CHAPTER 17

211 6 0
                                    




CHAPTER 17

Tutok si Kian sa mga binabasang papel nang bumukas ang pinto ng office niya. Hindi na niya ito binalingan dahil alam niyang ang sekretarya niya yun na pinakuha niya ng report sa accounting department.

"Hi."

Nag angat siya ng tingin. Napatayo siya nang makita si Levi. Ang akala niya lumipad na ito papuntang Paris dahil sa trabaho nito. Anong ginagawa nito dito?


"What are you doing here?" takang tanong niya.


Lumapit ito sa gilid ng desk niya na may  ngiti sa mga labi.


"Hindi ako tumuloy. Nakapagdesisyon na ako, gusto ko ng mag settle down. Mahal kita Kian, gusto ko ng magpakasal sayo at lumagay sa tahimik." ngiting sabi nito.


"Levi. I'm already married and I'm happy now. Alam mo kung ano tayo noon."

"But you promised me Kian. You promised me." matigas na sabi nito.


Dahil sa ang akala niya na anak talaga nina  Caleb at Hanna si Cali kaya nakapag-promise siya kay Levi na hindi niya ito  iiwanan at ito ang pakakasalan niya. Ginawa lang niya yun just to comfort  her dahil  sa kamamatay lang non ang ama nito. 


"I'm sorry." ang tanging nasabi nalang niya.

Tumulo sa mga mata nito ang mga luha.

"Kian, alam mong ikaw lang ang naging kasama ko sa mga panahong mahina ako. Ikaw ang naging lakas ko. Minahal kita at nangako ka sa akin.  Nong mga panahong ikaw ang may kailangan tinulunga  kita, ngayong ako naman ang nanghihingi, wala ka."


Kung may nararamdaman man siya ngayon, yun ay awa. Awa para kay Levi.



"I'm really sorry Levi, pero may asawa't anak na ako. Patawarin  mo ako kung hindi ko matutupad ang promise ko sayo. May darating din na tamang tao na mamahalin ka ng higit  pa."



"You're right. Siguro nga at may  dadating na tamang tao para sa akin. But sad to say, ayoko don. Ikaw ang gusto ko, akin ka lang Kian."




Lumapit ito sa kaniya at pilit na yinayakap siya. Siya nama'y panay ang iwas dito. Dahil sa kakulitan nito, huminto siya sa pag iwas and he let her hug him. Umiiyak pa rin ito. Mahigpit na yumakap ito sa kaniya. Nasa ganong posisyon sila nang bumukas ang pinto. Napabitaw siya sa yakap ni Levi nang iniluwa don ang asawa niya.



Wala man lang gulat o galit na makikita sa mukha ng asawa. Wala itong emosyon na pumasok at humarap sa kanilang dalawa.



"Naistorbo ko ba kayo?" malamig na tanong nito.





Umiling siya at lumapit sa asawa.


"No. What you saw earlier that's nothing."




"Of course, it's nothing." anito ngunit malamig pa rin ang boses.



Bumaling ito kay Levi at lumapit.




"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito kay Levi.




"I just came here to visit Kian."



"Why?"





"It's none of your business."




"None of my business? You're visiting my husband, so why are you saying that it's none of my business?"





KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now