CHAPTER 23

180 4 0
                                    

"ANNAH, huwag kang lalayo sa akin." aniya sa anak.

Nasa mall sila. Walang pasok ngayon ang anak niya kaya ipinasyal muna niya ito. Kasama nila ang lima sa mga tauhan ni Kian. Ipinilit pa nito kahit ayaw naman niya. May trabaho si Kian na hindi pwede ipagpaliban kaya ngayon maraming bodyguard na nakasunod sa kanila.

Pagpasok palang nila marami na ang nakatingin sa kanila. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa dahil sa kagustuhan rin ng asawa niya. Marami na ring threat ang natatanggap niya pero alam niyang galing ito sa isang tao. Si Levi.

"Mommy, I want that stuff toy." turo nito sa isang bear.

"Okay."

Masayang yinakap ni Annah ang bear nang maibigay na ito sa kanila. Ibinili niya pa ito ng mga damit na nagustuhan nito.

"CR lang si Mommy. Dito ka lang sa bodyguard mo, okay?"

Tumango ito. Nagtungo naman siya sa CR. Walang tao nang pumasok siya. Mabilis na pumasok siya sa isang pinto.

She heard the door opened then closed. Nagmadali siya. Nang makalabas siya gulat na napatingin siya kay Levi na ngayon ay nag-aayos ng make up. Tiningnan siya nito sa salamin.

Lumapit siya sa sink saka naghugas ng kamay. Walang umiimik.

"It's nice to see you here." Levi said.

She looked at her in the mirror. Nakangiti ito sa kaniya.

"Be careful. Baka sa susunod ang cute na bata na ito ang isunod ko." sabay lapag ng picture. Tiningnan niya ito nang makaalis sa restroom.

Saka lang niya binalingan ang larawan. Kumabog ng puso niya nang makita ang anak niya sa larawan. Dali dali siyang lumabas ng restroom at pinuntahan kung saan niya ito iniwan. Pero wala na siyang naabutan.

Kinabahan na siya. Tumulo na ang luha niya. Nagvibrate ang cellphone niya.

I have her.

Nabuhay ang galit sa loob niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya. Talagang dinamay pa nito ang anak niya.

Kahit yung bodyguard dinala. Talagang malinis ang pagkakagawa ni Levi. Tinawagan niya ang asawa.

"Han."

"Kinuha ni Levi si Annah."

"What?"

"Kian ang anak ko." tumulo ang luha niya dahil sa takot.

Kilala niya si Levi gagawin ang lahat nito para makuha lang ang gusto kahit may buhay pang madamay.

"Hanna. Leave that place now!" bigla itong sumigaw.

Nataranta naman siya. "What?"

"Leave that place. May bombang nakalagay sa mall. Papunta na ako diyan lumabas kana."

Hindi na siya nakasagot nang pinatay na nito ang tawag. Tumingin siya sa paligid. Maraming tao. Karamihan sa kanila ay pamilya. Mga bata na masayang naglalaro. Hindi niya pwedeng madamay ang mga ito.

Naglakas loob siyang sumigaw.

"MAY BOMBA! LUMABAS NA KAYO!"

Dahil sa ginawa niya nagkagulo ang lahat nag unahan sa paglabas. Nang magawa niya yun sumama na siya sa mga tao palabas. Hindi nagtagal isang malaking pagsabog ang naramdaman nila. Mabuti nalang walang namatay may mga nasugatan man pero hindi malala.

Nakita niya ang paghinto ng sasakyan ng asawa niya sa harap niya.

"Hop in."

Sumakay siya. "Na track niyo na ba si Annah?" tanong niya.

"Hindi pa." sagot nito.

"Isa lang ang alam kong taong gagawa nito." iyak niyang sabi.

"Kilala mo ang may pakana nito?" galit na tanong nito.

"Si Levi. Nagkita kami bago nangyari ang pagkidnap nito kay Annah."

Hindi umimik si Kian. Matalim ang mga mata nito na nakatingin sa daan. Mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

"Kian-"

"Don't talk. Sa bahay ka muna kami na ang tatapos nito." malamig ang boses nito.

Hindi na siya nagsalita pa. Galit na ang asawa niya kaya ayaw na niyang dumagdag pa. Alam niya ang ugali nito pag galit.

Natatakot siya sa mga pwedeng gawin ni Levi sa anak niya. Bata pa ito at siguradong takot na takot na ito. Ang batang wala pang alam siya pa yung nabiktima ni Levi. Malaki na talaga ang galit nito sa kaniya.

Pagdating sa bahay nila, pinababa lang siya nito saka umalis din. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Kian bago siya pumasok sa loob. Nadatnan niya si Nay Fe na umiiyak. Napaiyak rin siya nang makita ito. Agad niya itong yinakap at humagulgol sa balikat nito. Si Nay Fe, alam niyang nagaalala rin ito. Napalapit na ito sa anak niya dahil palagi ito ang bantay kung may trabaho man sila.

"Nasaan na si Annah?" tanong nito.

Humigpit lang ang yakap niya sa matanda. Wala siyang alam kung nasaan ang anak niya. Levi might brought her daughter to an isolated place. Hindi nito dadalhin ang anak niya sa isang mataong lugar. She knew her. Takot ito.

"Papunta na ngayon ang Mommy mo tapos yung mga magulang ni Sir."

Pinaupo siya nito sa sofa. Pinahid nito ang mga luhang naglandas sa pisnge niya.

"Huwag kang mag-alala anak, mahahanap din ni Sir si Annah at ibabalik siya nito dito ng ligtas."

Tumango siya rito. Pero hindi pa rin siya mapakali. Habang tumatagal na wala pa rin siyang balita para siyang mababaliw na sa kakaisip.

Napalingon sila sa pinto nang pumasok don ang Mommy niya kasama ang mga magulang ni Kian. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala din.

"Nasaan ang apo namin?" tanong ng Mama niya.

Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. May mga luha ang mga mata nito.

"Hindi pa tumatawag si Kian, Mama." sagot niya.

"Hanna, kailagan mong magpahinga. Masama sa buntis ang ma-stress." paalala ni Nay Fe.

Muntik na niyang makalimutan na buntis siya.

"Buntis ka anak?" tanong ng Mommy niya.

Tumango siya.

"Magpahinga ka na. Babalitaan ka na lang namin pag tumawag na ang asawa mo." wika naman ng Mama niya.

Inalalayan siya ni Nay Fe sa pagtayo dahil sa nanghihina na rin siya. Hinatid siya nito sa kuwarto niya. Nang makahiga siya saka lang siya nitong iniwan.

Papikit na siya nang tumunog ang cellphone niya. Hindi nakarehestro ang numero nito sa cellphone niya.

"Hello?"

"Hi Hanna."

Umakyat ang dugo niya nang marinig ang boses ni Levi sa kabilang linya.

"Hayop ka." gigil na usal niya.

"If you want your daughter alive, come to this place. I'll send you the address. But in one condition. You must come here by yourself. Is that clear?"

"Okay."

"Good."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya nang ibaba nito ang linya. Maya maya dumating naman ang message nito. And she's right. Dinala nga nito ang anak niya sa isang lugar kung saan malayo sa mga tao.

Tumayo siya sa kama saka nagbihis. Dumaan pa siya sa likod para hindi siya makita ng mga magulang niya. Pagdating niya sa parking lot kinuha niya ang isang kotse ni Kian.




____________________

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now