LAST

430 8 1
                                    

BUHAT ni Kian si Khalil habang hawak naman nila ang magkabilang kamay ni Annah. Kulay kahel na ang langit. Nasa dalampasigan sila at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kalma lang ang dagat. Kay sarap pagmasdan ang kapaligiran. Ito ang pinapangarap niyang buhay. At natupad niya iyon nang makilala niya si Hanna. Ang pinakamamahal niya.

Ang akala niya mawawala ito ng tuluyan sa kaniya pero pinagbigyan uli siya ng nasa taas. Hindi na niya inalam kung paano ito nakaligtas sa pagsabog. Hindi rin kasi nito sinasagot ang tanong niya kaya pinabayaan niya nalang ito.

"Kakain na."

Napalingon sila. Nakita nila si Caleb at si Cali na nakahawak sa kamay nito.

"Mama." ngiting tawag ni Cali sa asawa niya.

"Ipractice mo yang anak mo na tawaging 'tita' ang asawa ko." aniya.

"Kian." saway naman ni Hanna.

Tumawa naman si Caleb.

"I'm just kidding." ngiti niya.

"Tayo na. Naghihintay na sila." sabi uli ni Caleb.

Bumitaw sa amin si Annah saka ito tumakbo na sinundan naman ni Cali.

"I want to run, Daddy."

Napatingin siya sa anak. Tatlong taon palang ito pero kung umasta parang limang taon.

"Hindi pwede, Lil. Baka madapa ka." paliwanag niya rito.

Sumimangot naman ito. Napatawa naman siya. Nagsimula din naman silang maglakad papunta sa cottage. Nasa isla sila ng mga Del Franco. Dito nila ginanap ang birthday ni Cali.

Nadatnan nila ang mga magulang nila na nagtatawanan sa hapag kainan. Nandon din ang mga pinsan niya at mga kaibigan. Lahat nakangiti. Walang makikitang lungkot sa mga mata nito.

Nang matapos ang kainan. Picture taking naman ang sumunod. Lumapit bigla si Cali sa table namin at hinarap ang asawa niya.

"Mama, picture tayo nila Daddy." sabi nito.

Nalukot bigla ang noo niya. Hindi niya gusto yun. Para naman silang complete family kapag sinama pa nila ang asawa niya.

"Cali, kayo nalang ng Daddy mo, okay?"

"Pero tito gusto ko magpapicture kasama si Mama."

"CALEB!" tawag niya sa kapatid.

Lunapit naman sa kanila si Caleb na may pagtataka.

"Ilayo mo yang anak mo sa asawa ko."

"Hoy! Ano ka ba? Bata yun." sita uli ng asawa niya.

Yinakap niya ito nang makaalis na ang mag ama sa haral nila.

"Nakakainis kasi. Ikaw ang asawa ko tayo ang pamilya. Parang ang sakit naman tingnan pag nagpapicture ka sa kanila. Ano yun, one big happy family?"

Natawa naman ito. "Napakaseloso mo talaga." sabay pisil sa mukha niya.

"Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Ayoko ng may kahati. Dapat sa akin lang ang time mo at sa anak natin."

"Oo na. Kaya tayo nalang magpapicture kasama si Cali."

"That is a good idea." sang ayon niya.

Tumayo silang dalawa saka pumunta kay Cali para magpapicture. Nang makita sila nang mga anak nila. Pumunta ito agad at sumama sa picture.

Ito ang araw na sobrang saya niya. Yung pakiramdam na kontento ka sa kung ano meron ka. Yung wala ka ng mahihiling pa. Dahil yun ngayon ang pakiramdam niya. Wala na siyang mahihiling pa.

WAKAS

_______________









Yehey! Natapos din. Hindi nga lang maganda. Baguhan palang po ako kaya hindi talaga ito maganda.

Ito po ang una kong story na natapos. Sa mga kaibigan ko pala na sumuporta nito kahit hindi maganda, maraming salamat.😊

Pasensiya na kung maikli lang. Nagaadjust pa ako😂

Please support the next story of Del Franco Series-Andrei Del Franco🙋🙋

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now