CHAPTER 2

455 10 0
                                    

CHAPTER 2

   Nasa Mall sila ni Cali. Lumabas muna sila dahil nababagot na rin ang baby niya sa loob ng condo niya. Binilhan niya ito ng mga bagong laruan at damit.
Ngiting ngiti si Cali habang tumitingin sa loob ng Mall. Nakakatuwa talagang pagmasdan ng babay niya. Dumagdag pa ang pagkapogi nito. "Anak mo?"tanong ng isang babae. Tumango ako. "Parehong pareho kayo ng mata. Ang guwapo niyang bata siguradong guwapo din ang ama nito."

Ngumiti nalang siya sa babae. Dumaan muna sila sa jollibee. "Anong gusto mo baby?"

"Chik-chik"masayang sabi nito. Napatawa siya sa inasta nito.

"Annah?"

Napahinto siya sa akmang paghakbang. Hindi naman ata. Marami naman ang kagaya ng pangalan na yan.

"I know its you Annah."

Sa huli, lumingon na ako. Nanlaki ang mata ko nang mapagsino ang ang lalaking nasa harapan ko.

"Caleb?"

"Annah."

                                     ***

Hindi parin maalis sa isip ni Kian ang sinabi ng kapatid niya. Wala siyang ganang magtrabaho. Ginugulo ang isipan niya ang mga katagang binitawan nito.

"Hindi ko siya lalaki. Classmate ko lang siya na may iniutos!"sigaw nito.

"Liar! Akala mo hindi ko alam ang pinag gagagawa mo dito. Pwes, nagkakamali ka.
Napaka landi mo!"

Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

"You don't know everything about me. Kaya wala kang karapatang pag sabihan ako ng ganyan!"

"Yeah, I don't know about you that you are a whore"

"Fine. Mag isip ka kung ano ang gusto mo. Lets end this fucking relationship!"sigaw niya at agad na umalis.

Aminado siyang masasakit ang mga nasabi niya kay Hanna. Mahal niya ito nadala siya sa sobrang selos. Ayaw niyang may lumalapit dito na lalaki dahil pakiramdam niya kukunin ito sa kaniya. Mula highschool pa ang relasyon nila hanggang sa magcollege. Nang matapos siya sa pag aaral don siya mas natakot dahil hindi na niya mababantayan bawat segundo si Hanna. Mas natakot siya dahil napakaganda ni Hanna at alam niya na most of the boys in their school ay crush siya.

Kinuha niya ang cellphone niya at nagdial saka ipinasak sa tenga. Dalawang ring ang lumipas bago sumagot sa kabilang linya.

"Hello, K. What is it?"

"I want you to find someone"

"Who?"

"Hanna Mondragon."

                                            ***

"He likes you."usal ni Hanna nang makita ang kislap sa mga mata ni Cali.

"Of course, I'm the father."ngiting saad nito.

"I'm really sorry. Sinubukan kong hanapin ka pero mahirap mahanap ang isang tulad mo. Gusto ko ngang wag nalang sabihin sayo pero naawa ako kay Cali, he deserve to be happy."

"Don't worry I'll do everything for him. Baby, do you want to go with me?"
Tumango ito. "With Ma-ma."

Tapos humarap sa kaniya si Cali at nagpakarga. "Kung gusto mo sumama ka nalang. Sa condo ko tayo titira."

"May trabaho ako. Hindi ko pwede pabayaan yun."usal niya.

"Ano ang gagawin ko? Ayaw humiwalay sayo si Cali. Saka nasanay na siya sayo."

"Dadalaw nalang ako."

"Sige kung yan ang gusto mo."sabi nito saka may ibinigay na card. "Andyan number ko saka address sa bahay. Don ko nalang siya dadalhin para maalagaan pag umalis ako sa trabaho."

Tumango siya. Ngayon nasabi na niya ang lahat. Natupad na niya ang mga pangako. Ngumiti siya ng lihim.

"Mamasyal tayo"

Napabaling ang tingin niya kay Caleb. "Gusto kong malaman ang mga unang nagawa ni Cali. Pinahirapan ka ba niya?"
Umiling ako. "Cali is a sweet boy. Pag nakikita ko siya nawawala ang pagod ko."
"Kung ganon. Lets go?"

Tumango siya saka kami lumabas sa jollibee. Namasyal silang tatlo at nakita niya kung gano kasaya nilang mag ama. Parehong pareho sila sabagay mag ama nga diba.

Habang pinagmamasdan niya ang dalawa nakikita niya sa mukha ni Caleb ang mukha ni Kian. Nagkataon lang siguro. Ganyan naman talaga may mga kamukha ang tao.

"Ma-ma uwi" nakasimangot na sabi ni Cali.

"Umuwi na tayo. Sumama ka muna sa bahay. Hahatid nalang kita."usal ni Caleb.
Tumango siya rito saka kinarga si Cali.

                                    ***

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now