CHAPTER 19

172 5 0
                                    





KASABAY ng malakas na putok ng baril ang pagtawag sa pangalan niya. Iminulat niya ang mga mata. Nakita niya si Luke na papalapit na sa kaniya. Nakabulagta na ang lalaki na kasama ni Levi at si Levi naman ay nasa sahig din may tama ng baril sa balikat.

"Pinadala ako ni Kian rito. Ayos kalang ba?"

Tumango siya. Tumingin muli siya kay Levi saka nilapitan.

"Sa susunod na tangkain mo pa ang buhay ko hindi na ako magdadalawang isip na tapusin ang buhay mo. Hindi mo ako kilala Levi kaya wag kang papasiguro."

Tiningnan siya nito ng masama. Pero hindi na niya ito pinansin. Agad siyang sumakay sa kotse papunta kay Lara.

Nakarating naman siya sa Hospital. Pagpasok niya sa kuwarto sakto namang gising ito.

"Lara."

Ngumiti ito sa kaniya. Lumapit siya sa gilid ng hospital bed.

"Hanna." sambit nito sa pangalan niya. Tumulo sa mga mata nito ang butil ng luha. Hinawakan niya ito sa kamay at nagtatakang tiningnan.

"Hindi ko nailigtas si Bella."

Sunod sunod na tumulo ang luha nito. Kung ganon nakakaalala  na ito.

"Tahan na, hindi mo kasalanan ang nangyari. Walang may kasalanan sa nangyari. Magiging maayos din ang lahat."

"Nasaan na pala si Bella? Bakit hindi pa siya nahahanap?"

"Hindi ko rin alam pero kanina sa bahay napag usapan nila Kian ang tungkol kay Sabrina, Bella at Steven. Ano na ba ang nangyayari? Sinabi pa nila na asawa ni Steven si Sabrina." aniya.

Tumingin sa kaniya si Lara. Humihingi ng sorry ang mga mata niya. May hindi ba ako alam?

"She is, actually." mahinang sabi nito.

What? Pero bakit? Ano ba talaga ang nangyayari? Si Steven na asawa ni Sabrina ay naging fiance ni Bella. Naguguluhan man hindi na siya nagtanong pa. Alam niyang malalaman din niya ang lahat ng katotohanan.

"Mauna na ako. Mmay pupuntahan pa kasi ako."

Ngumiti muna ito at tumango. Hinawakan niya ito sa kamay at pinisil bago lumabas sa silid nito. Agad siyang nagtungo sa kotse niya at pinaharurot ito.

Napadaan siya sa isang Ice cream parlor. Kumunot ang noo niya. Familiar kasi sa kaniya ang parlor na to.

Pumasok siya at agad na nagpunta sa ibat ibang klase na flavor ng ice cream. Vanilla.

"It's you!"

Napalingon siya nang may magsalita sa likod niya. Nakangiting Steven ang nalingonan niya. Ngumiti siya rito. Kaya pala familiar ang ice cream parlor na to dahil isa rin ata ito sa pagmamay ari nito.

"Hi." ngiting bati nito.

Gumanti naman siya ng ngiti. "Sayo din ito?"

Tumango ito. Ang yaman naman nito. Pero syempre mas mayaman ata ang asawa niya.

"Pili kalang. Libre na."

Agad siyang umiling. Baka naman malugi ang negosyo nito kung palagi siya nitong ililibre.

"No. Magbabayad ako."

"That's okay."

"No."

"Ayaw mo ba libre ka dito?"

"Let me pay please."

He chuckled and stared at me. Na concious naman siya sa titig nito. Ibinalik nalang niya ang tingin sa ice cream saka pumili. Ngumiti muna siya rito bago nagtungo sa counter. Sakto namang tumunog ang celphone niya. Sinagot niya ito nang makita niyang ang asawa niya ang tumatawag.

"Hello."

"Where are you?"

De ja vu. Bakit ba palaging tumatawag ito pag nandito ako sa ice cream parlor?

"Ice cream parlor."

"Bumalik ka na dito may pupuntahan tayo."

Napatingin siya sa cellphone niya nang nawala na ito sa linya. Minsan talaga hindi niya mabasa ang asawa.

"Is there a problem?"

Napatingin siya kay Steven. Saka umiling. "Wala. Alis na ako."

Tumango ito. Kumaway pa ito bago siya makalabas ng parlor. Napabuga siya ng hangin nang makapasok siya sa sasakyan niya.

She composed herself before she drived. His intimidating. Natatakot siya. Alam niya ang ganong tao. Maraming mga sekreto sa buhay. Siguro ito na ang huli niyang pagpunta sa ice cream parlor at hindi na siya uulit.

Naging madali naman ang biyahe niya.

"Where have you been?"

"I told you I was in the ice cream parlor."

"She's in the Hospital."

Nangunot ang noo niya. "Who?"

"Bella."

Ang kaninang pagod na katawan dahil sa nangyari ay biglang nawala when she heard that name. Sa dami ng nangyari kanina hindi niya nga alam kung alam nito na muntik na siyang patayin ni Levi.

"How is she?"

"She's fine may nangyari lang na hindi maganda. Pupunta tayo bukas sa Hospital tumawag si Andrei."

"So, hindi na tayo pupunta ngayon?"

Tumango ito saka lumapit sa kaniya. Hindi niya inalis ang mga mata sa titig nito. Hinapit siya nito saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"May nangyari bang hindi maganda?"

Paano niya to sasabihin sa asawa? Ayaw na niyang mag-alala pa ito. Sa dami ng problema na dumarating sa kanila ayaw na niyang dumagdag. Hindi nito alam na palagi siyang pinagbabantaan ni Levi. Ngumiti nalang siya rito saka umiling.

"Good."

"Kian, sino ba talaga si Steven Ferra? Kapatid ba talaga siya ni Sabrina o asawa?"

Tumingin ito sa kaniya at saka iginaya siya paupo sa sofa.

"Yes. Sabrina is Steven's wife. Kilala mo sila?"

"Si Sabrina lang. I don't know who's her brother. I just know his name but his face." umiling siya.

"Are you sure?"

Tumingin siya rito ng nagtataka. Ang mga mata nito sinasabing 'sigurado ka bang hindi mo siya kilala?'. Naguguluhan siya. Nakilala na ba niya ito ng personal? Nakita na ba niya ito?

"Why are you looking at me like that?"

"Nevermind."


_____________

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now