala ang nakasanayan niyang sandalan at takbuhan kung kaniyang kinakailangan?

Magkaiba na sila nang landas na tinatahak

Maging iba na nga rin ba ang nararamdaman niya para sa nakalimot na kaibigan?


Ito'y isang kwento ng pagkakaibigan, pangarap at ...

Di malaman kung matatawag ba itong pagmamahalan.  Pero sabe nga Love knows no boundaries

Kaya sige tawagin na rin nating love

Lahat ng makamundong karanasan na ito ay nag uumpisa sa unang pagkikita

Ngunit sa kaso ni Aishy, matagal na nga ba niya nakita ang gusto niya

O marami pa dapat siyang pagmasdan para makamit ang kaligayahan niya?

I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon