CHAPTER 5

290 7 0
                                    

CHAPTER 5

     Nag aayos si Hanna ng mga gamit sa desk niya nang bumukas ang pinto.

"Hi Hanna" bati ni Caleb.
Hindi nagtagal pumasok ang secretary niya na humahangos.

"Sorry Ma'am, pumasok nalang bigla ang kulit kasi sinabi ng ayaw mong mais-"

"Okay lang, Che. You can go" putol niya sa sekretarya niya. Agad naman itong umalis.

"What are you doing here?" agad na tanong niya.

"Bakit umalis ka agad? Hindi mo naman lang hinintay na magising si Cali. Ayun iyak ng iyak at hinahanap ka" wika nito.

"Oh tapos?"

"Hanna naman, kailangan ka ni Cali. Kailangan ka ng anak ko. Ikaw ang Mommy niya. Napag-usapan na natin to diba? And you agreed about it."

"Oo na. Pupunta na ako."

"Sure ka?"

Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit.

"Siguradong matutuwa ang anak natin. I hired a Nanny for Cali, is that okay?"
Bumaling siya rito.

"Why are you asking me that? Whatever you want to do for Cali I'm always here to support you. Afterall, he is my baby."

"I'm just asking baka ayaw mo"

"No. I like it para kapag may trabaho tayong dalawa may nag aalaga kay Cali."

"Bilisan mo na. Sabay na tayo pumunta sa bahay"

Binilisan niya naman ang ginagawa. Pagkatapos agad silang umalis. Dumaan muna sila sa isang Cake Shop at bumili para kay Cali. Cali loves cake. It is his favorite, especially the chocolate one. Ini-spoil kasi ng Mommy niya sa mga sweet kaya ganyan ang nangyari. But she never forget to visit his dentist.
Ang akala niya hindi na siya makakabalik sa bahay na yun pero nagkamali siya.

Nandon si Cali at hindi maiiwasang hindi ito maghanap sa kaniya. At may usapan sila ni Caleb. Plano na niyang iwasan si Kian but the thing is her baby is there. Ayaw naman ni Caleb na pumunta na sa Condo niya dahil walang mag aalaga sa bata. Saka ayaw na nito sa Condo nito. Magbabago na daw ito para sa anak. Ayaw nito na lumaki ang bata sa hindi maayos na bahay. Gusto nito tumira si Cali Yung makikilala talaga nitong tahanan. So no choice siya magtatagpo't magtatagpo sila ni Kian.

"Hanna, nandito na tayo. Siguradong matutuwa si Cali nito." wika nito bago lumabas ng sasakyan. Sumunod naman siya.

Paglapat ng paa niya sa loob ng bahay agad na bumaha ang kaba sa dibdib niya. Pagdating nila sa sala agad niyang nakita si Cali na naglalaro together with his Nanny. Napangiti siya sa tanawin. Masaya si Cali rito at ito ang pamilya niya.
Umangat ang tingin nito sa akin. Agad itong ngumiti.

"Ma-ma" sigaw nito at tumakbo papunta sa kaniya. Agad niya itong sinalubong ng yakap at binuhat.

"I'm play-ing Ma-ma" ngiting usal nito.

"Really? How's my baby?"

"Fine"

"Where's my kiss?"

Agad naman itong humalik sa pisngi niya. Sinundan pa ng tatlo. Natatawang umupo siya sa sofa at iniupo niya ito sa mga hita niya. Cali looked at her like he is examining her. Nangunot naman ang noo niya. Then the next he did is, he pinched my cheeks.

"Why did you do that?" tanong niya sa bata.

"You look thin"

Napatawa siya sa inusal ng bata.

"Lunch tayo" sigaw ni Caleb mula sa kitchen.

"Let's go Mama. You have to eat a lot of foods. You look so thin."

Napailing nalang siya at nagpatianud sa paghila sa kaniya ni Cali papunta sa kitchen.

Pinagmasdan niya lamang si Cali habang kumakain. May pagkakataon pa na sinusubuan siya ni Cali.

Nasa desert na sila nang makarinig sila ng tawanan.
Napabaling sila sa pinto. Nakita niya si Kian at isang babae na mahigpit ang pagkakakapit sa braso nito. May kirot siyang naramdaman sa dibdib.

Sumikip ang dibdib niya at nag init ang mga mata. They look so happy. The kiss that night is nothing because he has already a girlfriend.

"Oh, may  bisita pala ang kapatid mo" maarteng usal ng babae.

"Bakit? Hindi naman ata tayo makakaistorbo sa kanila?" nakatitig si Kian sa kaniya nang sabihin iyon.

"Of course not Kuya." agad namang sagot ni Caleb.

Umiwas siya ng tingin. Itinuon nalang niya ang atensiyon kay Cali na kumakain at walang pakialam sa paligid.

"Akyat na tayo?" rinig niya pa na sabi ni Kian sa babae.

He's in love with another woman now.  Syempre matagal na panahon ang nag daan. Wala na siyang nararamdaman para sa akin.

"Uhm, labas muna ako tawagan ko lang si Mommy" sabi niya.

Tumango naman si Caleb at agad siyang lumabas. Tumulo ang luha na kanina pa niya nilalabanan na hindi tumulo sa harap ni Caleb.

"Just forget him, Hanna" usal niya sa sarili. Tumingin siya sa taas para hindi na maglaglagan ang luha niya sabay punas.

"You are my brother's ex girlfriend?"

Agad siyang napalingon nang marinig ang boses ni Caleb. Nasa hamba ito ng pintuan at mataman siyang pinagmamasdan.

"What are talking about? I just talked to my Mother may problema lang."

"Sinundan kita kanina pa ako rito and I'm sorry for that."

"You heard it right?"

Tumango naman ito. "Don't worry Hanna. She's one of my brother's fling. Hindi siya seryoso don."

"Sinubukan ko namang kalimutan ang kapatid mo pero hindi ko nagawa. Caleb, I still love him."

"Sshhh" agad siya nitong yinakap.

***

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now