CHAPTER 16

198 8 0
                                    

CHAPTER 16

Tanaw ni Kian ang lawak ng karagatan. Dahil sa ganda ng tanawin hindi niya naramdaman ang pagdating ni Mia. Tumabi ito sa kaniya at tumanaw rin sa karagatan.

"Akala ko nakalimutan mo na itong lugar." wika nito habang nakatingin pa rin sa karagatan.

"Pwede ba yun?" usal niya naman.

Ngumiti ito at tumingin sa gawi niya. Bumaling naman siya rito.

"Dito tayo unang nagkita diba? At yun ang naging simula ng pagiging close natin.

Simula non hindi kana nawala sa isip ko hanggang sa minahal kita."

Tinitigan niya lang ito.

"Bakit si Hanna pa, Kian? Si Hanna na sa simula palang inagaw na niya sa akin ang lahat. Napunta sa kaniya ang lahat ng mga supporters ko, ang pagiging top, at ikaw. I don't like her. Lahat nalang inagaw niya."
Tumulo ang luha nito.

"Walang inagaw sayo si Hanna."

"Para sayo wala pero sa akin meron. Inagaw ka niya sa akin!" sigaw nito.

"Hindi niya ako inagaw sayo dahil sa simula wala namang tayo."

Umiling ito saka pinahid ang luha sa pisngi.

"Kung hindi lang sana dumating ang babaeng yun hindi mangyayari ito. You kissed me Kian. You kissed me."

"I only did that because of the dare."

Bigla nalang itong tumawa kaya nagtaka naman siya.

"Sana matagal ko nalang siyang tinapos. Wala sana akong problema ngayon. Dumagdag pa ang anak niyo. Hindi ko man napatay si Hanna mabuti nalang kung patayin nalang kita!" sigaw nito at tinutukan siya ng baril.

Napaatras siya. Madilim ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

"Kung hindi ako magiging masaya dapat hindi rin maging masaya si Hanna."

"No. Habang buhay kang magiging malungkot kung gagawin mo ang gusto mo. Sa akin okay lang na mamatay ako at least nakasama ko ang anak ko at si Hanna."

Tumitig lang ito sa kaniya. Walang salita na lumabas sa bibig nito.

"Ikaw? Naging masaya ka ba sa buhay mo?" tanong niya.

May tumulong luha na naman sa pisngi nito. Masyado mang harsh ang tanong niya he knows that he is just saying the truth. Her parents were dead 2 years ago because of politics. Nag iisa nalang siya sa buhay. Tanging ang mga tauhan ng Ama nito ang kasama sa bawat araw.

"Mamamatay ang mag ina mo."

Lalong dumilim ang paningin niya dahil sa sinabi nito.

"What did you do?"

"Susunod kana."

"Stop this nonesense Mia! Palalagpasin ko pa sana sa ginawa mo sa asawa ko pero hindi na ako papayag na pati anak ko damay!"

Hindi na niya napigil ang galit kaya sumigaw na siya. Kumuyom ang mga kamao niya at pilit na piliting hindi masapak ang kaharap.

"You don't know me, Kian. I have so many plan in my head."

"Hayop ka talaga, Mia. Kahit babae ka kaya kong pumatol sayo."

"Bye"

Before Mia pulled the trigger, sound of gunshot pervaded in the air. Bumagsak sa harap niya si Mia na hawak-hawak ang balikat.

Hindi nagtagal dumating na sina Alexis, Andrei, at Luke. Si Alexis ang may dala ng baril.

"My family?" agad na tanon niya kay Andrei.

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now