CHAPTER 20

186 6 0
                                    


Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya. Nagtungo sa closet pero pagkabukas niya non may envelope na nagulog mula doon. Kinuha naman niya iyon at akmang ibabalik na sana nang may mapansin siya. May pangalan na nakasulat doon.

Steven Ferra.

Bakit may ganito dito?

Dahil sa curious siya. She opened it. It was a bunch of picture. Nanlaki ang mata niya when she recognized the man on the picture. It was Steven, who owned the ice cream parlor.

And realization hits her. Ang kilala niyang Steven ay ang kapatid ni Sabrina. Wala ng iba.

So, kaya pala ganon ang expression ni Kian kanina dahil alam niya na nakita ko na ito ngunit hindi ko lang kilala talaga ang mukha.

Ibinalik niya sa loob ng envelope ang mga larawan saka lumabas. Nakita niya si Kian na nasa sofa pa rin at nakatulala. Hindi na niya ito nilapitan. Lumabas siya at tinungo ang sasakyan. Siya na ang gagawa ng paraan para may maitulong naman siya sa kaibigan.

Pagdating niya sa ice cream parlor nakita niya agad si Steven. Sa kabila ng napakaguwapong mukha nito may itinatago naman palang kasamaan.

"Hi." bati niya nang makalapit sa binata.

Lumingon ito mula sa pagaayos ng mga gamit nito. Ngumiti ito sa kaniya.

"Hi." bati din nito.

"Steven Ferra, right?"

Nawala ang ngiti nito sa mga labi saka tumingin sa kaniya ng seryoso.

"What did you do to Bella?"

"Wala."

"Liar. Ikaw lang naman itong obssess na obssess sa kaibigan ko."

"Wala na akong pakialam sa kanila. Matagal ko ng tinigilan si Bella, masaya na kami ng asawa ko."

"Siguraduhin mo lang dahil ako mismo ang tatapos sayo." matigas na sabi niya.

"Wow. What a brave woman. You are in my territory Mrs. Del Franco, ipapaalala ko lang. I can kill you right now. So choose your words wisely."

"Listen Steven, hindi ko alam na ikaw pala ang may pakana ng lahat ng ito. Nagpanggap ka pa na hindi mo ako kilala. I don't know your plan but remember this, you'll not gonna win."

Hindi ito umimik. Tumitig lang ito sa kaniya. Alam niyang galit na ito dahil sa talim ng titig.

"Look Mrs. Del Franco, kinuha ni Andrei ang asawa ko at ginawa niyang hostage. Sino ang hindi magagalit don?"

"What?"

Hindi niya ito alam. Bakit naman ni Andrei gagawin yun? Bakit nila ginawa ang bagay na yun?

Humigpit ang hawak niya sa bag niya. Nanghina ang tuhod.

"Hanna. Tulungan mo akong mabawi si Sabrina. Tumawag na siya sa akin at gusto na niyang umuwi. May anak kami at miss na siya ng anak namin. Hindi ka ba naaawa?"

Napaatras siya.

"Ang gusto ko lang mabawi ang asawa ko."

"Nasaan siya?" tanong niya.

Sabrina is her friend. Hindi niya gusto ang ginawang pagkidnap nina Andrei dito. May pamilya ito at kailangan ng anak nila si Sabrina. Alam niya ang pakiramdam yung nalalayo sa anak.

"Hospital."

"Bakit nasa Hospital siya?"

"Dahil nabaril siya."

"What? How?"

"Andrei happened."






_____________

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now