CHAPTER 11

250 8 0
                                    

CHAPTER 11

Matamang pinagmamasdan ni Hanna si Kian at si Annah sa harap niya. Nasa sala silang tatlo. Nakaupo ang dalawa sa mahabang sofa at siya naman sa pang isahang sofa.

Malaki ang ngiti sa mga labi ni Annah habang panay ang kuwento ni Kian. Nagigulity siya na itinago niya ang bata sa ama nito.

Halos hindi niya na rin maalagaan ang sarili niyang anak dahil sa paghahanap sa ama ni Cali. And now, gusto niyang bumawi sa anak. Pero ang problema...alam na ni Kian and she knows Kian. Hindi siya nito titigilan.

"Mommy, you're spacing out."

Napa ayos siya ng upo nang marinig ang matinis na boses ng anak niya.

"Are you okay, Mommy?"

"Yeah" sabay tango.

"Ano na naman ang iniisip?"

She looked at Kian.
"Gabi na. Umuwi ka na. Come baby.  Time to sleep na."

Inabot niya ang kamay ng anak at hinila papunta sa kaniya. Pero kumapit ang anak sa damit ni Kian.

"Annah!"

May pagbabanta niyang sabi sa anak.
Lumabi ito at yumakap sa ama.

"I don't want to, Mommy"

Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa dalawa. Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay na nakakapit sa leeg  ni Kian at hinila.

"Annah. Its getting late na. Uuwi pa siya." pamimilit niya sa anak.

"Don't worry baby, babalik si Daddy. Okay?"

Tumingin ang bata kay Kian at dahan-dahang tumango.

"Go to bed na."

Ngumiti pa ito at ginulo ang buhok.
Tinawag niya ang yaya ni Annah at pina akyat na ito sa kuwarto.

Ngayon sila nalang dalawa ni Kian sa sala. Nasa kaniya kaniyang mga silid na rin kasi ang mga tao sa bahay na ito. 10:00 pm na kasi kaya sila nalang ang gising.

"Susunduin ko kayo bukas. Pack your things and Annnah's too. Sa condo muna tayo."

"Ayoko."

"Hindi mo ako mapipigilan sa kahit anong gusto kong gawin Hanna. What Kian wants, Kian gets."

"Not everything."

"Let see about that."

He winked at me before he left.
Napabuntong hininga siya at napaupo uli.

"I'm doomed."

***

"I won't allow you!" sigaw ni Kian sa ina. Ipinagpipilitan na naman kasi   sa kaniya na sa kapatid  niya maikakasal si  Hanna.
"Hindi mo maintindihan-"

"I don't care. Hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari."

Now that he has a child with Hanna, hindi siya makakapayag sa gusto nilang mangyari.

Hanna is his. Only his. Gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasalan. No one is allowed to take what is his.

"Kian, this is for Cali-"

"And what about Annah, my child? Mawawalan siya ng ina. At ayokong mangyari ang bagay na yun."

"Mapapahamak ang mag ina mo kapag ipinagpilitan mo ang gusto mo. Gusto mo ba yun?"

"What are you talking about?"

"There is someone who wants to kill Hanna, kapag ikaw ang pinakasalan niya."
"And who's this?"

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now