CHAPTER 21

187 7 0
                                    


TAHIMIK si Hanna sa tabi ni Kian sa sasakyan. Maya't maya binabalingan niya ito. Nagtataka naman siya sa biglaan nitong pagiging tahimik. Hindi siya sanay. Mula ng umuwi ito ng bahay kahapon naging ganito na ito. He tried to talk to her yesterday pero hindi na niya ito itinuloy. Alam niyang may nangyari kahapon na sa kutob niya ay hindi maganda.

Papunta sila ngayon sa Hospital kung nasaan si Bella. Masyadong napaaga sila dahil sa kagustuhan na rin ni Hanna.

"Where is Sabrina?"

Bigla siyang napapreno sa tanong nito.

"Ang akala ko hindi niyo siya gagawan ng masama. Your cousin kidnapped her. Isa ka ba don? Alam mo ba iyon? Yung nangyari sa bahay non, matapos niyo siyang kaladkarin papasok sa van saan niyo siya dinala at ano ang ginawa niyo sa kaniya?" maluha luha nitong wika.

Sa hitsura ngayon ni Hanna, alam niyang nasasaktan ito dahil kaibigan nito si Sabrina pero ang ipinagtataka niya. Saan nito nalaman ang tungkol sa bagay na ito?

"Anong ginawa ni Andrei kay Sabrina? Bakit siya nasa Hospital?"

Mas lalo siyang nagulat sa mga sinabi nito. Ang mga nangyari sa isla ay walang ibang nakakaalam kundi sila lamang tatlo. Maliban nalang kina Manang Lourdes at kay Shiela.

"Saan mo yan nalaman?" tanong niya.

"Is that important? Sagutin mo nalang ang tanong ko."

Pinatakbo niya muli ang kotse saka inihinto sa tabi ng daan. Mabuti nalang at wala pang masyadong sasakyan.

"Why can't you answer my questions?"

"Malalaman mo ang lahat pag nakarating na tayo sa Hospital." aniya.

"Ano pa ba ang hindi ko alam?" galit na tanong nito.

Mas binilisan niya pa ang takbo ng sasakyan. Kailangan niyang makarating sa Hospital para malaman na nito ang totoo.

"KIAN!" sigaw nito.

"Just shut up, okay. Sabrina is fine. Walang nangyari sa kaniya." sagot niya.

"Saang Hospital niyo dinala si Sabrina?"

"Papunta tayo ngayon don kaya umupo kalang. Bakit ka ba nagagalit sa akin? Ay oo nga pala buntis ka."

"Shut up." umirap ito saka tumingin sa labas.

Hindi na ito nagsalita pa kaya tahimik silang nakarating sa Hospital. Pinagbuksan niya ito. Umirap pa ito saka nagpatiuna papasok sa loob. Umiling nalang siya sa inasta ng asawa. Ang hirap talaga basahin pag buntis.

Nakarating sila sa room ni Bella. Pagbukas niya pumasok agad ang asawa niya. Nakita niya rin si Andrei na nasa gilid ng kama natutulog.

"Sabrina." mahinang usal nito.

Tumingin siya sa asawa na ngayon ay nakatingin kay Bella. Lumingon ito sa kaniya. Nagtataka ang mga nito.

"Bakit?" he asked.

"Akala ko ba pupunta tayo kay Bella?" she said.

"Ito ang gusto kong sabihin sayo. Hindi si Sabrina yan kundi si Bella."

Nanlaki ang mga mata nito.

"How?"

"Steven. Ginawa ito ni Steven."

"Then, where is Sabrina?"

"We don't know."

"Oh my gosh."

"Hintayin nalang natin dito sina Alexis."

Tumango ito saka muling ibinalik ang paningin kay Bella.

"Kaya pala nandyan yang si Andrei."

"Upo tayo rito. Huwag kang maingay dahil tulog pa yung dalawa."

Nagtungo naman sila sa sofa at naupo. Ilang minuto ang lumipas nang bumukas muli ang pinto at pumasok ron sina Alexis at Luke. Dumeretso ang dalawa sa kanila at umupo.

"Ang aga." wika ni Alexis.

"Hindi ko mapigilan eh." turo niya sa asawa.

Magkaharap na ngayon sina Hanna at Lara.

"Tingnan mo nga naman ang lalaking yun. Hindi na lang tumabi kay Sabrina."

Napatingin siya sa dalawang natutulog.

"Mapapatay yan kay Sabrina pag ginawa niya yun." aniya.

"Sana nga lang si Bella yan." usal ni Alexis.

Napatango siya. Lahat sila yun ang gusto. Na sana ang babaeng nasa harap nila ay si Bella. Kawawa naman kasi ng kaibigan nila.

"Kailangan na talaga nating mahuli yang si Steven." aniya.

"Hindi natin basta basta maipapakulong ang hayop na yun. May tao siya sa loob kaya mahirap." Alexis.

"Mapapatay ko talaga siya pag nakita ko siya."

"Bantayan mo si Hanna."

"Yeah. I should."



_________________

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now