CHAPTER 18

205 5 0
                                    


Nagluluto si Hanna habang naka alalay si Nay Faye sa kaniya. Nagpresenta kasi siya para ipagluto ang asawa bago pumasok sa trabaho. Hindi na niya nagagawa ang mga bagay na it dahil pinapagalitan siya ng asawa at ni Nay Faye. Dahilan nila palagi dahil buntis daw siya at baka mapano ang baby.

"Anak, ako na diyan at baka maabutan ka ng asawa mo rito." usal ni Nay Faye.

"Anu ka ba Nay, hindi ako bata para pagalitaa ni Kian. Ako bahala sa asawa ko Nay. Trust me." kinindatan pa niya ito bago ipinagpatuloy ang pagluluto.

Maya maya narinig niya ang tawanan sa living room. Gising na ata ang anak niya at si Cali.

"Nay, kayo po muna rito titingnan ko lang yung mga bata."

Tumango naman ang matanda saka siya umalis at tinungo ang dalawa. Nadatnan niya ito na nanunuod ng TV kasama nito ang Nanny nila.

"Maaga pa, TV agad?" bungad niya rito. Lumingon and dalawa at nginitian lang siya ng dalawa.

"Sorry Ma'am, mapilit po kasi tong dalawa." hinging paumanhin ng katulong.

"Okay lang yan." saka tinungo ang dalawa sa mahabang sofa at tumabi.

"Breakfast muna kayo bago manuod."

"Pero matatapos na." ani ni Annah.

"Pwede mo na mang ulitin mamaya."

"Ayoko sa laptop manuod gusto ko sa TV."

"Annah." may pagbabanta na sabi niya.

Napalabi naman ito bago tumayo at nagtungo sa kitchen. That's my girl. Napangiti siya sa inasta ng anak. Sumunod na rin si Cali.

Pinaghanda niya ang dalawa ng breakfast. Tumingin siya sa anak, nakasimangot pa rin ito at hindi masyado ginagalaw ang pagkain.

"Annah, kapag nakita ka ng Daddy mo na ganyan itsura mo talagang masasabon ka."

Tumingin muna ito sa kaniya at sinimulang kumain ng maayos. Pinagmasdan nalang niya ang dalawa habang kumakain.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng dalawang kamay sa bewang niya at ang pagsiksik ng ulo ng asawa niya sa leeg niya. Yumakap ito mula sa likod niya. Napangiti siya ng maramdamang humalik ito sa leeg niya.

"Good morning." mahinang bati nito.

"Good morning. Breakfast kana."

Kumalas ito sa yakap at pinaharap siya.

"Bakit ang aga mo nagising?"

"Ipinagluto kita."

Kumunot ang noo nito.

"Nagluto ka? Hanna, how many times do I have to tell you that- "

"I know. I just want to cook. Nag ingat naman ako at nandiyan naman si Nay Faye para alalayan ako."

"Han, makinig ka nalang kasi sa akin. At dahil sa ginawa mo ngayon you have to go with me."

"What? Anu naman ang gagawin ko don?"

"Bahala ka kung ano gusto mong gawin."

"But-"

"No buts." pinal na sabi nito bago umupo at     kumain.

Napabuntong hininga nalang siya saka umupo na rin at nagsimulang kumain.

Maagang nakauwi sila galing sa trabaho ni Kian. Si Cali at Annah sinama ni Caleb sa bahay ng parents ng lola nila. Dumeretso nalang siya siya sa kuwarto upang makapag pahinga.

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now