CHAPTER 24

185 5 0
                                    




PAPUNTA na si Kian sa lugar kung saan dinala ni Levi ang anak niya. Nakompirma nilang si Levi ang kumuha nito dahil sa nakunan ito ng CCT sa mall. They tracked Annah. Buti nalang alam ata ng anak niya kaya natrack nila ito.

Nakasunod na rin sa kaniya ang mga pinsan niya. May dala din silang mga pulis. Hindi na niya tinawagan ang asawa dahil sa magaalala lang ito sa kaniya. Baka makasama pa sa ipinagbubuntis nito.

Tumawag na kanina si Nay Fe at sinabing ayos lang ang asawa niya. Nagpapahinga nalang ito.

Tumunog ang cellphone niya. Tumambad don ang pangalan ni Alexis. Sinagot niya agad ito.

"What?"

"May problema tayo."

"Ano yun?"

"Si Hanna."

Bigla siyang kinabahan nang banggitin nito ang pangalan ng asawa niya.

"Anong nangyari?"

"Nawawala si Hanna. Tumawag sa akin si Manang Fe. Nagkakagulo na sa bahay niyo. Wala silang nahanap na Hanna. Pero nawawala ang isang kotse mo. So, I think tumakas siya."

"Shit."

"I'll track her." Alexis.

"Tawagan mo ako uli pag natrack mo na."

"Okay."

Agad nitong ibinaba ang linya saka niya dinial ang numero ni Hanna. Pero ring lang ito ng ring. He cursed. Sobra na ang takot na nararamdaman niya. Binilisan niya ang pagpapatakbo.

Kung kailan maayos na ang pamilya niya saka naman nagsidatingan ang mga malalaking problema.  Malakas ang tibok ng puso niya. May hinuha siyang papunta si Hanna sa lugar kung saan siya patungo ngayon. Sobra na nga ang takot niya sa anak niya ngayon naman dumagdag pa ang ang asawa niya. Pero hindi niya magawang magalit rito alam naman niya na ginagawa lang nito ang bagay na yun para mailigtas ang anak nila.

Muli, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon when he saw Alexis' name.

"Where is she?"

"Dude, bad news. She's already there." sagot nito.

"What do you mean?"

"Nandon na siya sa lugar kung saan tayo pupunta. Kay Levi."

"Shit! Fucking shit!" mura niya.

"Let's move fast." sabi nito.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela saka pinagarurot ang sasakyan. Hindi na siya makapaghintay. Gusti na niyang makarating don at kunin ang mag-ina niya. Kung may mangyayari mang masama sa mag-ina niya hindi niya mapapatawad ang sarili niya.








KAHARAP ni Hanna ngayon si Levi. Nasa isang lumang building sila. Nakangisi pa ito nang makarating siya sa lugar na iyon.

"Nice to see you here. Mabuti naman at tinupad mo ang sinabi ko." ngiting sabi nito.

"Where's my daughter?" inis niyang tanong.

"Chill. Relax lang. Huwag kang magmadali. Dadating din tayo don."

"Ano ba ang gusto mo?" may pagkamalakas ang boses niya.

Tumawa ito na sobra niyang ikinainis. Baliw na nga ito.

"Seryoso ka ba don, Hanna? You're asking me that question when you know already the answer. You know that I want Kian. And I want you out of ourlives."

She's totally crazy. Alam naman nito na sa simula palang hindi na siya gusto ni Kian. And she's here keeps insisting herself to the man who doesn't feel the same thing. How pitiful.

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now