CHAPTER 13

219 8 0
                                    

CHAPTER 13

Nagising si Hanna sa malambot na bagay na dumadampi sa balikat niya. Nagmulat siya at nakita si Kian na panay ang halik sa balikat niya.

"Hey" mahinang  usal niya.

"Bumangon na tayo, madami kang ipapaliwanag sa akin."

Ngumiti siya rito at isiniksik ang sarili sa dibdib ni Kian.

Hindi niya namalayang nakatulog ulit siya sa mga bisig nito.

Pagkagising niya ulit, maliwanag na sa labas at wala na sa tabi niya si Kian. Bumangon siya sa higaan at nagtungo sa banyo to do her daily routine.

Nang matapos siya agad niyang hinanap ang asawa. Paglabas niya ng kuwarto naamoy niya ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. It must be her husband.

Nagtungo siya ng kusina at nakita niya si Kian na abala sa pagluluto. Ngumiti siya at lumapit rito. Yumakap siya rito mula sa likod.

"Good Morning." bati niya rito.

"Are you hungry?"

Tumango siya. Lumingon naman si Kian sa kaniya at hinapit sa beywang. Bumaba ang mukha nito sa kaniya. Bago pa lumapat ang labi ni Kian sa labi niya nang may kumatok.

Napalingon kaming dalawa sa pinto ng kusina. They saw Caleb.

"Ang aga pa lampungan na agad. Mom wants to have breakfast with you."

"Panira ka talaga ng moment Caleb" usal naman ni Kian.

"Whatever. Dalian niyo kanina pa siya naghihintay." sabi ni Caleb bago umalis.

Pagkaalis ni Caleb, bigla siyang sinunggaban ng halik ni Kian na tinugon naman niya.

"That's enough" sabag kalas kay Kian.

"One more please."

"Mom is waiting for us."

"They can wait."

"No."

"Fine."

Ngumiti siya and give him a smack.

"Lets go."

Nakaakbay si Kian nang umalis sila.
Pagdating nila don, nakahanda na ang mga pagkain at sila na lang ang hinihintay.

"They're here" masayang sabi ni Mommy, which is Kian's Mom.

Walang humpay ang kuwentuhan habang kumakain.

"How did this happened?" tanong ni Kian.

"Hindi ka ba nagtaka? Limitado ang naging bisita natin at naging pribado pa. Pinagmukha namin na si Caleb ang ipapakasal natin kay Hanna para maprotektahan siya. They will kill Hanna kung malaman nila na kayo ang naikasal." paliwanag ng ina ni Kian.

"So this is the plan you're talking about?" tanong ni Kian.

"Yeah. So pls. Cooperate."

"Fine."

"One more thing. Pagbalik natin sa Maynila, si Caleb ang kikilalaning asawa ni Hanna."

"What!" gulat na tanong ni Kian.

"This is the plan Kian." usal naman ng ama ni Kian.

"Kung ganon bawal kaming magsama ni Hanna?"

"Pwede naman pero patago. Pag sa labas dapat si Caleb ang kasama niya dahil yun ang alam nila."

Hinawakan niya ang kamay ni Kian na nasa ilalim ng mesa. Pinisil niya ito na sinasabi na magiging okay din ang lahat.
Ngumiti siya sa asawa. He mouthed 'thank you' to her. Tumango naman siya.

Pagkatapos ng breakfast nagtungo siya sa dalampasigan. Pinagmasdan ang asul na dagat.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Inagaw mo na nga ang pwesto ko sa pagiging top sa klase pati ba naman si Kian?!" sigaw sa kaniya ni Mia.

Umiling naman siya rito. Takot ang lahat ng estudyante sa kaniya. Pag aari kasi nila ang University kung saan siya nag aaral. She's a bully kaya ilag ang lahat ng tao sa kaniya plus anak siya ng isang senador. Maraming koneksiyon at spoiled brat ito.

"Wala akong inaagaw" sabi niya.

Tumawa ito ng pagak at tinaasan ng kilay.

"Playing innocent. Huh."

"Wala talaga Mia."

"You're flirting with my boyfriend. Akala mo hindi ko malalaman?"

Umiling siya at naluluha na.

"I'll be watching you."

Umalis ito sa harapan niya at naiwan siyang halos lumabas ang puso dahil sa kaba.

Ilang araw ang nakalipas na hindi na ito nagparamdam pero nagkamali siya dahil sa araw na linapitan siya ni Kian at kinausap, pagkaalis lang nito bigla nalang sumulpot si Mia sa harapan niya.
Bigla siya nitong sinampal at umiyak.

"You! This is your fault!" sigaw nito.

"Bakit?"

"He broke up with me and this is because of you!"

Nagulat siya sa sinabj nito. Kinausap siya ni Kian kanina. Sinabi nitong gusto siya nito pero tumanggi siya dahil alam niyang girlfriend nito si Mia. Pero sinabi ni Kian na wala silang relasyon. Pero hindi parin siya pumayag.

"Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya. TANDAAN MO YAN!"

Ang mga katagang yun ang hindi niya nakalimutan galing kay Mia. Nagkita na sila bago ang kasal.

"Long time no see."

Nagulat siya nang makita niya ito sa mall. Halos hindi niya ito makilala dahil sa taglay na kagandahan nito.

"Mia"

"Glad hindi mo ako nakalimutan. How are you?"

"Ayos lang."

"Bumalik ako rito sa Pilipinas para maningil sa mga taong may utang sa akin." nakangiting sabi nito.

"Hope you remember what I've said before. Ikakasal kana pala? Mabuti nalang at hindi si Kian dahil kapag siya.........Alam mo na ang mangyayari sayo and to your daughter."

Ngumiti ito bago umalis. Pinagmasdan niya ito. May mga bodyguard itong nakasunod.

Pumikit siya at pilit na kinalimutan ang pangyayari na yun. Kian doesn't know about this. She knows that behind of all this mess is because of her. Siya ang tanging nakakaalam na sa likod ng lahat ng mga treats na natatanggap niya ay si Mia. Walang alam ang mga magulang niya at magulang ni Kian.

Siya ang aayos sa problemang to. Kahit kapalit pa ang buhay niya mailigtas lang ang anak niya.

Naramdaman ang ang dalawang kamay na yumakap sa kaniya mula sa likod. Hindi na niya kailangang lumingon dahil amoy palang kilala na niya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

"Why are you here?" he asked.

"I just want to relax."

Humalik ito sa leeg niya. Napapikit siya sa kiliting naramdaman.

"I love you" bulong nito.

Ngumiti siya at tumingin sa karagatan.

"I love you too."

_____________________

Oopppssss!!!!!

Kalma lang guys...

Kaloka....ang haba na ng story na to....
Hi pala kay
Dionesol Acquiat
Matagal tagal pa ito bago matapos siguro mga next year na...
😂😂😂😂😂😂😂😂

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now