CHAPTER 6

275 5 0
                                    

CHAPTER 6

Humigpit ang pagkakahawak ni Kian sa bakal. Nasa balcony siya para lumanghap ng hangin pero iba ang naabutan niya. Kitang kita niya kung paano yakapin ni Caleb si Hanna.

Mula ng malaman niya na si Caleb talaga ang biological father ni Cali para siyang binagsakan ng langit at lupa. Ang lahat ng plano niyang pagbawi kay Hanna ay hindi na naituloy.

"Bakit sa kapatid ko pa, Hanna?"

Dalawang minuto ang lumipas pero hindi parin naghihiwalay mula sa pagkakayakap ng dalawa kaya pumasok nalang siya loob ng kuwaŕto. Tulog na tulog sa kama si Levi kaya lumabas siya at nagtungo sa guestroom. Pinatay niya ang ilaw saka humiga sa kama.

Nagising siya  na parang may mabigat sa kaniyang beywang. Nagmulat siya ng mga mata at laking gulat niya nang makita si Hanna na mahimbing na natutulog at nakayakap sa kaniya.

"I miss you, Han" sabay haplos niya sa pisngi nito at inayos ang buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha.

Gumalaw ito kaya nabitin ang kamay niya sa ere sa tangkang paghaplos sa buhok nito. Mas lalo itong  yumakap sa kaniya at nagsumiksik sa dibdib niya.

Sinipat niya ang alarm clock. Alas dos pa lang ng umaga.

"Kian"

Napatingin siya sa dalaga ngunit nakapikit ito.

"Are you dreaming of me baby?"

Napangiti siya at napatingin sa labi nito.

"Just one kiss, Hanna."

At hinalikan  nga niya ito. Ngunit ang isang halik  ay napunta sa malalim na halik. Hindi napigilan ni Kian ang sarili. Maya't maya naramdaman niya na tumutugon na ng halik si Hanna. He groaned and move to the top of Hanna. His hands wandered around Hanna's body while kissing her hungrily.

Hanna moaned when he kiss her neck and he put his hands under her shirt. When he feel the heat he suddenly stop what his doing.

"Shit" he cursed.

Agad siyang napabangon. Kumilos si Hanna at yumakap sa unang ginamit niya. Agad siyang lumabas ng guestroom at bumuntong hininga.

"Damn those lips" mahinang mura niya.
Bumaba siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng alak at uminom.

***

Alas seis na ng magising si Hanna. She groaned and pulled the blanket over her head. Masakit ang ulo niya dahil sa kakaiyak last night.

"Kainis! Nag momove on na nga ako dumagdag pa ang panaginip ko last night. But its just like real. His kisses and touches, I feel it."

"Ahhh!" sigaw niya sabay gulo ng buhok.

"Am  I crazy?"

Napailing nalang siya at bumangon. Nagtungo sa banyo and do her morning routine.

Pagkababa niya naabutan niya si Cali na naglalaro sa sala. Lumapit siya rito.

"Hi baby. Where is your Daddy?"

"Work"

"What about your Nanny?"

"Kit-chen"

"Did you already eat breakfast?"

Umiling ito.
"Mama carry me"

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now