CHAPTER 15

207 8 0
                                    

CHAPTER 15

Kasama ni Hanna si Caleb papuntang restaurant dahil may meeting sila with Mr. Lim. Magkahawak kamay pa sila habang papasok sa restaurant. Nagalit man si Kian pero napapayag din nila. Alam kasi nila na nakabanray lang ang taong gustong ipapatay siya.

"Good morning ma'am. Do you have reservation?" bati ng babae sa kanila.

"Yes please. Under Mr. Allan Lim." sagot naman ni Caleb.

"This way Ma'am and Sir."

Agad namang sumunod sila sa babae. Pumasok sila sa private room at nakita si Mr. Lim na prenting naka upo at may kausap sa phone.

Nagpaalam ito sa kausap bago sila tumuloy sa loob.

****

Busy sa kakatitig si Kian sa litrato nila ni Hanna. Kuha iyon sa araw ng kasal nila. Kasama nila dito ang cute na anak nila.
Biglang bumukas ang pinto ng office niya at bumugad sa kaniya ang taong hindi niya gustong makita pa kahit kailan.

"Hi."

Nakangiti ito bago pumasok ng tuluyan. Hindi pa rin ito nagbabago. Ganon pa rin sa simula. Umikot si Mia papunta sa harap niya at umupo sa kandungan paharap.

"I miss you" usal nito.

Kunot noong tumitig siya rito.

"Get your ass up from me" matigas na sabi niya.

Ngumiti lamang ito at ikinawit pa ang dalawang kamay sa leeg niya.

"Babe, Don't be rude. Miss lang kita kaya ako pumunta rito. I just want to see your face."

"I said, get your ass up from me!"

Napatayo si Mia dahil sa lakas ng sigaw niya. Makikita ang gulat sa mukha nito.

"What are you doing here?" matigas pa rin ang boses niya.

Hindi ito nagsalita bagkus natuon ang pansin nito sa litrato na nasa desk niya. Lalong kumunot ang noo nito.

"What is that?"

Turo nito sa litrato nila. Nandon pa rin ang paningin nito.

"My family" sagot niya.

Hindi niya naman ito maintindihan kung bakit bigla itong naging ganito ang reaksiyon. Ano ba ang mayron sa litrato nila? May problema ba ito?

Alam naman nito na sa simula palang sila na talaga ni Hanna.
Kumuyom ang kamao nito at bigla nalang umalis sa harap niya.
Nagtaka naman siya sa inasta nito. Umiling nalang siya sa kawalan at bumalik sa trabaho.

******

Matapos ang limang minuto natapos na rin ang meeting nina Hanna.

Sabay na lumabas sila ng restaurant ni Caleb. Sakto naman papasok na siya ng sasakyan ni Caleb nang may umalingawngaw na putok ng baril.

Naramdaman niya ang pag-agos ng mainit na likido sa kaliwang balikat niya at ang sumunod na nangyari ay hindi na niya nalaman.

*******

Palabas na si Kian sa Building nang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang caller. Si Caleb.

Agad niyang sinagot ang tawag.

"What?"

"San Jose Hospital." pagkasabi non agad din nitong pinatay ang linya.

"Bakit naman nito pinatay bigla ang linya? At saka ano naman sa San Jose Hospital? May meeting sila ni Hanna kay Mr.-" napahinto siya nang maalala na kasama nito ang asawa niya. May nangyari kaya kay Hanna?

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now